Tagalog.Fantasy.Romance.Action.Truelove Amaliah, a witch princess who went to a faraway Kingdom for a traditional mission. To be an independent one, she works as a maid to earn her own money. Without knowing, she is unfolding her real mission, finding pure love, a cure to a curse. But will her prince accept her fully, if he found out who she really is? Read me, please; Ang kwentong ito ay nakasulat sa third and first point of view. Female Lead will only use the first point of view to avoid confusion. Thank you and enjoy reading.
View Moredata-p-id=9947c3f0af76c470ed98febbfcf078b8,style=text-align:left;,Kasalukuyan naglalakad sina Zek at Liah sa malaki at malawak na gubat ng Verona. Napagpasyahan nilang manatili muna sa Venora hanggang sa ipanganak ang anak nila. data-p-id=cce39fd6cdeaf50ecd31cb9bb3260011,” “Mahal, may pangalan ka na bang naiisip?” tanong ni Liah sa kaniyang kabiyak, habang namamasyal sila sa gubat, sariwa ang hangin kaya hindi nila napansin na napapalayo na sila sa kanilang teritoryo. ~~ data-p-id=1dec03f429b502669881f6472c170218,~~*~***~ -Flash back- data-p-id=3cc935aa2090d65dc573dcc81fc4454b, “Mahal na Reyna, wala na ba tayong magagawa para mabuhay si Zek?” tanong ni Tara, sa mahal na reyna na malalim ang iniisip. data-p-id=1e9bfeeeeeb0554818f75cd4fd490b6c,” “Tama, Tara!” bulalas ng reyna. “Mabubuhay ang namatay ―kapag namatay ito dahil sa salamangka o pinatay siya gamit ang salamangka. Pero dapat namatay siya sa pagsasakrapisyo para sa minamahal. Pero kapag ang tao pinatay ng D
Chapter 66 Nanghina nang husto si Zek nang makita ang pagdanak ng dugo, na halos hindi na makita ang lupa sa sobrang pag-apaw ng pulang likido. Kaunti na rin ang nakikita niyang nakatayong sundalo niya. Nawawalan na siya ng pag-asa na mailigtas ang kaniyang kaharian. Habang si Liah ay nakikita niyang lumalapit sa kaniya. Bigla naman kumulo ang kaniyang dugo sa galit, nakita niyang tila nag-iba ang anyo ng mukha nito. Naging maamo at nakikita na niya ang dating ganda ng mga mata nito, at ang inosenteng katauhan nito. Pero hindi niya maipagkakaila ang galit at poot na nararamdaman niya para dito. Nais niya itong patayin at pugutan ng ulo. Pero tila isang hangin na nawala lahat ng galit niya nang marinig nito ang boses ng babaeng mahal niya. Ito ang tunog ng boses niya nang una niyang marinig. “E-ezekiel, M-mahal ko,” saad ng dalaga. Naantig naman ang puso ng binata. “U-umalis ka na, Mahal ko. Pakiusap, umalis ka na,” nagsusumamong wika ng dalaga. Hindi malaman ni Zek kung maniniwala s
Chapter 65Habang patuloy silang naglalakbay, natanaw ng isang sundalo ni Zek na malapit na sila sa kabundukan ng Zeon, nang biglang may nakita silang mga anino sa ‘di kalayuan. Nagsenyas naman siya na tumigil sa paglalakad at sumigaw ito na humanda dahil may paparating. Agad naman na tinignan ng kasama niyang pantas kung ano o sino ang sumasalubong sa kanila. Gano’n na lang ang kaniyang gulat nang napagtanto niya na aswang ang mga ito. Agad na sumigaw ang pantas na ihanda ang mga pana.Kumuha naman ng teleskopyo si Zek para tignan ang nasa unahan. Gano’n na lamang ang kaniyang gulat nang makita ang mga nilalang kasama ang iba’t-ibang mangkukulam at mas lalong siyang nagulat nang makita ang isang pamilyar na babae, ito ang nangunguna sa lahat. Ito ang nag-uutos sa mga kasama na sumugod sa kanilang gawi. Nanlulumo naman niyang binitawan ang gamit niya, hindi niya alam ang gagawin kung kakalabanin niya ba ang babaeng mahal na mahal niya o haharapin ng buong tapang. Pero mas umaapaw ang
Chapter 64Hinanap ni Zek ang dalaga sa buong paligid pero ni anino ni Liah ay hindi niya nakita. Napa-isip siya tuloy kung panaginip lang ba ang nangyari kahapon? Sa sobrang lungkot, dismaya, pagod, pag-aalala at sobrang pangungulila niya sa dalaga ay naisip niyang ilusyon lang ba ang lahat? Napahilamos siya ng kaniyang mukha sa sobrang pagkabalisa. Gano’n pa man ay patuloy pa rin ang paghahanap niya sa buong palasyo. Kung sino-sino na ang kaniyang tinanong pero ni isa ay walang nakakita sa dalaga. Halos mabaliw na siya sa paghahanap.“Siguro ay ilusyon lang lahat ang nangyari,” aniya sa kaniyang sarili. Hindi na niya pinilit pa na makita ang dalaga, kailangan na nilang lumikas bago sumalakay muli ang mga masasamang nilalang. Bilang susunod na hari ay kailangan niyang patatagin ang sarili at malampasan ang lahat ng pagsubok. Tungkulin niyang pangalagaan ang mga tao.~**~
Chapter 63 “Huminahon ka, Atlas. May mga bisita tayo,” awat ng babae sa kaniyang asawa. Natauhan naman ang Alpha at agad na kumalma. Huminga ito nang malamin at kinuyom na lamang mga kamao. Napalunok naman ng laway si Tara, dahil pakiramdam niya ay siya ang may dahilan bakit nalaman ng pinuno ang nangyari sa anak nito. “Pumasok na muna sa iyong silid, Cyenthia,” ani ng ina nito. “Opo, Ina.” Agad siyang humakbang nang nakayuko at tumalikod, bakas ang sakit at hiya sa kaniyang buong mukha. “Humihingi po ako ng kapatawaran sa aking kalapastangan, Mahal na Pinuno,” ani naman ni Tara na hindi mapigilan ang kaba, nakayuko itong humihingi ng tawad sa mag-asawa. “Hindi mo kasalanan ang nangyari, Pantas. Sapagkat ay ikaw ang naging daan para malaman namin ang kaniyang kondisyon, hindi man lang namin na amoy na nagdadalang-tao pala siya
Verona Nasa bukana na sila ng teritoryo ng mga De Arcon, ngunit hindipa rinmapigilan ni Airah ang kabahan. Hinihintay nilang bumalik si Tara, ilan sandali pa ay humihingal na bumalik ang pantas,na pinagtaka ng dalawa, pawis na pawis ito at balisang-balisa. “Tara? Anong nangyayari sa iyo? Bakit ka pawis at nababalisa?” “Hindi ko nakita si Liah, Kamahalan. Pero sa tingin ko may hindi tama sa mga nangyayari.” “Anong ibig mong sabihin, Tamara?” alalang tanong ni Airah. “Sa ngayon hindi ko pa masasagot pero may hinala akong may gumagamit sa katawan ng prinsesa.” “Ano?!” bulalas ng dalawa. “Kailangan na natin humungi ng tulong sa mga De Arcon, dahil hindi ako maaring magkamali, may digmaan na darating.”
Napaluha si Zek nang makita niyang nawalan ng malay ang kaniyang kapatid at duguan ang kanan palad nito. Parang dinurong ang kaniyang puso sa kaniyang nakikita. Hindi rin mapigilan ang pagtawa ng bruha dahil sa nakikitang niyang sakit mula sa kapatid ng dalaga. Tila nagbibigay ito ng lakas sa kaniya. “Pakawalan mo ang kapatid ko! Magbabayad ka!” galit na sigaw ni Zek. Pero hindi man lang siya pinansin ng bruha. Samantala naghahanap ng tyempo si Uno para makulong ang bruha sa ginawa niyang bitag. Kailangan mapigilan ang pagsasagawa ng ritwal dahil kung hindi ay maapektuhan ang daloy ng panahon. Maaaring masira ang kaharian nila. Hinalo ng bruha ang dugo ni Ezra sa kaniyang dugo. Ilan sandali pa ay tumingin ang bruha sa kinaruruunan ni Zek, ngumiti ito nang nakakaloko na parang may binabalak itong gawin sa binata. Pero dahil nasa loob siya ng apoy ay hindi ito makalapit nang tuluyan. Muli itong nagsalita sa ibang lenggwahe a
Chapter 60 Nanginginig na ang mga kalamnan ni Erza sa sobrang kaba. Hindi na niya rin alam ang gagawin, nakikita na rin niya ang takot sa mukha ng kaniyang mga kasama. Pilit niyang pinatatag ang kaniyang sarili at hinahanap ang pag-asang matagpuan sila ng kaniyang kuya. Dahil nauubusan na siya ng panalangin. “Kuya, nasaan ka na?” mahinang bulong niya. Umaasang biglang dumating ang kuya niya. Muntik na siyang mapatalon nang maramdaman ang init na gumapang sa kaniyang kamay. Nang napalingon siya ay nakita niya si Marcus na nasa tabi na niya, at hawak ang kaniyang kamay. Napalunok siya ng laway at naramdaman niya ang pag-init ng kaniyang mga pisngi. Bigla siyang nakaramdam ng kakaiba, isang kuryenteng dumaloy mula sa kaniyang tiyan papunta sa kaniyang dibdib. Biglang nag-iba ang paningin niya sa lalaki. “A-ayos ka lang ba?” utal na tanong ni Marcus. “O-oo. Salamat,” Tila tumigil ang oras at hindi na nila namalayan na tuluyan nang nakalapit ang bruha sa kanila. At isang sigaw ang nari
Naging mahirap para kay Lusiana na matalo ang pantas. Nahihirapan siyang makatakas sa mahika nito. Pero kailangan niyang makatakas sa pantas ng mga Serano, at mahabol ang mga maharlika. Kaya binuhos na niya ang buo niyang lakas. Isang malaking apoy na bola ang kaniyang ginawa, kaniya itong ihinagis sa pantas. Nakaiwas ito pero natamaan ang kaniyang kaliwang braso. Natumba ito at sa lakas ng kaniyang pagkatumba at nawalan ito ng malay. At iyon ang nakitang pagkakataon ni Lusiana para makatakas. Naamoy niya ang amoy ng mga maharlika. Nang biglang may tumawag kaniya. Tinatawag siya ng kaniyang asawa sa pamamagitan ng isip. Nanghihingi ito ng tulong. Pero dahil kailangan niyang makuha ang mga bihag ay inuna niyang hanapin ang mga ito, hindi na niya pinansin ang sigaw ng kaniyang asawa. Sa kabilang banda naman ay narinig niya ang mga yapak ng mga bata. Malapit sa gu
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments