Prae High

Prae High

By:  MarkusJuan  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
9 ratings
8Chapters
2.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Taong 2000, isang pandemya ang sumakop sa buong mundo na naging sanhi ng malaking pag baba ng populasyon. Lahat ng may buhay ay naapektuhan. Lahat ng natamaan ng virus ay nawawala sa sarili, kinakain ang sariling laman pati na rin ang sa kapwa nila, na sa kalaunan ay mapaparalisa hanggang sa maagnas ang natitirang parte ng katawan nito. Ang pandemyang umabot ng dalawang dekada ay kusang naglaho gaya ng mga naagnas na mga bangkay. Pero naging daan din ito para umusbong ang panibagong kababalaghan at misteryong dala ng virus na ito. Si Migi Baldemor na simpleng estudyante ay mababago ang buhay mula nang masaksihan niya ang karumaldumal na pagkawala ng mga kaibigan niya. Kasabay nang pagkawala ng kanyang ina ay siya rin paghahanap nito ng hustisya. Makikila niya ang lalaking tutulong at magdadala sa kanya sa Prae High. Sari-saring emosyon ang mararamdaman niya habang nakikipagsapalaran at nakikipaglaban na nakataya ang kanilang buhay. Hanggang saan sila dadalhin ng problema? Sino ang kakampi at sino ang tunay na kalaban?

View More
Prae High Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Luningning Delos Reyes
gusto ko yung style mo nang pagsusulat, bagamat may mga mali sa grammar ay masasabi kong napakaganda at alam kong may igaganda pa ang istorya na ito.
2022-03-16 17:40:29
0
user avatar
Mark
Ang ganda ng takbo ngb istorya sana matuloy na ito
2022-02-27 12:54:38
1
user avatar
Epifania
Ang astig ng istorya kahit ako'y matanda na e, nahuhumaling pa rin ako
2022-02-23 20:18:21
1
user avatar
Maricris Aguilar
Ang Ganda nitoooo Sana ituloy na ni Author.
2022-02-20 10:39:16
1
user avatar
Katrina Mendez
Ang Ganda Ng pag kakasulat nito. Kailan kaya Ang next update, miss ko na si Migi.
2022-02-05 11:49:57
2
user avatar
Kevyn Bautista
nice story, Author. Nakaka-excite ang story
2022-01-29 02:04:27
2
user avatar
Bleure
I love the context of the book its just that it is missing some parts I hope to read more from you po.
2022-01-07 21:21:06
2
user avatar
Adiel
maganda ang istorya.
2022-01-06 19:22:52
2
user avatar
Totoy
Keep it up, author ...️
2021-12-31 01:49:35
3
8 Chapters

PROLOGUE

Sa isang lugar kung saan nababalot nang kasiyahan noon ay naging madilim, magulo at mabaho na ngayon. Ni walang nag akala na sa isang iglap ay magbabago na ang lahat. Sa kabilang banda, sa gitna ng kalsada ay nandoon ang isang binata na walang tigil sa pag-iyak. Sabayan pa ng walang tigil na pag kulog at pag kidlat. Sobrang bigat ng nararamdaman niya at tila ba'y pinagkaitan siya ng mundo. "Ayoko na! Bakit lagi na lang ganito?!" malakas na sigaw niya, bago pinagsusuntok ang sahig. Hindi niya pinansin ang mga dugong tumutulo mula sa kanyang kamao at patuloy lang sa kanyang ginagawa. "Inaano ko ba kayo?!" "Ganoon na ba kalaki ang kasalanan ko, para makaranas ako ng ganito?!" Napaluhod siya sa sahig at patuloy pa rin sa pag agos ang mga luha niya. "Please, sobrang sakit na," saad niya habang yakap ang sarili nang mahigpit. Sa bawat salitang binibitawan ng binata ay mararamdaman kung gaano kalalim ang sugat na iniinda niya. Hindi pisikal na sugat, kundi sugat sa puso na sobrang taga
Read more

CHAPTER 1

Walang tigil ang pag-ulan na tila ba'y nakikiramay sa binatang si Migi. Katatapos lamang ng libing ng kanyang ina at nag sialisan na rin ang ibang nakipaglibing, ngunit nanatiling nakaupo ang binata malapit sa puntod. Makikita sa mata niya kung gaano siya nagdadalamhati at nalungkot dahil sa pagkamatay ng kanyang ina. Ni minsan ay hindi sumagi sa kanyang isip na iiwan siya nito. Naalala pa niya ang mga masasayang araw na magkasama sila ng kanyang ina nang ito ay nabubuhay pa. “Mama, tingnan mo katulad ko na si Superman!” masayang sambit ng batang si Migi habang nakasuot ng kapa at patuloy lang sa pagtakbo na akala mo’y lumilipad. “Migi! Pumunta ka na at kakain na tayo.” Agad naman bumalik ang bata at sinalubong ng yakap na may kasamang h***k ang kanyang ina. “Napakalambing naman ng baby ko, pero alam mo amoy pawis ka na.” Humiwalay ito sa yakap. “Mama naman! Hindi mo na ba ako love?” Nakangusong tanong niya.
Read more

CHAPTER 2

MALALIM na ang gabi pero hindi ito mahahalata, dahil sa rami ng mga tao na makikita sa paligid ng isang lugar na iyon, na madalas tawagin na “Night Market”. May mga kalalabas lang ng trabaho, mga magbarkada na nag-iinuman, nagtitinda ng balot at ang ilang mga babaeng namumula ang labi, naninigarilyo na ngumunguya ng bubble gum habang matiyagang naghihintay ng customer sa madilim na bahagi ng eskinita. Sa kabilang banda, sa isang madilim at bakanteng lote ay makikita ang isang lalaki at babae na naglalampungan. Makikita na labas na ang maselang bahagi ng katawan ng dalawang taong iyon. Napuno ng mga ungol ang paligid at tila uhaw na uhaw sa isa't isa. Hindi rin alintana ang tumutulo nilang pawis, matugunan lamang ang tawag ng kanilang laman. Pero hindi nila alam na ito na ang huling masayang gabi nila. Dahil sa abala ang magkasintahan sa pagpapasarap, hindi nila namalayan ang papalapit na nilalang na parang asong ulol kung tumulo ang laway at tila takam na tak
Read more

CHAPTER 3

MAAGANG nagising si Migi kinaumagahan na hindi na niya alam kung paano siya nakatulog ng nagdaang gabi. Ni hindi niya malaman kung totoo o panaginip ba ang nangyari nang oras na iyon. Mayamaya pa ay napakunot ang noo niya kasunod ang pag singhot nang may maamoy siyang pagkain mula sa kusina na nagpakalam lalo sa kanyang sikmura. Ngayon lang niya naramdaman ang gutom dahil sa amoy na iyon sapagkat hindi na rin niya alam kung kailan siya huling kumain. Pilit man niyang isipin kung sino ang maaaring nandoon sa kusina para magluto, wala siyang maisip kaya nagpasya na lang siyang bumaba ng kama para tingnan iyon. Habang pababa si Migi patungo sa kusina, mas naamoy niya masarap na amoy ng pagkaing iyon habang bahagya siyang nakaramdam ng kaba kung sino ang nandoon, gayong wala naman siyang inaasahang bisita. Lalong nangunot ang noo ni Migi nang makarating siya sa kusina. Napahinto siya ng madatnan niya ang isang lalaking walang pang itaas na damit, tanging apron na
Read more

CHAPTER 4

HAPON nang magising si Migi, dala siguro ng stress at sa mga hindi kapanipaniwalang pangyayari ay nakatulog agad siya. Ni hindi pa nga rin niya napapalitan ang kanyang suot na uniporme. Bumangon si Migi at bahagyang nag inat. Tumingin muna siya sa orasan bago pumasok sa cr. Wala pa siya sa wisyo kaya nakalimutan niyang isara ang pinto ng cr. “Ang lagkit ko na, bakit kasi ako natulog ng nakapatay ang aircon,” reklamo niya. Habang hindi maiwasang mapakamot sa ulo. Habang naliligo ay nararamdaman niya na parang may nakatingin sa kanya. Dahil sa takot ay nag tapis na si Migi at dali daling lumabas. Nang makatapos magbihis, kumulo ang tiyan niya. Napagtanto niya na kanina pa pala siya hindi kumakain. “Nakakagutom rin pala ang
Read more

CHAPTER 5

NAPABANGON sa higaan si Migi, umupo ito sa may gilid ng kama. Hindi rin nito maiwasang mapatulala dahil sa kakaibang nararamdaman niya. “Parang nangyari na ‘to, ah?” nagtataka na sambit niya bago tumingin sa paligid. Hindi niya malaman kung bakit kagigising niya lang. Pilit naman ni Migi na inalala ang mga huli niyang ginawa. “Kumain lang naman ako kina Aling Marta, tapos may poging lalaki doon, Tapos yung ice cream…” Nasa ganoon siyang posisyon nang biglang may maalala siya. “Sh*t! Iyong halimaw!” napabalikwas naman siya sa pagkaka-upo. Biglang tumibok nang mabilis ang puso niya dahil sa napagtanto. Nagpalinga linga siya at nasiguradong nasa kwarto nga niya siya. Napansin niya ang kurtina na tinatangay ng hangin. Lumapi
Read more

CHAPTER 6

SIMULA NANG gabing iyon kung saan nakaranas si Migi ng hindi pangkaraniwang pangyayari, hindi na iyon maalis sa isip niya. Pati na rin ang lalaking nagligtas sa kaniya na si Sebastian. Aminin man niya o hindi, palagi niyang inaasahang lilitaw muli ito sa tahanan niya ngunit nabibigo lamang siya. Inisip pa niyang baka isang taon pa uli ang palilipasin bago muli itong magpakita. Hindi pa rin siya makapaniwala na may ganoong nilalang sa makabagong mundo. Bakit nakita niya iyon at ano'ng koneksyon ni Sebastian sa ganoong pangyayari? Maraming tanong sa isip niya na hindi na sinagot ni Sebastian. Sinabi nitong pagkatapos pa ng graduation sasabihin ang mga bagay-bagay na lalong nagpa-curious sa isip niya. Dahil malapit na rin ang graduation ni Migi, lahat sa paaralang pinapasukan niya ay abala sa pag-aasikaso ng mga requirements na kailanga
Read more

CHAPTER 7

Dumating na nga ang araw na magtatapos na si Migi ng Senior High. Hindi niya akalain na makapagtapos siya ng wala ang kanyang ina. Hindi man niya aminin ay mas gugustuhin niya na kasama ito sa mga espesyal na okasyon na gaya nito.Samantala, ilang buwan din siyang nagbabasa tungkol sa mga supernatural, pero hindi niya pa rin maipaliwanag kung paano nangyari yon. Sa rami ng kanyang nabasa at napanuod ay iisa lang ang tumatak sa kanya. Ang mga 'zombie', kung saan madalas nang nagiging ganoon ay dahil sa mga palpak na eksperimentasyon o 'di kaya epekto ng mga hindi maipaliwanag na pangyayari.Sa kabilang banda, hindi na ulit pa nagpakita si Sebastian sa kanya. Tama ang ginawa niya na hindi pinaniwalaan ang sinabi nito na hindi na siya igo-ghost. Pero umaasa pa rin siya na lilitaw ulit ito sa kanya para masagot an
Read more
DMCA.com Protection Status