Contract Marriage To Mr. Billionaire

Contract Marriage To Mr. Billionaire

By:  Diena  Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating
53Chapters
10.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

"I'm sorry, I can't love you back. I love someone else." - Razen Isaac Beriones-Montagne. ____________ Razen Isaac Beriones-Montagne kilala bilang isang matinik pagdating sa babae. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa isang binata sa ubod ng gwapo, malakas ang karisma at higit sa lahat isang bilyonaryo? Ngunit sa edad na tatlumpung taong gulang wala pa itong nobya. NO GIRLFRIEND SICE BIRTH in short NGSB dahil hinihintay niya ang pagbalik ng dating minamahal. Subalit, minamadali na siya ng kanyang ina na mag-asawa. Kaya nang dumating ang bagong kasambahay nilang si Gueene, agad niya itong pinakilala sa mga magulang na fiance niya ito. Gulat at pagkalito ang naramdaman ni Gueene dahil bilang isang kasambahay ang ipinunta niya, ngunit hindi trabaho ang kanyang nadatnan kundi ang maging asawa ng isang binatang bilyonaryo. Anong klaseng buhay kaya ang kanyang matatamasa sa poder ng mga Montagne? Ito na ba ang kasagutan sa kanilang kahirapan o ito ang simula upang lalong maging magulo ang kanyang buhay? Paano kung muling bumalik ang babaeng unang iniibig ng binata, panindigan kaya ni Razen Isaac ang kanyang mga sinumpaan sa asawa o magpadala sa bugso ng damdamin? Hanggang saan hahantong ang pagiging mag-asawa nila gayong una palang wala na silang pag-ibig na naramdaman sa isa't isa?

View More
Contract Marriage To Mr. Billionaire Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Diena
10-26-2023 End
2023-11-04 16:36:42
0
53 Chapters

Chapter 1

"Inay! Itay! Halina po kayo at kakain na! " malakas na sigaw ko upang masiguro na marinig nila ako dahil nasa dulo na sila ng maisan nagbubunot ng damo. "Tanghali na po. Tama na muna iyan! "Pero mukhang ayaw pa nila tumigil sa ginagawa kaya inutusan ko na lang ang bunso namin na sunduin sila inay at itay doon sa dulo. "Ate, naman e! Ang layo kaya nila. Ang init pa, " pagdadabog niya. Pinanlakihan ko siya ng mata. " Bilisan mo na. Daanan mo na rin si Maureen doon sa sapa tapos na siguro iyon sa paglalaba. " Lalo siyang nagdabog. Mangiyak-ngiyak itong nagpapadyak na umalis upang sundin ang utos ko. Natawa nalang ako. Ako nga pala si Gueene Ysabelle Ignacio-Aloquin. Panganay sa tatlong anak. At proud ako na isang magsasaka ang mga magulang ko. Dito nila kami binubuhay na magkapatid. Maliit lang itong sakahan namin na minana pa ni Itay sa kanyang namayapang ama. Ang pagtatanim ng mais ang pangunahing pangkabuhayan namin. Sa kabila ng hirap at kapos sa pera nagawa parin nila kam
Read more

Chapter 2

Natinag ako sa aking kinatayuan nang mag angat ito ng tingin. Na pansin niya siguro na may nakatingin sa kanya. Inilapag niya ang baso na wala nang lamang alak sa ibabaw ng mesa. Dumikwatro ito ng upo. “Ikaw ba iyong kaibigan na tinutukoy ni Shara?” wala sa sarili na tumango ako at lumapit sa kinaroonan niya. “Have a seat.” May sariling isip yata ang katawan ko at kusa na lang ako umupo sa tabi niya ngunit malaki ang ispasyo sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang nanyari sa akin. Kusa nalang na lumapit ako sa kanya at umupo sa kanyang tabi nang hindi ko namamalayan. Kahit may kadiliman, nasisiguro ko na ang gwapo niyang lalaki. Yung ilong niya pang Spanish na ilong ang hugis. Ang tangos. Magkasalubong ang kanyang makapal na kilay. At ang kanyang pilik-mata ang haba…"Alam kong gwapo ako,” he said and licked his lower lips. “Pero sis, hindi tayo talo,” dinig ko ang pagbuntonghininga niya, nagsalubong kasi ang kilay ko dahil hindi ko na gets ang sinasabi niya. "It mean
Read more

Chapter 3

Nagising ako sa hindi pamilyar na silid. Subrang sakit ng ulo ko pati ang buong katawan ko. Para akong binugbog. Mariin akong napapikit nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi ako makapaniwala sa aking sarili na nagawa ko ang bagay na iyon... Na isinuko ko ang aking pagkababae sa isang estranghero. Napabangon ako sa gulat nang bumukas ang pinto at pumasok ang lalaki. Ngunit agad rin akong napahiga ulit at napa igik nang maramdaman ang sakit sa pagitan ng dalawang hita ko. Lumapit siya sa akin na may pag alala sa mukha. Ganoon parin ang suot niyang damit kagabi. Lukot na iyon at may bakas ng mantsa. Nahihiya na napaiwas ako ng tingin nang makalapit siya sa akin. "Na... Nasaan tayo? " mahinang tanong ko. "Sa hotel. Hindi ko kasi alam kung saan kita ihahatid kaya dito nalang kita dinala, " aniya. "Yung nangyari kagabi--, " "Sorry. Ano, wag mo ng isipin yun. " What?""Sorry... Hindi ko lang talaga alam kung ano ang nangyari sa akin kagabi kaya ko iyon nagawa sayo, " sabi ko sa m
Read more

Chapter 4

"Saan ka noong kailangan ka namin?! Bakit umuwi ka pa?! " Napaluhod ako sa aking kinatayuan. Nawala lahat ng lakas ko sa mga narinig. Paanong patay na ang mga kapatid ko? Paano sila namatay? Walang tigil ang pag-agos ng luha. Tahimik akong tumatangis habang iniisip kung paano nangyari sa kanila iyon? Nadurog nang tuluyan ang puso nang tumangis si Itay. Subrang sakit pakinggan ang mga hagulgol niya. Sinikap kong tumayo upang daluhan siya ngunit walang lakas ang mga tuhod ko. Pagapang akong lumapit sa kanya. Nanginginig ang mga kamay na inabot ko ang palad niya ngunit tinabig niya iyon dahilan para masubsob ako sa sahig. "Yung mga kapatid mo... Walang awa nilang pinatay.. " tumatangis na sambit niya. "Tinatawagan ka nila ng mga araw na iyon... Humihingi sila ng tulong sayo! Pero nasaan ka?! Telepono mo nakapatay! " Sa subrang pagdamdam ko sa pagbintang nila sa akin na nagnakaw ako, hindi ko na napagtuunan ng pansin ang telepono ko. Lowbat iyon at hindi ko na-charge dahil dalawa
Read more

Chapter 5

Ako buntis? Paano? Oo nga pala, wala nga pala kaming proteksyon ng gabing iyon. Hindi ko naisip na baka ma buntis ako. Ngunit hindi pwede... Hindi ako pwedeng mabuntis. Kauumpisa ko palang na patunayan ang sarili ko sa mga magulang ko na malayo rin ang marating ko balang araw, ngunit bakit na udlot na naman? Paano na ako? Paano ang batang nasa sinapupunan ko? Ayoko naman na wala ang batang ito. Wala siyang kasalanan. Hinarap ko si Inay na may takot sa mukha. "Buntis ka ba? "Hindi ko magawang sumagot. Hindi ko alam ang isasagot. Wala naman akong nararamdaman na kakaiba sa akin maliban lang sa paglaki ng balakang at boobs ko. Ngayon lang ako nagsuka. Ngayon ko lang hindi nagustuhan ang luto ni Inay gayong paborito ko ang ginataang langka. "Buntis ka?! " pagalit na tanong ni Itay na kakalabas ng kanilang silid. Nakatayo lang ako sa tabi ni Inay, kinakabahan, natatakot kay Itay. Napahawak ako sa aking pisngi nang sampalin niya ako. "Warlito!" hiyaw ni inay at dinaluhan ako.Nakay
Read more

Chapter 6

Kumapit si Inay sa braso ni Itay nang makita nito ang nag aapoy sa galit na mata ni Itay. Na anumang oras susugurin niya si Juancho. May ibinulong si Inay sa kanya dahilan para unti-unti itong kumalma. "Nandito na pala ang anak ko," wika ni mayor.Nang tingnan ko si Juancho, mukha itong sabog. Magulo ang buhok, gusot ang damit at pula ang mga mata. Amoy alak at sigarilyo pa. Mukhang inumaga sa inuman o kung saan man siya galing. "Pumasok muna kayo sa loob at doon nalang natin ipagpatuloy ang pag-uusap, " saad pa ni mayor at inakay ang anak papasok sa kanilang tahanan. May pabilog na mesa na gawa sa semento dito sa kanilang bakuran. Doon kami dinala ni mayor. Nagpahanda rin siya ng meryenda para sa amin ngunit wala doon ang atensyon namin. Mukhang hindi na makapagpigil si Itay kaya diritsahan niyang itinanong si Juancho. "May kinalaman ka ba sa pagkamatay ng mga anak ko?" Mahinang tanong ni Itay ngunit ramdam ko ang pagpigil nito sa galit niya dahil nasa teretoryo nila kami. Nan
Read more

Chapter 7

Isang bangungot para sa akin ang pagkamatay ni Itay. Hindi ako pinatulog. Isang buwan na ang nakalipas ngunit parang kahapon lang nangyari ang lahat. Sariwa pa sa aking isipan ang mga pangyayari. Sa tulong ng mga kapitbahay dumating ang ambulansya para kay Itay upang dalhin siya sa hospital, ngunit hindi para sagipin siya. Dumating rin ang mga pulis ngunit wala kaming maisagot ni Inay sa mga tanong nila. Tikom ang bibig namin sa pagkabigla at takot sa bilis ng pangyayari sa hindi makatarungan na nangyari kay Itay. May nakasaksi sa pangyayari, ngunit tikom rin ang kanilang mga bibig sa takot na baka sila naman ang balikan ni Juancho. Maski kami natatakot rin para sa kaligtasan nila dahil nakita mismo namin kung gaano ka hayop at walang awa si Juancho. Nang araw din iyon inilibing namin si Itay sa tabi ng puntod ng mga kapatid ko. Subrang sakit ang pagkamatay ni Itay. Sa paghahanap niya ng hustisya namatay siya na hindi ito nakamit. Sinalo niya ang bala na para sa akin dahil may bata
Read more

Chapter 8

Daig ko pa ang nakakita ng multo sa gulat at pagkabigla sa sinabi ng lalaking nasa tabi ko. Nabitawan ko pa ang bitbit kong bag sa gulat ng ipakilala niya ako sa magulang nito bilang fiance niya. Naguguluhan na tiningnan ko siya ngunit hindi man lang niya ako nilingon nito. Ngunit muntik na akong mabuwal sa aking kinatayuan nang biglang manlambot ang tuhod ko dahil.... Pamilyar sa akin ang kanyang mukha. Pero teka, hindi iyon ang concern ko ngayon. Bakit niya ako pinakilala na fiance sa mama niya? Hindi naman kami magkakilala. At saka bilang kasambahay ang ipinunta ko dito. Hindi ang maging fake fiance niya. Nanigas ang katawan ko ng ilapit niya ang mukha sa likod ng tainga ko. "Taga saan ka nga pala? " "Poblacion Maraga, " wala sa sarili na sagot ko. Ramdam ko ang bilis ng pintig ng puso ko nang pati ang kanyang malalim na baritonong boses ay pamilyar sa pandinig ko. Na baling ang tingin ko sa aking harapan nang marinig ang pagtaas ng boses ng babae na tinawag niyang mama. "F
Read more

Chapter 9

Napasandal ako sa sofa. Pinapakalma ang sarili at ang puso ko na kay lakas ng tibok. Hindi dapat ako makaramdam ng ganito. Alam ko kung ano ibig sabihin nitong biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko. Napasabunot ako sa aking buhok. Bakit ang tagal ng pagkain gutom na gutom na ako. Humihikab na hinilot ko ang gilid ng aking ulo. Ano ba itong pinasok ko? Hindi ba ako mapapahamak dito? Sana masabi kaagad ni Razen sa kanyang ina ang totoo nang sa ganun walang gulo na mangyari. Ilang minuto ang lumipas ng makarinig ako ng katok. Tumayo ako at tinungo ang pinto kung saan kami pumasok kanina. Ngunit nanlumo ako nang hindi ko alam paano ito buksan. Wala man lang dook knob. Tiningnan ko kung may button kagaya nang pinindot ni Razen sa labas pero wala. Naiiyak na napasandal ako sa pader. Gutom na gutom na ako. Paano ako makakain nito kung hindi ko naman alam paano buksan ang pinto na walang door knob. Kinatok ko nalang iyon. Pero sumakit na ang kamay ko sa pagtoktok walang nagbukas ng pinto.
Read more

Chapter 10

Napabuntonghininga na dinampot ko ang card at sinilid iyon sa bulsa ng suot kong pantalon. Ang ganda at ang laki ng bahay pero ang lungkot. Parang walang nakatira na tao. Hanggang pagmamasid lang ako sa buong paligid. Baka masabihan na naman ako ng kung ano-ano ng ginang kapag nakita niya ako na sinasayasat ko ang buong bahay nila. Tumayo ako at tinungo ang silid kung saan lumabas at pumasok ang maid kanina. Dito pala ang kusina. Isang maid lang ang naabutan ko. Naglilinis siya ng pinagkainan namin kaninan. Tantiya ko nasa tatlumpung taong gulang siya. "Ate... ""Santisima! " gulat na hiyaw niya napahawak sa kanyang dibdib ang dalawang gamay. "Ma'am, sorry ho. Nagulat lang ako. "Lumapit ako sa kanya sa harap ng mahabang mesa. "Gueene ho ang pangalan ko, ate. Wag mo na ako tawagin na ma'am. ""Ako nga pala si Ruby. Pero ma'am, baka magalit si sir. Fiance ka niya diba? "Kiming ngiti lang ang isinagot ko sa tanong niya. "Kapag tayo lang ang magkasama Gueene itawag mo sa akin, " wika
Read more
DMCA.com Protection Status