Marrying the Tyrant Cowboy

Marrying the Tyrant Cowboy

By:  pariahrei  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
33 ratings
189Chapters
145.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

(Castiel Revamonte’s Story) Alam ni Joana na hindi permanente ang pananatili niya sa tabi ni Castiel—ang asawa ng kanyang kakambal. Pinalitan niya ang kanyang kakambal sa pagpapakasal dito hanggang sa makabalik ang babae mula sa kung saang lupalop ng mundo. Ayos na sana kung hindi lang pasaway ang utak, puso at katawan niya. Minahal niya si Castiel at bumukaka siya rito na hindi naman dapat. Kaya naman nang bumalik ang kanyang kakambal, wala siyang nagawa kundi luhaang iwan ang lahat. Iniwan niya si Castiel ngunit dala-dala naman niya sa kanyang sinapupunan ang pinunla nito. Four years later, they met again and he was mad—raging mad at her for leaving him and for keeping their daughter.

View More
Marrying the Tyrant Cowboy Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Marilyn Frac
wal parij po ba mam story ni summer at van??
2024-05-22 22:59:01
0
user avatar
Katherine Periano
mganda po.lahat ng books nyo. ask lng po Kung San nka attached Ang story ni summer at Giovanni
2023-08-08 22:56:31
11
user avatar
Dorothy Hibionada
Ano ung title lng story ni nadia at gozar ?
2023-08-08 04:16:24
0
user avatar
Maw Kuri
sobrang ganda ng mga story mu. Marami akong nagastos pero sulit talaga mula pa sa kwento ni Gideon
2023-06-10 21:38:11
0
user avatar
Merlyn Dioleste
nice story
2023-05-08 13:14:15
0
user avatar
Weng Sartaguda
pa update naman po!! thanks!!
2023-04-28 22:27:24
0
user avatar
Kent_Naks
Highly Recommended!!! super ganda ng kwento.........
2023-03-20 23:51:46
4
user avatar
didz kalasahan
sobrang ganda ...
2023-03-14 20:17:19
0
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful atory
2023-01-05 00:10:22
1
user avatar
Calira Kim
Nakaka excite bawat update ni author
2022-12-12 19:02:19
0
user avatar
Naha Evans
Wala pa pong update nasanay akong every visit ko dito meron na....
2022-12-04 17:03:55
0
user avatar
yours4ever
hindi mo talaga ito dapat palagpasing basahin. hindi ka magsisisi if you read it..
2022-11-19 18:42:33
0
user avatar
Kent_Naks
Super Ganda ng storya nakaka excite every chapter... deserve bigyan ng five stars ... na rate... Highly Recommended ............
2022-11-13 19:58:08
1
user avatar
Che Acala Paragas
worth it ang pag aantay every chapters
2022-11-13 05:42:07
0
user avatar
Bemmy Bomera
ang ganda po ng story ms. A....
2022-11-02 12:55:04
0
  • 1
  • 2
  • 3
189 Chapters

Chapter 1

CHAPTER 1 Lumapat ang mainit na palad ni Castiel sa baywang ng asawa nang kumurba ang katawan nito kasabay nang paglakbay ng mga labi niya pababa sa leeg. Kumurba ang ngisi sa kanyang mga labi nang marinig ang nahihirapan nitong daing nang tumbukin ng kanyang bibig ang sensitibong parte ng leeg nito na madalas niyang amuyin at patakan ng h alik sa tuwing nagkakakuha siya ng pagkakataon. “Cast…” she moaned. Umigting ang kanyang panga nang maramdaman ang kamay nito sa kanyang likuran. Humaplos ang mga daliri nito bago lumapat ang mga kuko sa kanyang balat. Kumalmot iyon na mas lalong nagpa-init sa kanya. Ilang buwan na ba siyang nagpipigil sa babaeng ito? Kahit pa sabihing kasunduan lamang ng kani-kanilang pamilya ang pagpapakasal, hindi niya pa rin mapigilan ang atraksyon para rito. Nang i-anunsyo nang kanyang mga magulang ang pagpapakasal nila ni Jonelyn Interino, halos bumuga siya ng apoy sa pagkadisguto at pagtu
Read more

Chapter 2

CHAPTER 2 ‘Joana, please. Ayoko na talaga. Hindi ko na kaya. Baka kapag hindi ko ‘to ginawa, mamamatay ako.’ Iyon ang mga salitang binitawan ni Jonelyn nang makiusap ito sa kanya na pansamantalang palitan niya ito sa pagpapakasal kay Castiel Revamonte. Hindi na raw nito kinakaya ang pagmamanipula ng kanilang mga magulang sa buhay nito. Naiintindihan niya ang kapatid dahil iyon din ang dahilan kung bakit sa edad na disi-otso ay naglayas siya sa bahay nila. Binuhay niya ang sarili, pinagsabay ang pag-aaral at pagtatrabaho. Lumipad siya papunta ng Canada para doon mag-aral ng kolehiyo. Noon pa man ay siya na ang rebelde sa pamilyang Interino. Siya ang matigas ang ulo, palasagot at pilya. Habang si Jonelyn naman ang mabait na anak, masunurin.Magkaibang-magkaiba sila mula sa pananamit at sa ugali. Mabuti na lang at nasa Maynila na siya nang umiiyak na tumawag ang kanyang kapatid. Agad siyang nag-file ng leave sa Vesarius Airline
Read more

Chapter 3

CHAPTER 3 Mabait sa kanya ang mga magulang nang katatapos pa lang ng kasal nila ni Castiel. Akala niya natural iyon dahil kahit mina-manipula ng mga ito ang buhay ng kakambal, hinding-hindi ng mga ito magagawang saktan ang babae. Jonelyn is the favorite child.Kahit minsan noon ay hindi ito napalo.Siya itong palaging nahahagupit ng sinturon, kinukulong sa bodega, hindi pinapakain, hindi binibigyan ng baon sa eskwela kapag may nagawa siyang hindi nagustuhan.Pero marami yata talagang hindi niya alam simula nang maglayas siya. Ilang buwan matapos ang kasal, narinig niya si Mrs. Cassandra Revamonte na pinapatigil ang pagdirekta ng mga produkto sa Interino’s supermarket dahil may mga pinaghihinalaan daw na anomalya ang ginang.Iyon na ang simula ng pagranas niya ng kagaspangan ng ugali ng mga ito bilang si Jonelyn.Nang unang beses siyang batuhin ng ginang ng vase ay nang puntahan niya ang mga ito sa bahay. Mabuti na lang at mabilis niyang naharang ng kanyang kama
Read more

Chapter 4

CHAPTER 4 “Anong ginagawa mo rito?” nagtataka niyang tanong kay Luis nang itimbre sa kanya ng isang tauhan na may naghahanap daw sa kanya sa bukana ng Rancho. “May lakad ako. Wala akong pag-iiwanan kay Kismo,” sagot nito. Lumabas ang ulo ng pamangkin sa bintana ng pick-up truck at maligayang kumaway sa kanya. “Bakit dito?” Hindi naman sa ayaw niya, kaya lang baka wala sa oras na mabuko siya ni Castiel. “Dinala si Lyana sa Bicol Medical Center. Manganganak na. Hindi ko pwedeng isama ang anak ko.” Sa huli, wala siyang nagawa kundi pumayag na sa kanya muna si Kismo. Hindi naman maatim ng konsensya niya na maiiwan ang batang mag-isa sa bahay ng mga ito. Dadalhin na lang niya ito sa kung saan. Mabuti na lang at maagang umalis si Castiel, hindi siya masisita kung bakit kasama niya si Kismo. Si Clara at ilang katulong lang ang natira sa Ancestral House ng mga Revamonte. Ipupuslit niya na lang ang bata sa taas
Read more

Chapter 5

CHAPTER 5 Hindi maalis ni Castiel ang mga mata sa babaeng kaharap habang nakikipagtawanan ito kay Kismo na puno ng dungis ang bibig dahil sa kinakain na spaghetti ng sikat na fast food restaurant. Malakas ang hinala niya na hindi ito si Jonelyn na ex-girlfriend niya noong college. Mula sa pananamit nito, sa pananalita, sa kilos at ugali…maging sa puri nito. The woman was a virgin when he took her! Impossibleng birhen pa si Jonelyn dahil kita ng dalawang mata niya na may nangyari sa pagitan nito at ng bestfriend kuno nito na pinagseselosan niya noon. Maraming tanong sa isip niya at gustong-gusto na niyang komprontahin ang babae. Dangan lamang ay pinipigilan niya ang sarili dahil baka mas magkaroon ng malalim na komplikasyon kapag nagpadalus-dalos siya. Mahaba pa naman ang pasensya niya para maghintay sa resulta ng imbistigasyon ng kaibigan niyang si Pink. Nang sabihin niya kay Amara Stephanie na gusto n
Read more

Chapter 6

CHAPTER 6 Mabilis na tumakbo si Kismo papunta kay Castiel nang hinila siya ng ama palayo. Nagtagis ang kanyang mga ngipin sa kirot dulot ng kamay nitong mistulang bakal sa diin. “What are you doing, Jonelyn?” singhal nito nang tumigil sila sa parting walang masyadong tao. “Hindi mo na nga nakukunan ng pera ang asawa mo, ipinakita mo pa ang batang iyon sa kanya.” “Hindi ko sinasadya, Pa.” “Tonta! Nanlamig sa ‘yo ang asawa mo dahil may anak ka sa iba. Kaya hindi sinusunod ang gusto mo.” Kailan pa niya naging kagustuhan ang humingi ng milyones kay Castiel? Mas dumiin ang pagkakahawak ni Marcos sa kanyang braso at mas naging mabagsik ang tabas ng mukha. “Sinabi ko na kasi sa ‘yo na ipalaglag ang batang iyon dahil magdadala lang ng kamalasan. Tingnan mo ang nangyari! Kapag sinabi ko sa asawa mo ang mga ginawa mo noon, pupulutin ka sa putikan. Huwag mo kaming subukan ng mama mo. Magkaroon ka ng utang na loob
Read more

Chapter 7

CHAPTER 7 Palipat-lipat ang tingin tingin ni Kismo sa kanya at sa babaeng nasa harap niya—magkamukhang-magkamukha silang dalawa. “Dalawa mama ko?” mangiyak-ngiyak na sambit ng bata habang nakatingala pa rin sa kanila. Nabaling rito ang tingin ni Jonelyn at binigyan ng matalim na tingin si Kismo. Nanlalaki ang mga mata nito at napayuko. “Balik sa kwarto mo. Hindi ba’t ilang beses kong sinabi sa ‘yo na huwag kang sasabat sa usapan ng matatanda?” singhal dito ng kakambal niya. Napalunok si Kismo at tumingin muna sa kanya bago naluluhang tumakbo papasok sa kwarto nito. “Jonelyn, don’t be hard on him.” “Masyado siyang pasaway. Anyway, kumusta ka na?” Sa ilang sandali ay nabigla siya sa pagbabagong ng tono ng pananalita nito.Iba na nga si Jonelyn.Hindi na ito ang mahiyain at hindi makabasag-pinggan na kapatid niya. Siguro kapag kaharap ang ibang tao ay ganon pa rin ang ipinapakitang ugali nito. Ngunit sa klase ng pak
Read more

Chapter 8

CHAPTER 8 Nanlalatang nakipagsabayang lumabas si Joana mula sa conference room ng Vesarius Airlines. Nagpatawag kasi ng meeting ang big boss nila para sa ilang concern ng airlines katulad ng paglilipat ng pwesto ng mga piloto. Last week, she requested to be assigned at Vesarius Airline in Canada. Wala na siyang dahilan pa para manatili sa Pilipinas. Gusto niyang makalayo na sa bansang itong dahil pinapaalala lamang sa kanya ang mga namagitan sa kanila ng lalaking hindi naman niya pag-aari. “Are you okay?” Napalingon siya sa kapwa piloto na si Ejay nang muntikan nang bigla na lang siyang nahilo. Humawak siya sa hamba ng escalator at ipinikit ang mga mata. Ilang araw na niya iyong nararamdaman. Sa kagustuhang huwag maalala si Castiel, sunod-sunod niyang tinanggap ang mga flights ng mga piloting nag-off duty. Nabigla yata ang katawan niya dahil ilang buwan din siyang walang ginagawa sa Rancho Revamonte. “Dalhin kita sa clini
Read more

Chapter 9

CHAPTER 9 Bakas ang kadiliman sa mga mata ni Castiel ng salubungin niya ang tingin nito. Kung galit iyon o kung ano pa man ay hindi na niya dapat pang pag-aksayahan ng panahon na alamin. Parang walang nakita na iniwas niya ang tingin at normal ang kilos na dumiretso sa buffet table. Bumalik ang takam niya sa mga seafoods nang magsimula siyang kumuha ng mga iyon. Inignora niya ang matalim na sulyap sa kanyang likuran at itinuon ang buong atensyon. “Hey.” Gulat na nabitawan niya ang kitchen thongs nang bigla na lang may nagsalita sa tabi niya. Nang magtaas siya ng paningin, ang nakangiting si Ejay ang nakita niya. Akala niya si Castiel. “Nahihilo ka pa rin ba? Nanginginig ang kamay mo?” Nang bumaba ang mga mata niya sa mga kamay, saka pa lamang niya napagtanto kung gaano siya katensyonado. “Okay lang ako.” “May problema ba? Magugulatin ka yata ngayon. Let me help you with that.” K
Read more

Chapter 10

CHAPTER 10 Lumagabog ang pintuan ng suite ni Joana nang makapasok siya roon.She left Castiel in the hallway smells stinky because of her vomit. Kasalanan naman ng lalaki dahil may sapak yata sa utak na kinarga pa siya pabaliktad. Bumaliktad din tuloy ang sikmura niya.Mariin na kumapit siya sa kanto ng lababo nang maramdaman niya muli ang pagtaas ng kanyang sikmura. Nailabas niya na yata lahat ng kinain niya pati na rin kaninang umaga.Nabigla yata talaga ang katawan niya sa sunod-sunod niyang trabaho. Kailangan niya sigurong magpatingin sa doktor at magpahinga na rin.Agad siyang sumampa sa malambot na kama matapos makapaghilamos. H inubad niya ang kanyang suot na sandals pati na rin ang dress at saka basta na lang iyon itinapon sa kung saan. Narinig niya ang pagkatok sa labas. Naghalo ang pagod at pagkahilo sa kanyang sistema na hindi niya na pinagkabaalahan pang alamin kung sino man iyon.Kinabukasan, iyon na naman ang katok sa kanyang pintuan. Naririnding bumangon siy
Read more
DMCA.com Protection Status