His Metal Cage

His Metal Cage

By:  noowege  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
18 ratings
39Chapters
10.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Yenah Arabella a girl with a disability. Ipinanganak siyang bulag ngunit lumaki kasama ang matandang itinuring niya nang ina. Siya ang naging pasanin ng kaniyang abuwela dahil sa kaniyang kapansanan. Until her grandmother died. Mas naging mahirap na kay Yenah ang mabuhay. She's only seventeen. Her age isn't suitable for work. Pero sinikap niyang maghanap at sa kauna-unahang pagkakataon ay lumabas siya sa kaniyang comfort zone at nakipagsapalaran sa labas. Inayawan siya ng mga in-apply-an niya dahil sa kapansanan niya pero hindi ang mga Rojo. Dahil tinanggap siya ng mga ito. Hindi lingid sa kaalaman ni Yenah na napakarami nang umalis na katulong sa bahay na iyon. Ang lalaking nakakulong sa basement ng mansyon ng mga Rojo na pinagsisilbihan niya ang dahilan ng lahat. Ang nakakagulat ay sa lahat ng katulong na pumasok sa silid na iyon ay si Yenah ang hindi nakalabas.

View More
His Metal Cage Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Earl T Socoral
ganda ng story
2024-07-14 00:42:00
0
user avatar
Jd0627
sobrang ganda,highly recommended...
2024-01-27 23:48:52
0
default avatar
Kate Angel
nice story
2023-12-24 09:00:38
0
user avatar
Shalanie
Waiting for your update here po
2023-05-14 06:12:55
0
default avatar
Edgardo Encarnacion
Napakagandnag storyyy! Can’t wait for the next chapters l! ......
2022-12-26 07:54:59
1
default avatar
Catherine Dumagan
Sobrang gandang story
2022-12-19 10:44:19
1
user avatar
Spinel Jewel
recommended. keep it up.
2022-10-29 14:03:57
1
user avatar
Jewiljen
Support!!!
2022-10-01 09:41:41
0
user avatar
MaidenRose7
Amazing story. keep it up author.
2022-09-22 15:37:39
2
user avatar
iampammyimnida
Love the storyline
2022-09-09 21:05:02
1
user avatar
valadhiel
great work po, keep it up <3
2022-08-31 10:24:11
1
user avatar
psynoid_al
ang ganda po!
2022-08-02 13:13:08
1
user avatar
Ms.aries@17
i love the story. kilig much! kung hanap nyo boss×maid. recommended po. keep updating author
2022-08-01 12:40:20
1
user avatar
Rona Doctorr
ang ganda nitoooo
2022-07-31 19:05:54
1
user avatar
Leanna_Avys
OMG! So good!
2022-07-30 10:41:50
1
  • 1
  • 2
39 Chapters

Panimula

Kinapa ko ang paa nang makaramdam ng pamimigat doon. At napasinghap nang malaman na may malaking bakal na nakakabit doon. Kinapa-kapa ko pa ang nakakabit na iyon nagbabakasakali na baka maari kong makalag sa mga paa ko pero hindi ko alam kung papaano iyon. "M-May t-tao po ba diyan?"nanghihina ang boses ko kasabay ng panginginig. Hindi ako nakakakita kaya hindi ko alam kung anong lugar ito at nasaan ako ngayon. Malamig ang lugar. Maging ang sahig na kinauupuan ko—malamig din. Nakakabingi na katahimikan ang bumabalot sa lugar. "N-Nasaan ako?" Umalingawngaw ang boses ko. Naghintay ako ng ilang saglit ngunit tila binuhusan ng isang baldeg yelo nang makaramdam ng mainit na hininga malapit sa mukha ko. "Ssshhhh..." At mabilis na naitapat ang hintuturo sa mga labi ko. Napasinghap ako nang biglang hawakan ng mala bakal niyang mga kamay ang braso ko. Napangiwi ako sa sakit dahil pakiramdam ko babaon ang kamay niya doon. "N-Nasasaktan ako,"nanginginig kong turan. Dala na rin ng takot.
Read more

Kabanata 1

Yenah POV- Gagawa raw kami ng kwentas na bulaklak sa araw na iyon sabi ng lola ko. Darating ang mga mayayamang tao sa lugar namin at kasama na roon ang mayor at ibang politiko ng bayan. Binibili ng aming kapitan ang mga ginawang bulaklak na kwentas para naman daw may pagkakakitaan kahit kaunti ang ibang mga taga-rito. Anim na taong gulang pa ako. Matagal-tagal pa bago ako magsampu. Gusto ko na rin kasi sana na matulongan si Lola sa ibang trabaho kaya lang sabi niya bata pa ako. Hindi ko pa raw kaya ang mga gawain ng mga matatanda. "Yenah, 'wag ka lumayo, ha. Baka pag tinawag kita para sa pananghalian 'di ka na naman makasagot dahil lumalayo ka na." Tumango lang ako at ngumiti. Hawak-hawak ko sa kabilang kamay ko ang maliit kong aso na natagpuan ni Lola sa gilid ng kalsada. Baka raw inabandona ng may-ari sa hindi namin alam na dahilan. May tali sa leeg si Sham-sham dahil minsan mas kabisado niya pa ang daan kaysa sa'kin kaya lang madalas akong mapahamak kapag kasama ko siya. Ibinab
Read more

Kabanata 2

Ilang taon ang nakararaan. Katulong ang naging programa ng Baranggay kung saan tutulong sa gastusin ang mga taga-Baranggay sa namatayan ay nagkaroon ng disenteng lamay ang Lola ko. Isa siya sa naging myembro noon. At oo, sa pinansyal ay hindi ako nahirapan pero ang kalooban ko ay hirap na hirap habang dinadama lang ang kabaong niya. Gusto ko siyang tingnan sa huling pagkakataon pero hindi ko magawa. Sa pagkakataong ito ay namalaam na nang tuloyan ang aking lola. "Ano na ang mangyayari sa kaniya niyan?" "Kawawa naman. Bulag pa naman. May tumatanggap pa ba ng bulag ngayon sa trabaho?" "Wala nga, e. Pasanin nga iyan ni Manang Peli noong buhay pa iyon, e. Ngayong siya na lang—iwan ko lang!" Naririnig ko ang pag-uusap ng mga gumagawa ng bulaklak sa patay. Pati iyon ay ang mga kaba-baryo rin ni Lola ang gumagawa basta ba myembro ng organisasyon. At mukhang tungkol sa buhay ko ang pinag-uusapan nila ngayon. Napayuko na lang ako at pinipigilang maiyak na naman. Naka-upo lang ako sa upuan
Read more

Kabanata 3

Huminto kami at siya na mismo ang kumuha ng gamit ko kahit hindi ko talaga balak na ipahawak sa kaniya. Nahihiya kasi ako sa gamit ko lalo pa at mumurahin lang iyon. Pero para sa akin iyon ang pinaka-magandang bag na gawa ng Lola ko. Maririnig ang pagbukas ng malaking gate nila. Ibig sabihin sa pangalawang pagkakataon ay makakatuntong na naman ako sa lugar na ito. Sa bungad pa lang nararamdaman ko na ang kakaibang pakiramdam na tila may nagmamasid sa'kin sa malayo. Napalunok ako at maingat na naglakad pasunod sa babae. Aaminin kong gustong-gusto kong makita ang paligid. Sabi ni Lola ang mansyon ng mga Rojo ang may pinakamagandang harden. Sa bungad pa lamang daw ay makikita mo na ang mga nagkukumpulan na matatabang bulaklak ng mga rosas. At ang Lily na matagal ko nang gustong makita ay malapit lang daw dito. Minsan na rin kasi na nagtrabaho si Lola sa mga Rojo. Gardener daw siya at noong mamatay ang mama ko at naiwan ako sa pangangalaga niya ay bumitiw siya sa trabaho niya at mas pi
Read more

Kabanata 4

Isang araw lang akong tinuruan ni Tessa. Sinaulo ko lahat kahit napakahirap dahil ang dami. May mga ginagamit silang mga bagay na hindi ko pa nagamit kailanman. Nang maalala ko si Archie ay kumalma ako. Pwede naman siguro akong magpaturo sa kaniya kung sakali. Kapag sweldo ko ay bibilhan ko na lang siya ng dalawang notebook. Ito ang unang araw para doon. At kinakabahan talaga ako. Hawak ko ang mop, walis tambo, at iyong tinatawag nilang vacuum. Nasa labas lamang ang trolley ko na napupuno ng mga kagamitang panglinis. Sabi nila ay kakatok ako ng tatlong beses at sasabihin ko kung ano ang sadya ko. At ginawa ko nga iyon. "M-Maglilinis po ako." Kinakabahan ako. Hinintay ko na may magsalita mula sa loob pero dumaan na lamang ang ilang segundo pero wala pa rin. Kaya nagpasya na akong ipihit ang seradura. Kaya lang ay alanganin pa ako lalo pa at wala naman akong narinig na sagot. Napapatanong tuloy ako sa sarili ko kung, ayos lang kaya? Hindi kaya ako mapagalitan? Tama ba ang ginagawa k
Read more

Kabanata 5

Salamat, Yenah. Napangiti ako nang malaman ang nakasulat sa papel. Pinagluto ko siya ng nalalaman kong ulam noong nasa bundok pa lang ako. Wala sina Tessa ang mayordoma at ang ibang katulong maliban sa taga-luto. Day-off nila maliban sa amin ni Archie na wala nang uuwian kaya mas pinili na lang na magpaiwan dito sa mansiyon ng mga Rojo. Nakatulog sa silid ang taga-luto dahil gusto rin magpahinga kaya malaya kong nagamit ang mga kagamitan sa kusina. Iyong patapon na mga gulay at iba pang rekados ay madalas iyon ang napupunta sa aming mga katulong. Iyon ang niluto ko. At iyon din ang magiging ulam namin ngayon ni Archie. Sabay kami ngayon sa likod, may sira na upuan doon at tinapon na mesa na hindi pa naman talaga sira. Iyon ang mga ginamit namin doon. Amoy na amoy ang rosas sa paligid na gustong-gusto ko. Si Archie ang naglagay ng mga pinggan at kubyertos. Hindi ko alam kung bakit pero napapangiti ako sa ideya na para niya akong asawa na pinagluluto siya at magkasabay kami ngayon n
Read more

Chapter 6

"Yn." "Asmodeus." Ang boses niyang masuyong tinatawag ngayon ang pangalan ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon, bakit nagbago ang tembre ng boses niya gayong sa unang pagkikita pa lang namin ay malamig at seryoso iyon. "You're calling me?" Napaigtad ako nang bigla kong marinig ang boses niya sa likuran ko. Napakurap-kurap ako, hindi totoong tinawag niya ako. Imahinasyon ko lang pala iyon, dahil sa takot ini-imagine kong sana maging mabait siya. "P-Pasensya na po." Agad akong tumalima at akmang magsisimula na nang magsalita siya. "How's your day-off, Yn?" Napamaang ako. Alinlangan pa pero humarap ako. "M-Maayos naman po." Matagal bago siya nagsalita. Naghintay ako pero dahil may gagawin pa ako at natatakot ako sa palitan namin ng salita ay nagpaalam ako. "M...Magsisimula na po akong..." "Why too fast?" Gulat na napaatras ako nang maramdaman ko ang hininga niya sa noo ko. Lumapit pala siya, hindi ko man lang naulinigan ang paglapit niya. Muntik na akong matumba kung hindi da
Read more

Chapter 7

"Archie..." Mahina kong bulong. Sana may magic na kapag tinawag ko sila ay darating sila upang sagipin ako.Kumakalampag ang pintuan ng banyo. Si Asmodeus iyon. Bawat hampas niya doon sa pinto ay para akong nahuhulog sa malalim na bangin. Tanging ang pinaghuhugotan ko ng lakas ng loob ay ang huling sulat na natanggap ko mula kay Archie. Kinapa ko ang sulat kamay niya doon.Araw-araw, paulit-ulit ko iyong binabasa upang ibsan ang takot na nasa loob ko.Hindi ko alam na pumayag ka na samahan si Asmodeus sa silid na iyan. Iyon ang sabi ni Mrs. Rojo sa amin.Hindi ako naniniwala dahil taliwas ang lahat ng nakita ko sa mukha mo. Paniguradong nalilito ka rin sa mga oras na ito.'Wag kang mag-alala, hahanap ako ng paraan, ilalabas kita diyan, Yenah. Patawad kung napunta ka sa sitwasyon na ito. Hindi ko aakalaing aabot ka sa puntong ito.Sana noon pa nabalaan na kita... sana noon pa... patawad, kasalanan ko ito."Archie..."nanghihina kong sabi.May pasa ang buong kabilang braso ko, maging an
Read more

Kabanata 8

"Ano ba iyang nirereklamo mo diyan?" Ang mayordoma na gaya ng nakasanayan at sabi nila ay nakataas parati ang kilay. Lalo na ngayong hinihingi ko ang permiso niyang tapusin na lang ang kontrata. Parang nararamdaman kong umaangat na rin ang kilay niya."T-Tinapos ko lang ang kontrata ni Ate-""Hindi ikaw ang dapat magdesisyon para diyan. Si Mrs. Rojo. Dahil siya ang nagpapasahod sa'yo, hindi ako."Bagsak ang balikat ko nang talikuran niya ako. Naghihintay na lamang kami na matapos sa pag-uusap sina Asmodeus at ama niya na nasa library raw ngayon. Pagkatapos dalawang araw dito ay kasama akong aalis ni Asmodeus sa mansion at tutungo kami sa isang syudad kung saan nandoon ang isa pang mansion na pagmamay-ari rin ng mga Rojo. Kaming dalawa ulit doon habang pinag-aaralan niya ang negosyo ng pamilya. Hindi ko alam kung anong magiging silbi ko doon. Sa yaman at laki ng impluwensya nila ay hindi malabong makahanap si Asmodeus ng mas higit pa sa'kin. Tapos na ang kontrata, dalawang buwan na lan
Read more

Kabanata 9

Sinabisab niya ng marahas na halik ang dibdib ko. May estrangherong pakiramdam na lumukob sa pagkatao ko ngunit nanaig ang pagtutol sa utak ko... kanina. Ngunit ngayon ay may nararamdaman akong mga bagay na hindi ko alam ang dahilan. O baka dahil sa mga ginagawa niya ngayon. "Have you been kissed before, My Yenah?"halos pabulong niyang sabi malapit sa mukha ko. Nararamdaman ko ang hininga niya sa labi ko. Napanganga ako nang maalala ang ginawa niya noon. Iyon ang una kong halik, kaya't hindi ako makasagot. "Hmm... I think I know the answer." Narinig ko ang marahan niyang pagtawa. At napasinghap ako nang kasunod niyon ay ginawaran niya ako ng masuyong halik. Halik na hindi tulad ng dati, marahan, nag-iingat, at tila may pagmamahal. Pagmamahal... Naalala ko na naman si Archie. Wala siyang mukha sa alaala ko pero nagkakaroon siya ng mukha sa puso ko. Hindi ko matukoy ang nararamdaman sa kaniya pero kapag usapang pagmamahal at pag-iingat ay siya ang sumasagi sa isipan ko. Dahil
Read more
DMCA.com Protection Status