Sapat nga bang gawing pambayad utang ang pagmamahal at katawan? Desperadong maibalik ni Quinton James ang yamang nawala nang dahil sa panloloko sa kaniya ng isang paluging business tycoon na si Oscar Santibañez. Kaya't gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya maibalik lang ang multi-million peso na ninakaw nito sa kanyang kompanya. Sa kanyang paghahanap sa nawawalang tao ay matatagpuan niya sa isa sa properties nito ang 24 taong gulang na si Renata Santibañez, ang ulilang pamangkin ni Oscar. Sa kagustuhang maibalik agad ang yamang nawala, gagawing collateral ni Quinton ang dalaga at habang hindi pa nagpapakita si Oscar ay gagawin niya ang lahat ng kanyang nais kay Renata. Walang kalaban-laban na bibigay ang dalaga sa lahat ng kagustuhan ni Quinton kapalit ng kanyang buhay. Hanggang sa isang pangyayari ang babago sa ikot ng kanilang mundo. Sino nga ba talaga si Renata at ano ang kinalaman ng kanyang nakaraan sa kinatatayuan ni Quinton?
View MoreRENATA NAGISING ako sa isang malamig na kwarto kung saan ako dinala ng mga lalaki kanina. Hindi ko alam kung anong lugar ito, basta’t ang alam ko lang ay nasa mansion ako ng lalakung dumukot sa akin, si Quinton James Vera. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Tumingin ako sa orasan at pasado alas dos na ng hapon. Kumakalam na ang aking sikmura dahil wala pa akong kinakain simula pa kaninang umaga. Nanghihina na ako. Malinis ang buong kwarto. Malawak ang lob, mayroong sofa at lamesita sa tapat ng malaking bintana. Nasa malambot na kama pa rin ako na sa palagay ko ay queen size bed. Tumayo ako at hinanap ang aking saplot sa paa. Wala na iyon. Naglakad ako patungo sa pintuan at sinubukang buksan ngunit nakasarado sa labas. “Dios ko, paano ako makakatakas nito?” Nasapo ko ang aking noo nang sabihin ko ang bagay na ito. Pumipitik-pitik na naman ang aking sentido, masakit ang ulo ko. Kaya’t hindi ako kaagad maka-isip ng maayos kung paano ako makakatakas sa lugar na ito. Saglit akong nag
RENATA “ANG ganda mo naman sa suot mong iyan, Renata. Para kang anghel.” Ito ang naging komento ni Aling Josefina nang bumili ako ng tinapay mula sa kanyang bakery. Ito na lang ang magsisilbing almusal ko sapagkat hindi ko na magawang magluto pa, mahuhuli na ako sa pupuntahan kong kasal. Kailangan kong dumalo sa kasal ng kaibigan kong si Aurelia, matalik at matagal ko na siyan kaibigan simula pa nang kami ay nasa kolehiyo kaya’t hindi maaaring wala ako sa isa sa pinakamahalagang okasyon ng kanyang buhay. “Binobola mo na naman po ako, Aling Sofing,” naiilang kong sabad sa komento ni Aling Josefina. “Hindi hija. Maganda ka talaga. Ewan ko nga ba sa anak ko at ayaw kang ligawan, baka raw ma-busted mo lang siya.” Saka niya inabot sa akin ang supot ng pandesal. Wala naman akong alam na maari kong isagot sa kanya kaya’t ang simpleng ngiti ko lang ang nagtapos sa aming pag-uusap bago ako umalis. Halos nasa tatlumpung metro ang layo ng kanto sa tinitirhan kong bahay. Pag-aari ito ng ak
"SA SUSUNOD na tangkain mo ulit na tumakas, hindi na ako magdadalawang isip na patayin ka dahil pangalawang beses mo nang ginawa ito. You are making me mad, again, Renata. Damn.” Ito ang mga salitang narinig ko mula sa kanya nang sandaling kumalma siya at naupo sa kanyang malaking upuan sa sala ng kanyang mansion. Matapos niya akong iphabol sa kaniyang mga tauhan sa labas ay kinaladkad nila ako papasok hanggang sa muli ko na namang makaharap ang lalaking dumukot sa akin. Hinang-hina na ako at wala na akong natitira pang pag-asa. Ang nais ko na lang ay mamatay na katulad ng aking mga magulang. Hindi ko na gustong mabuhay pa kung pahihirapan lang ako ng lalaking ito. “Look at me when I am talking to you.” Binigla niyang hinawakan ang aking pisngi upang sa gano’n ay makita ko ang mukha niya. Galit na galit ang kanyang mga mata sa akin, wala akong mahanap na kahit katiting man lang na konsensya mula sa kanya sa kanyang ginagawa ngayon sa akin. “Bakit mo ito ginagawa sa akin? Wala ako
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments