Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Lumabas si Madeline Crawford ng ospital, hawak niya ang test results habang nanginginig ang kamay. May mga luha sa kanyang mata, hindi mawari kung masaya ba siya o malungkot.“Miss Crawford, buntis po kayo.” Muli na namang pumantig sa isip niya ang mga salitang binitawan ng doktor.Tatlong buwan ang nakararaan, pinakasalan niya si Jeremy Whitman; siya lang naman ang nag-iisang young master ng isang prestihiyosong pamilya na kinaiinggitan ng lahat sa buong Glendale.Sa araw ng kasal, bawat babae sa lugar nila ay napuno ng inggit sa kanya. Inisip rin niya no’n na siya ang pinakamasaya at pinakamaswerteng babae sa buong mundo.Simula nang makilala niya si Jeremy noong sampung taong gulang pa lang siya, may isang binhi na ang natanim sa kanyang puso.Upang umabot sa lebel ni Jeremy at upang makuha ang atensyon nito, ginawa niya ang lahat para ma-i-ayos ang sarili sa nakalipas na labindalawang taon.Lagi niyang dama na tila ba galing sila sa magkaibang mundo. Para siyang isang nagwawa
Sumunod na araw, nagising si Madeline mula sa kanyang tulog.Bago pa man siya magising nang buo, isang kahon ng contraceptive pills ang ibinato sa kanya.“Inumin mo ito.”Inangat ni Madeline ang kanyang ulo at nakita niyang bihis na si Jeremy. Malamig at elegante itong tignan, ibang-iba sa bayolenteng demonyo na kasama niya kagabi.Nang tingnan niya ang kahon ng contraceptive pills, nanginig ang puso ni Madeline.Buntis na siya at hindi niya dapat ito inumin. Magiging dahilan ito para madeporma ang bata.“Bakit ayaw mong inumin? Gusto mo bang ipakain ko pa sa iyo?”Nang makita niyang hindi kumikilos si Madeline, nainis siya rito nang bahagya.“Madeline, sinasabihan na kita. Huwag mong subukan na dalhin ang anak ko. Wala kang hiya, kakagatin mo pa ang kamay na nagpapakain sa iyo. Hindi ka nababagay maging ina ng anak ko!”Tumusok ang mga salitang ito sa puso ni Madeline.Tag-init na, pero ramdam na ramdam ni Madeline ang malamig na simoy ng hangin sa puso niya.Akala niya ang
Natumba si Madeline sa lapag matapos sipain. Pinrotektahan niya ang kanyang tiyan nang hindi namamalayan. Bago pa man siya makapagpaliwanag, sinampal ulit siya ni Jon sa ulo.“Ikaw p*ta ka! Bakit naman papatayin ni Meredith ang sarili niya para sa isang kagaya mo! Ikaw ang dapat na mamatay.”Habang nagngingitngit ang ngipin, binitawan ni Jon ang mga salitang ito. Talagang sagad sa buto ang galit niya kay Madeline.“Papa, ayos lang po. Hindi talaga ako itinadhana kay Jeremy. Hindi ko po sinisisi si Maddie.” Rinig ang mahinang iyak ni Meredith mula sa kabilang dulo ng kwarto.Dumudugo ang gilid ng labi ni Madeline, at pumapantig ang ulo niya mula sa sakit. Tiniis niya lang ito at inangat ang ulo. Bilang resulta, nakita niyang nakasandal si Meredith sa dibdib ni Jeremy. Ganoon din, naramdaman niyang namumuo ang luha sa mga mata niya.Hagkan ni Jeremy ang umiiyak na si Meredith. Puno ito ng lambing tila ba pinoprotektahan niya ito.Nakakatuwa ang eksenang ito, subalit masakit ito sa
Hindi makilala ni Madeline kung sino ang babaeng kausap ni Meredith habang nilalait siya.Simula noong makapasok siya sa Crawford Family at makilala si Meredith, inisip niyang isa itong dalaga na mabait, mapagkumbaba, elegante, at mahinahon. Subalit, sa ngayon…“Galit na galit ako! Nagsayang pa ako ng oras para bumuo ng isang plano at para painumin si Jeremy ng inuming may droga. Nagtawag pa nga ako ng mga reporters para may ebidensya na kasama ko si Jeremy sa gabing iyon para pumayag na rin ang Old Man Whitman na ikasal ako sa kanila. Sino naman ang mag-aakalang mali ang room number na napuntahan ko at iba pala ang kasama ko sa gabing iyon, talagang aksidente pang sinuwerte si Madeline!”Ito pala ang katotohanan; ito ang totoong mukha ng isang mabuting kapatid na kunwaring humihingi ng awa para sa kanya ilang minuto lang ang nakararaan.Mabilis ang tibok ng puso ni Madeline. Talagang mababaliw siya sa mga naririnig niya.Ito ang babaeng pinakamamahal at pinakamabuti sa mga mata n
Hindi nila inasahang magpapakita si Madeline para sabihin ang mga bagay na iyon. Nanigas ang tatlong taong nasa kwarto.Matapos ang ilang segundo, agad na nagbago ang mukha ni Meredith. Ang madalas nitong banayad at kalmadong ekspresyon ay nawala. Sa kabilang banda, nagmukha itong masama, “Madeline, bakit andito ka pa?”Namumula ang mga mata ni Madeline. Tumawa siya nang pakutya at sinabing, “Hindi ba ito na ang oras para sumama ako sa planong ginagawa niyo?”Napagtanto ni Meredith kung ano ang nangyari at lumubog ang kanyang mukha. “Sino ka para makinig sa usapan namin!”Sabi ni Madeline, “Oo, nakinig ako, kung hindi ko narinig ang sinabi mo, hindi ko sana malalaman na ang mabuti ko palang kapatid ay walang hiya, at isang peke!”“Sino ka para tawagin si Meredith nang ganyan, maldita ka! Naghuhukay ka lang ng sarili mong libingan!” Galit na inangat ni Rose ang kanyang kamay, sasampalin na naman niya sana si Madeline.“Ma, bakit ba kayo nagagalit sa ignoranteng ito na walang magul
“Hindi! Jeremy...”Namumutla na ang mukha ni Madeline sa takot. Hindi siya makakilos sa ginagawa ni Jeremy.Hindi niya pa nakikita ang malamig at bayolenteng bahagi ni Jeremy dati. Natatakot siyang mawala ang anak nila sakaling masaktan siya nito nang todo.Subalit, hindi siya hinayaang makatakas ni Jeremy. Kinulong siya nito sa kanyang mga bisig.Hindi niya inakalang ganito ang galit ni Jeremy sa kanya.Matapos ang napakahabang sandali, nakaramdam lang si Madeline ng sakit sa kanyang buong katawan. Sunod doon, nakatulog siya nang malalim, at sa kanyang panaginip, nabalik siya sa sa araw na nakilala niya si Jeremy, labindalawang taon ang nakararaan.Maaliwalas ang sinag ng araw sa dalampasigan noon at mayroong isang puno ng alkampor.Namumulot ng mga kabibe ang batang si Madeline. Tinignan niya ang isang tahimik na lalaking nakaupo sa malayo. Ang lungkot ng mukha nito.Dito niya unang nakilala si Jeremy. Labindalawang taon pa lamang ito subalit napakagwapo na nito, matangkad at