CHAPTER 04
" Ano? Ikakasal ka kay sir Sebastian?! " pabulong ngunit malakas pa rin ang boses na napawalan ni Anna dahilan para mataranta si Estrella." Huwag ka namang maingay muna, Anna. Baka may makarinig sayo, " ani Estrella habang lumilingon-lingon sa paligid para masiguro kung may ibang tao ba dito sa kusina pero wala kaya nakampante siya at tinuloy ang kwento. " Sayo ko pa lang nasasabi 'to at kailangan ko hingin ang opinyon mo tungkol sa bagay na 'to. "
" Para saan pa? Nabigay mo na ang sagot mo kay sir Pio, hindi ba? " ani Anna sabay kagat sa mansanas na hawak niya. " Pero alam mo, hindi na ako gaanong nagulat kasi in-expect ko ng mangyayari 'to. "" Bakit naman? "" Kasi feeling ko—feeling ko lang naman ha? Walang kasiguraduhan pero feeling ko nga hindi ka pinasok ni sir Pio dito para maging kasambahay. Alam mo 'yon, parang dinahilan niya lang 'yon para mapapayag ka sa una tapos ito na nga, naging candidate ka para ipakasal sa amo natin, " ani Anna saka natawa nang bahagya nang may napagtanto sa sinabi niya. " Mali pala, hindi ka na candidate kasi nasa iyo na ang korona. Panalo ka na! "
Hindi maintindihan ni Estrella kung bakit tila tuwang-tuwa pa si Anna sa sitwasyon niya gayong namo-mroblema siya kung tama bang pumayag siya agad sa kasunduang iyon.
" Pero maiba tayo, bakit pala pumayag ka agad? Hindi mo man lang pinalipas ang isang araw o linggo para mapag isipan mo talaga nang maayos 'yong isasagot mo. Tignan mo tuloy, ngayon nagsisisi ka. "" Hindi naman sa nagsisisi ako. Medyo napa isip lang ako kung tama ba ang pagpayag ko kasi hindi naman kami magkasintahan ni sir Sebastian para magpakasal. Hindi rin naman namin mahal ang isa't-isa at wala pa ngang isang linggo kaming magkakilala pero kakasal na kami agad, " ani Estrella saka napahalumbaba sa mesa. " Parang panaginip lang saakin ang lahat. Sa mga palabas ko lang 'to napapanood, hindi ko akalain pwede rin palang mangyari sa totoong buhay iyong ganitong klase ng pagpapakasal. "Ibinaba ni Anna ang mansanas sa mesa at hinawakan ang magkabilang braso ni Estrella para iharap sakaniya." Gusto mong hingin ang opinyon ko sa desisyon mo, hindi ba? " tanong nito, " Kahit saang anggulo mo tignan, mali ang pagpapakasal sa taong hindi mo mahal. "
Tumango si Estrella bilang pagsang-ayon sa sinabi nito.
" Tama ka naman pero kasi--"" Handa ka bang bitawan ang mga bagay na nakasanayan mong gawin bilang isang dalaga? " pagpapatuloy na tanong ni Anna. " Paano kung isang araw, mahanap mo ang taong gusto mong makasama habangbuhay? Pero wala kang magawa kasi nakatali ka na. Sino ngayon ang magdurusa? "Napaisip si Estrella. " Tama ka naman pero, paano na lang sila lolo at lola? Hindi naman pwedeng pabayaan ko na lang sila. "Napanguso si Anna bago siya nito bitawan. " Iyon ang hindi ko alam. Wala akong maibibigay na opinyon sa bagay na 'yan. "Bumagsak ang balikat ni Estrella at nagpakawala nang isang malalim na buntong hininga. " Kaya ko lang naman 'to gagawin para sa kanila. Alam ko kasi sa sarili kong hindi ko maibibigay ang lahat ng pangangailangan nila ng isang bagsakan lang lalo na't pareho silang nag m-maintenance na ng gamot. "
Wala talagang plano si Estrella na tanggapin ang alok sakaniya ni Lolo Pio subalit noong marinig niya ang magiging kapalit ng pagpayag niya, doon siya nakuha at hindi na inisip kung ano ang kahihinatnan ng pagpayag niya. " Pero kung tutuusin, hindi lang naman ikaw ang biktima ng kasal na 'to, " ani Anna sabay dampot ng mansanas na kinakain niya kanina. " Pati si sir Sebastian, malamang na pino-problema rin ang problema mo. "***
Ang mga mata ni Sebastian ay hindi maalis sa marriage contract na nasa mesa habang ang isip ay kanina pa lumilipad sa kawalan. Ang daming tanong sa kaniyang isipan na kahit may kasagutan na, ayaw pa rin tanggapin ng isip n'ya." Sh*t. " Mariin siyang napapikit saka isinandal ang ulo sa swivel chair kung saan siya nakaupo. Pakiramdam niya, mas matindi pa ang problemang ito kaysa sa kinakaharap nilang problema sa opisina.
Idinilat ni Sebastian ang mata at tinapunan ng tingin ang orasang nasa dingding bago napagpasyahang tumayo para lumabas ng silid. Alas sais na ng gabi at pakiramdam niya'y maraming nasayang na oras para isipin ang kasal na hindi niya aakalaing darating sa kaniya. " Good evening sir Sebastian. " Nakangiting bati sakaniya ng kasambahay na kaniyang nasalubong sa pasilyo.Nilagpasan niya lamang ito pero agad din siyang huminto para tawagin ito. " Sandali, may itatanong ako. Nasaan 'yong bago niyong kasama? "
" Si Estrella po? " anito saka itinuro ang kusina. " Naroon po siya sa kusina at tumutulong kay Manang Susan sa paghahanda ng hapunan. "Agad namang nag tungo sa kusina si Sebastian at sa eksaktong pagpasok niya, nasalubong niya ang taong sadya niya. May bitbit pa itong pitsel na naglalaman nang malamig na tubig.
" Ah, sir Sebastian--"
" Kailangan kitang makausap, sumunod ka saakin, " saka tumalikod si Sebastian at naglakad pabalik sa opisina. Takha namang sumunod sa kaniya si Estrella na hindi namalayang bitbit pa ang pitsel na ibababa niya sana sa dining area. " Bakit dinala mo pa 'yan? " salubong na kilay na tanong ni Sebastian nang makitang hawak pa ni Estrella ang dapat ay nasa mesa." Ah, sorry po hindi ko namalayan. Ibababa ko lang po saglit—"
" Hindi na, diyan mo muna ibaba sa mesa. " Tinuro ni Sebastian ang mesa na nasa gitna ng mga sopa. " At maupo ka rin muna dahil may mga gusto akong linawin sayo. "Maingat namang ibinaba ni Estrella ang pitsel sa babasaging mesa at naupo sa malambot na sopa. Tumingin siya sa kaniyang amo na may kinuhang folder sa office table nito at sa nakikita niya, batid niyang seryoso ang sasabihin nito sa kaniya.
" Sabihin mo saakin ang totoo, sinadya mo ba talagang dito pumira sa marriage contract? " sabay pakita ni Sebastian ng kontrata kay Estrella kung saan hindi nito sinasadyang pirmahan.
" Wala po akong intensyong pirmahan ang kontrata na 'yan, sir. Hirap po kasi akong magbasa lalo na sa wikang ingles kaya naman hindi ko pa namalayan na mali pala ang napirmahan ko. " Napatungo si Estrella. " Pasensya na po sa gulong pinasok ko. Pati kayo ay nadamay sa pagiging ignorante ko. "Hindi agad nakakibo si Sebastian at hindi n'ya maintindihan kung bakit siya nakaramdam ng konsensya gayong sa tingin niya ay siya ang biktima.
Ibinaba ni Sebastian ang kontrata at ipinatong sa mesa. Naupo siya sa sopa at muling tinapunan ng tingin si Estrella. " So, bakit ka pumayag agad? May gusto ka ba saakin?" Wala po akong gusto sainyo! " agad na sagot ni Estrella na nagpakunot lalo sa noo ni Sebastian. " Ang tanging gusto ko lang po ay ang magiging kapalit ng pagpapakasal sainyo. Gusto ko pong mabuhay pa nang matagal ang lolo't lola ko kaya po pumayag ako. "Hindi inaasahan ni Sebastian ang pagiging matapat nito sakaniya at bigla ring bumalik sa isip niya ang mga sinabi ng kaniyang lolo Pio kanina.
" Kung ganoon, isa-sakripisyo mo ang sarili mong kaligayahan kapalit ng kaligtasan nila, " ani Sebastian, " Wala ka bang pagsisisihan? "Umiling ito. " Wala naman po akong pinanghahawakan ngayon. Ang tanging gusto ko lang po ay maging maayos ang buhay nila lolo at lola sa probinsya. Marami na rin silang nasakripisyo sa pagpapalaki saakin at sa pagkakataong ito, ako naman po ang mag sasakripisyo para sakanila. "Ipinag krus ni Sebastian ang magkabilang braso habang ang mga mata ay diretsong nakatingin sa babaeng nasa harap niya. " Hindi ka ba natatakot para sa sarili mo? Pwedeng maging misirable ang buhay mo sa puder ko. "" Ano pong ibig niyong sabihin? "Ngumisi si Sebastian. " Pwedeng maging impyerno ang buhay mo sa oras na ikasal tayo. "Sandaling binalot ng katahimikan ang opisina. Walang ingay ang maririnig sa pagitan ng dalawa hanggang sa putulin din ito ni Estrella. " Kung ganoon, sabay po tayong aalis sa impyernong sinasabi niyo. " Ngumiti si Estrella. " Kailan man, hindi nananalo ang kasamaan sa kabutihan. Kung impyerno po ang ipaparanas niyo, langit naman ang ipaparanas ko sainyo. "Ang sana'y pananakot ni Sebastian ay tila nauwi sa nakakailang na katahimikan. Walang mali sa sinabi ni Estrella pero ibang interpretasyon ang nakarating sa isip niya. " Sir, bakit po namumula ang tainga niyo? " may halong pag aalalang tanong ni Estrella saka tumayo para sana'y lapitan siya pero mabilis din siyang tumayo upang pigillan ito. " Wala, h'wag mong pansinin ito, " ani Sebastian saka itinuro ang pitsel na nasa mesa. " Dalhin mo na 'yan sa ibaba. Makakalabas ka na. "" Ah, tapos na po ba tayo?
" Sa ibang araw na lang tayo mag usap. Makakaalis ka na, " ani Sebastian saka nagtungo sa office table niya at nagkunwaring abala sa mga papel na nagkalat sa ibabaw ng mesa. Inangat lang niya ang tingin nang marinig ang pagsara ng pinto senyales na nakalabas na si Estrella." She's really something else..." ang tanging salitang lumabas kay Sebastian matapos maiwang mag isa sa opisina. Hindi niya alam kung sino ang dapat sisihin, ang pagiging ignorante ng mapapangasawa niya o biglaang pagiging malisyoso ng isip n'ya.***
Mabilis lumipas ang mga araw kung saan, natagpuan na lamang ni Estrella ang sarili na nakaharap sa malaking salamin suot ang puting wedding gown at ang belo ay ikikakabit na rin sa kaniyang ulo.
" Napaka ganda mo ngayon, Este, " wika ni Anna habang pinagmamasdan ang kabuuan niya lalo na ang hinaharap nito. " Grabe, di ko akalaing may itinatago kang alindog sa katawan. "
Napatakip si Estrella dito. " Huwag mo namang titigan, nakakahiya. "" Este, hindi dapat ikinahihiya 'yan. Ipinagmamalaki 'yan! " ani Anna na di maiwasang ikumpara ang sa kaniya. " Baka naman pwedeng makahingi kahit kaunti nang magkalaman naman ang akin? "" Kung pwede lang, ibinigay ko na sayo ang lahat, " ani Estrella saka binalik ang tingin sa repleksyon niya sa salamin. Pakiramdam niya ay ibang tao siya dahil ngayon lamang siya naayusan at nagsuot ng isang magarang damit. Komportable siya sa suot na wedding gown subalit di niya maiwasang mailang dahil para sa kaniya, masyadong revealing sa parte ng hinaharap niya.
" Ma'am Estrella, ten minutes na lang. Mag ready na po tayo, " wika ng isa sa mga wedding planner.Nakangiti tumango si Estrella dito saka nagpakawala nang isang malalim na buntong hininga.
Hindi alam ni Estrella kung ano ang dapat na maramdaman sa mga oras na ito. May kaba, takot at nerbyos dahil ilang minuto na lang ang natitira, mapapalitan na ang apelyido niya. Masyadong mabilis ang mga nangyayari at nalulula na lamang siya sa ilang mga pagbabago sa paligid niya, katulad na lang ng pag trato sakaniya ng mga katulong sa mansion na para bang amo na rin kung siya'y kausapin at pakitunguhan. Hindi siya sanay at hindi niya alam kung siya ay masasanay. Sa pag byahe patungong simbahan, lalong lumakas ang kabog sa dibdb ni Estrella. Hindi mapakali sa kinauupan at panay ang tingin sa bintana ng kotseng kanilang sinasakyan. Ang puso niya, parang lalabas na habang papalapit nang papalapit sila sa simbahan." Ang dami raw tao sa simbahan, Este. " Napalingon si Estrella kay Anna na nakaupo sa passenger seat hawak ang cellphone. " Complete attendance ang buong angkan ng Martinez. "Hindi nakatulong ang sinabi ni Anna para kumalma si Estrella, lalo lang siyang hindi napalagay dahilan para magdalawang isip kung itutuloy niya pa ito. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ngayon pa niya naisipang umatras sa kasunduan gayong sa mga nagdaang linggo, ni hindi sumagi sa isip niya ang bagay na ito." Hindi, para ito kayla lola at lolo. " Tinampal-tampal ni Estrella ang magkabilang pisngi para gisingin ang sarili at labanan ang kabang nararamdaman.Makalipas ng ilang sandali, huminto na ang sinasakyan nilang kotse sa harap ng isang malaking simbahan. Nakita ni Estrella ang ilang wedding planner na naka abang na sa labas at nagmadaling magtungo sa pwesto niya nang siya'y makababa ng kotse.
" Halika na Maam, kayo na ang susunod na maglalakad sa altar, " wika ng mga ito habang inaalalayan humakbang si Estrella sa hagdan patungo sa nakasaradong pinto ng simbahan. " Este, good luck! " pagpapakakas ng loob ni Anna na kasamang nag aayos ng wedding gown na suot ni Estrella. " Dahan-dahan ka lang sa paglalakad, ano? Huwag magmadali, chill ka lang at huwag ipapakitang kabado. "Tumango-tango si Estrella at muling nagpakawala nang isang malalim na buntong hininga. Humigpit ang hawak niya sa wedding bouquets habang unti-unting bumukas ang pinto hudyat para siya'y magsimulang maglakad patungo sa altar. Bumungad sa kaniya ang maraming bisita na halos hindi niya kilala. Sa bawat hakbang niya, palakas nang palakas ang kabog sa dibdb niya dahil ramdam na ramdam niya ang kakaibang mga titig ng bisita na tila ba minamata siya.
Sa kalagitnaan ng kaniyang paglalakad, nahinto si Estrella nang marinig ang isang malakas na hiyaw na nanggaling mula sa kaniyang likuran.
" Itigil ang kasal! "Napalingon si Estrella rito pati na rin ang mga taong nasa loob ng simbahan at napasinghap ang lahat nang makita ang isa pang bride. Nagmartsa ito palapit sakaniya at tinitigan mula ulo hanggang paa. " Sino ka namang babae ka?! " anito saka nilingon ang groom na nasa dulo ng altar na sana'y nag aabang sa bride pero nagtungo na ito sa gawi nila para alamin ang problema at kaguluhan." Anong nangyayari dito? " ang tanong ng groom saka nilingon si Estrella na halos lumuwa ang mata dahil sa gulat at pagtataka. " Sino ka naman? "
" A-ano bang..." hindi alam ni Estrella kung anong salita ang dapat na lumabas sa bibig niya dahil ibang tao ang nasa harap niya. Hindi si Sebastian, isang estranghero. " Estrella! " Napalingon si Estrella sa labas ng simbahan nang marinig ang boses ni Anna kasama ang ilang wedding planner na nagtatakbo palapit sa gawi nila. " Mali tayo ng pinasukang simbahan! Nasa kabila ang kasal mo! "Ramdam ni Estrella ang pag init ng buong katawan niya at pamumuo ng pawis sa sentido dahilan para magawa ang iniisip niya kaninang pagtakbo palabas ng simbahan. ---CHAPTER 05 Naging matagumpay ang seremonya ng kasal sa kabila ng kalituhang nangyari sa dalawang simbahan na halos magkatabi lang. Narito na ang lahat sa wedding reception subalit ang kahihiyan na nararamdaman ni Estrella na mula pa kanina ay hindi mawala-wala sakaniya. " Hindi magandang pinaglalaruan ang pagkain, " nabalik si Estrella sa katinuan nang marinig ang boses ni Sebastian. " S-sorry, " agad na binitawan ni Estrella ang kubyertos at hindi maiwasang ikumpara ang pinggan niya sa pinggan ni Sebastian. Simot na simot ito na para bang isang malaking kasalanan na may matirang katiting na pagkain dito. Inangat ni Estrella ang tingin sa kabuuan ng wedding reception. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na ganito karami ang mga bisitang dadalo sa kasal gayong sa side lang ni Sebastian ang mga taong narito ngayon. Wala ang kaniyang lolo at lola dito dahil nakiusap siyang huwag munang ipaalam sa mga ito ang pinasok niyang gulo. Ayaw niya munang iparating ang nangyari da
CHAPTER 06 Alas otso na ng gabi ngunit hindi pa rin lumalabas si Sebastian sa silid nito upang maghapunan. Walang ideya si Estrella kung tapos na ba ang online meeting na dinaluhan nito o hindi pa dahil nahihiya siyang kumatok sa pinto baka makaabala. Wala siyang maisip na ibang paraan kundi ang hintayin na lang itong lumabas bago galawin ang mga pagkain na nasa kaniyang harapan. " Nagugutom na 'ko..." buntong hiningang wika ni Estrella habang pinagmamasdan ang mga putahe sa mesa. Sa katunayan, kanina pa niya gustong galawin ito subalit pinipigilan niya ang sarili dahil kailangan niyang hintayin ang kasama niyang maupo sa kabilang silya para sila'y sabay na kumain ng hapunan. Hindi niya gustong maunang sumubo dahil wala naman siyang ginastos sa mga pagkain dito, hiya ang umiiral sa kaniya kung kaya naman kahit kumakalam na ang sikmura niya, tiis lang ang kaniyang magagawa. Kinuha ni Estrella ang pitsel na may lamang tubig para muling magsalin sa kaniyang baso at ito'y inumin. Halo
CHAPTER 07 Magkahalong saya at excitement ang nararamdaman ni Estrella ang habang nakatingin sa dalawang magkasintahan na gumagawa ng eksena sa gitna. Nakaluhod ang binata sa harap ng dalaga na nagsisimulang tumulo ang luha nang isuot sa daliri nito ang singsing na siyang katibayan sa nalalapit nilang pag-iisa. Nagpalakpakan ang mga tao dahil sa naging resulta ng supresa ng binata sa kasintahan niya habang mayroon namang umiiyak na magulang dahil sa sobrang tuwa. " Ang galing... " komento ni Estrella na nakikipalakpak na rin kasama ang mga estranghero sa paligid niya. Ngayon lamang siya nakasaksi ng marriage proposal at hindi niya maalis-alis ang ngiti sa labi habang pinanonood ang nangyayari sa gitna. " Salamat po sa lahat! Maraming salamat po sa tulong niyo! " halos mapunit naman ang labi ng binata habang pinasasalamatan ang mga taong tumulong sa supresang ito at kasama doon si Estrella na may hawak na light stick na dagdag sa palamuting nakapalibot sa magkasintahan. Masaya nam
CHAPTER 08 Isang linggo na ang nakalipas at nakabalik na rin sila sa mansion sa wakas. Balik sa dati ang lahat kung saan, balik na rin sa pagiging abala si Sebastian sa kumpanya na kaniyang pinamumunuan. " Good morning sir Martinez! " ang bati ng bawat empleyadong nasasalubong ni Sebastian sa lobby. Lahat ay may mga matatamis na ngiti sa labi at ang mga mata ay tila ba kumikinang habang nakatingin sa kaniya. Wala siyang ideya kung bakit ganito ang salubong sakaniya ng mga tao sa opisina gayong mayroon pa silang problema kinahaharap ngayon. " Ako lang ba o talagang good mood lang sila? " tanong ni Sebastian sa kaniyang sekretarya nang makapasok sila sa elevator. " Good mood lang po sila Sir. " Nakangiting tugon nito bago pindutin ang numero sa gilid para sila'y dalhin sa palapag kung saan naroroon ang opisina nito. Ilang segundo bago bumukas ang pinto ng elevator, isang putok ng confetti ang bumulaga sa kanila. " Congratulation on your wedding sir Martinez! " Sabay-sabay na bati
CHAPTER 09 Halos mangalay na ang mga kamay ni Estrella at Anna bitbit ang samut-saring plastic bag na naglalaman ng kanilang mga pinamili. Nasa kalahati na ng listahan ang burado subalit hindi na nila kaya pang magdagdag ng panibagong hahawakang plastic bag dahil marami na sila nito ngayong bitbit. " Ilagay na kaya natin muna ito sa kotse? Mababali na ang mga kamay ko at ang sakit narin ng binti ko, " suhestiyon ni Anna saka binaba saglit ang mga dala niya. " Hindi ko akalaing mabibigat pala ang dadalhin natin. Dapat nagsama pa tayo ng isa. " " Kaunti na lang naman na iyong natitirang kailangan nating bilhin. Diretso na tayo, " ani Estrella habang sinusuri ang listahang hawak niya. Nilingon niya si Anna na halos sumalampak na sa lapag dahil sa bigat nga naman ng mga dala nito. " Ganito na lang, dalhin mo na 'yong ibang pinamili natin sa kotse tapos tawagin mo si kuya driver para tulungan tayo sa pag dala ng mga 'to. Ako naman, bibilhin ko na 'yong ibang mga natitira sa listahan para
CHAPTER 10 Pabagsak na naupo si Sebastian sa kaniyang swivel chair matapos tanggalin ang necktie na suot niya mula pa kaninang umaga. Pakiramdam niya ay lumuwag ang kaniyang paghinga subalit ang bigat sa ulo niya ay nanatiling sagabal sa pag-iisip ng solusyon sa kinahaharap nilang problema sa kumpanya. Ang dating nangungunang Pipol's app ay unti-unting nasasapawan ng isang bagong launch na app na halos wala ring pinagkaiba sa kanila ngunit mas tinangkilik na agad ito ng masa. Nagkaroon sila ng pagpupulong kanina at base sa mga narinig niyang komento ng mga empleyado niya, maraming pagkakatulad ang Pipol's app doon sa nasabing communication app na bagong labas lang. May mga nabuong teorya na baka ginaya lang ang kanila subalit hindi sila maaaring mag bintang nang walang sapat na ebindensya. Sa dami ng mga nauusong communication app ngayon, karamihan sa mga ito ay halos magkakatulad lang at mahirap mag akusa ng plagiarism kung ang pinagbasehan lang ay ang ilang mga pagkakatulad ng d
CHAPTER 11 Sa mga sandaling ito, hindi alam ni Sebastian ang nararapat na sabihin matapos marinig ang pagtatapat ni Estrella sa kaniya. Magkahalong gulat at pagtataka ang naramdaman niya dahil sa hindi inaasahang katapatan ng taong kaniyang pinakasalan. " Sebastian--" " Estrella, sandali lang, " pigil ni Sebastian sa kadahilanang baka magbitaw ulit ito ng salitang ikagugulat niya. Hirap siyang basahin ang takbo ng utak ni Estrella dahil mahilig itong manggulat sa paraan ng pagkilos at pananalita nito. Huminga si Sebastian nang malalim at diretsong tinitigan sa mata ang babaeng tila walang ideya kung anong lumabas sa bibig niya. " Tama ba ang pagkakarinig ko sa sinabi mo? " tanong ni Sebastian at hindi naman nagdawang isip si Estrella na tumango. " Pakiramdam ko, mayroon na akong gusto sainyo, " anito at inilagay ang isang kamay sa dibdib niya. " Ang bilis ng tibok ng puso ko at nakaramdam ako ng paro-paro sa tiyan ko kanina--" " What the hell? " hindi na mapigilan ni Sebasti
CHAPTER 12 " Ang mga bata...ay...masayang nag-la-la-ro at...nagku-kuwentuhan sa parke...kasama ang ka-ni-lang...mga magulang na nasa--" " Este, gusto mo bang—ay sorry, busy ka ba? " Naputol sa pagbabasa si Estrella nang lapitan siya ni Anna dala ang isang platito na lamang bagoong at hinati-hating hilaw na mangga. " Hindi naman masyado. " Ibinaba ni Estrella ang binabasang aklat sa mesang nasa harap at humila ng isang silya sa tabi niya para upuan ni Anna. " Miryenda ba natin 'yan? " " Siyempre naman! Ano pa't pinuntahan kita dito sa garden kung hindi tayo magsasalo dito sa mangga, hindi ba? " sabik na naupo si Anna sa silya saka binaba ang dala sa lamesa. " Mabuti na lang pwede ng pumitas ng indian mango sa likod kaya may miryenda tayo ngayon. " " Nagpaalam ka ba kay Manang Susan? Baka mapagalitan tayo kapag nakita 'to. " " Oo naman yes. Nakapagpaalam ako sa mayordoma ng mansion, " pabirong tugon nito saka nagsimulang sumawsaw ng manga sa bagoong na nasa platito. " Tapos naman