In a cruel twist of fate, my past and future collide. I am an intern seeking employment at Hotel De La Créme, a world-renowned hotel. As much as I wanted to work there, I had no idea my life was about to ruined by a playboy I detested... Hendrix suarez the man I hated the most, and he owns my dream hotel.
View More“How many times do I need to tell you na kapag magkausap tayo, ayoko ng may iba kang pinagkakaabalahan.” Napasulyap naman ako sa kaniya sabay tingin sa phone ko. Aba, pati paglalaro ng mobile games hindi na rin puwede? Napaka demanding naman nitong si Hendrix. Kung 'di lang niya ako tinutulungan, malamang ay kinutos ko na 'to.Ngumiti ako nang peke at binitawan ang phone ko sa table na nasa harap lang namin. “Pasensya na, ah?” sarkastiko kong sabi at sumandal na lang sa couch.“Teka lang pala. 'Yong daddy mo hindi ko pa nakikilala—”I cutted him. “Hindi mo na siya kailangang makilala dahil hindi naman kita boyfriend!” giit ko.Bumuntong-hininga siya umayos ng upo. “Masama bang magpakilala? Kahit kaibigan lang?” I glared at him. “At kailan pa ba tayo naging magkaibigan, Hendrix? Masyado ka na yatang nag i-imahinasyon,” natatawang sabi ko.Imbis na tumawa ay padabog siyang tumayo. “So ano bang ginagawa mo rito? Kung 'di pala tayo magkaibigan?”Tumayo rin ako at nag pamaywang, at saka
“Dito mo pa talaga naisipan mag dumi, ha?” pigil hiningang ani Hendrix paglabas ko sa banyo.Nakangiti akong lumabas sa cr habang hawak pa rin ang kinakabag kong tiyan. Guminhawa naman ang pakiramdam ko matapos kong malabas ang sama ng loob ko.“Salamat, ah?” nakangiting sabi ko at naglakad palapit sa kaniya.“Don't go near me, please,” nakapikit niyang sabi habang nakatakip pa rin sa ilong. “Para kang naglabas ng imburnal, anong klaseng dumi ba 'yonh idinumi mo?” nandidiring sabi ni Hendrix.Padabog akong umupo sa sofa niya at tiningnan siya nang masama. “Kinabag lang ako dahil ininom ko 'yong coffee ni binili ni Duke—” “Didn't I told you na 'wag ka na ulit uminom ng coffee? Ganiyan ka ba kakulit?” bakas sa tono ni Hendrix ang inis. “Kaya mo tiisin sa harap ni Duke 'yang sumasakit sa'yo, tapos sa 'kin ka tatakbo para humingi ng tulong?”Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. “Hoy, hoy, hoy! Hindi ba't ikaw naman 'tong nagsabi na tutulungan mo 'ko? So, bakit ka nagrereklamo ng
“What happened to you, anak?!” sigaw ni Mommy. Hindi pa rin kasi siya makapaniwala sa itsura ko ngayon. “Hays, Ma. Ilang beses ko ba uulitin sa'yo na nag-ayos lang naman ako, wala naman nagbago. Ako pa rin 'to,” nakangisi kong sabi at ngumuya ng kinakain.Ang akala niya kasi kinidnap ang anak niya kanina at pinagpapalo ako ng pamaypay niya. Kaya gulat na gulat ako at 'di ko alam kung paano ko ba ipapaliwanag sa kaniya 'yong nangyari, na tinutulungan ako ni Hendrix na mag-ayos ng sarili ko. At ang ayoko pa ay kinikilig siya sa mga sinabi ko! Na kesyo nagpapaganda raw ako sa mokong na 'yon.“Sigurado ka ba na walang namamagitan sa inyong dalawa ni Hendrix?” pag-uulit na tanong ni Mommy.Huminga ako nang malalim at ngumiti ng peke. “Ma, kahit pagbaligtarin mo pa ang mundo hindi ko siya magiging boyfriend o asawa. Maniwala ka sa 'kin, Ma.” Humagalpak ako sa tawa. “Magmamadre na lang ako kung sakaling mangyari 'yon.” Umiling-iling naman si Mommy at tinuloy na lang ang pagkain niya ng alm
“Marami bang tao sa bar?” Suminghap ako at pinagkiskis ko ang mga palad ko para kumalma. “B-baka makita ko si Sir Duke ro'n, at sabihan akong isang party girl? O kaya naman pagkamalan niya ako na isa sa mga babae mo?” Tumingin ako kay Hendrix na diretso lamang ang tingin sa kalsada habang nagmamaneho. Walang ekspresyon ang kaniyang mukha. I can only see his face because of the city lights. Sumimangot ako at bumalik ulit ako sa pagmumuni. “Well, gentleman si Sir Duke kaya malamang ay wala siya ro'n, hindi ba?” sabi ko sabay sulyap ulit kay Hendrix na wala pa rin ekspresyon hanggang ngayon. “Ano bang problema mo bakit nakasimangot ka diyan mula kanina?” naiinis kong tanong sa kaniya.Imbis na sumagot siya sa tanong ko ay ipinaharurot niya ang kotse. He drive as fast as he can. Hanggang sa makarating kami sa isang ekslusibong club. I-pinark niya ang kaniyang sasakyan sa parking lot. Maraming magagarbong sasakyan ang pumarada rito. At sa tingin ko super duper exclusive ngang club na it
Mahaba na raw ang bangs ko, at nasasabit ko na 'to sa likod ng tainga ko hindi na katulad dati. Pero inadvice-an nila ako na pahabain ko na lang daw ito, since nagmumukha raw akong bata kapag meron lang bangs. At saka nila ako pinayuhan na bumili na lang daw ako ng flats na sandal, at kung kaya rin daw ng paa ko ay sumuot na rin daw ako ng 2 inches na sandals imbes na vans at nike ang sinusuot kong sapatos. Mayroon din silang inaabot sa 'kin na maraming paper bag na Chanel ang tatak at Louis Vuitton. Nakita kong isang mamahaling dress at mga sandals na talaga namang mamahalin! At may mga purse pang kasama. Sabi nila ay galing daw lahat ng ito kay Hendrix.They also trimmed my hair para raw bumagay naman ito sa bangs ko, at para naman hindi daw ako magmukhanh sadako sa sobrang straigh ng buhok kong mahaba. Mas maganda rin daw kung icu-curl nang kaunti ang buhok ko para magmukha raw akong matured, kaya gano'n nga ang ginawa nila. Pasado alas nueve na ng gabi nang matapos kami. Nilagya
“Talaga bang ganiyan ka kumain?” tanong ni Hendrix habang pinapanood akong nilalantakan ang burger na inihatid dito sa kaniyang suite.Day-off ko ngayong araw, at ani Hendrix ay nagpapunta siya ng stylist dito upang ayusan ako. Mula buhok, hanggang pananamit daw!“Bakit ba?” Tumigil ako sa pagkain at binitawan sa plato ang burger at saka siya tinitigan nang nakataas ang dalawang kilay ko.Umiling siya. “Grabe ka kasi kumain parang 'di normal. Mostly mga babaeng kilala ko hinay-hinay lang sila sa pagkain, ikaw salaula ka eh,” ani Hendrix.Huminga ako nang malalim at saka siya nginitian nang peke. “Ano bang pakialam mo kung paano ako kumain, ha? At wala rin pala akong pakialam kung mahinhin sila kumain, hindi naman ako masiba kumain—”Humalakhak siya. “Anong hindi masibang kumain, Solene. Nakakatatlong burger king size ka na.” Inirapan ko siya at ipinagpatuloy ang kinakain ko. “Ang akala ko sasabihin mo sa 'kin nagiging mataba na 'ko,” sabi ko habang ngumunguya.“Solene! Don't talk whi
Nang makarating kami sa tapat ng bahay ni Raquel ay dali-dali akong bumaba sa kotse, at saka ako patakbong pumasok sa bahay nila.Nadatnan ko si Art at Raquel na nasa sala. They having a good time. They watching a movie while cuddling each other.“Care to explain?” nakakrus ang kamay ko sa aking dibdib habang nakasandal ako sa hamba ng pintuan. Mukha namang nagulat si Raquel nang makita ako, animo'y nakakita ng multo. Habang si Art ay nakangiti lang sa akin at nasa loob ng kaniyang pants ang isang kamay niya.Tumingin muna si Raquel kay Art bago siya magsalita. “Sol...” She sighed heavily. “Art and I were dating for almost a year...” She smiled at me. Art held Raquel's waist kaya sinundan ko ito ng tingin.“Why don't Danica and I know anything about this?” nakataas kilay na tanong ko. “Kung kani-kanino ka pa naman namin shini-ship tapos in a relationship ka pala, siraulo,” natatawang sabi ko sabay iling ng ulo ko.“We hid our relationship at school and at social media. Actually, ginu
Kinabukasan, pumasok ako sa hotel na wala man lang tulog. Hindi na kailangang itanong kung bakit. Malamang dahil 'yon sa nangyari kahapon, takang-taka nga ako sa sarili ko kung bakit naiisip ko si Hendrix? Eh, hindi naman 'yon big deal para sa kaniya since he kissed a lot of girls na nagkakandarapa sa mukha niya.Well, aaminin ko... Maging ako ay napatulala sa Godly features niya. Ngayong araw ay todo-iwas ako sa kaniya. Pati nga ang nakasanayan kong dinadaanan araw-araw ay iniwasan ko, nag-iba ako ng direksyon para hindi kami magkasalubong Ayaw kong mag krus ang landas naming dalawa. I tried my best to ignore him!“Solene!” I heard a familiar voice. I don't know why do I feel nervous. Kaya maman binilisan ko ang paglalakad ko at pumasok sa elevator.Humarap ako patalikod at nakita kong si Sir Duke pala 'yon na malawak ang ngiti. Lakad at takbo naman ang ginagawa niya para lang maabutan ako sa elevator.“S-sir Duke! Good morning!” may halong kabang bati ko sa kaniya nang nasa loob k
Sobra akong namula dahil sa nangyari. Bakas na bakas pa rin ang pinaghalong gulat at hiya sa mukha ko. Narinig ko ang mga hiyawan at palakpakan ng mga tao na nasa loob ng clothes shop na ito.Pero ako? I'm like a very red tomato! And I don't know if what I'm going to react to what happened. All I know is that I was shocked! Literal na shocked. That's my first damn kiss! At ano? Mapupunta lang 'yong unang halik ko kay Hendrix Suarez? Natataranta ako at nababalisa. “A-ano... Ano pupunta muna ako sa r-restroom. Babush,” nauutal-utal na paalam ko at dali-dali akong nagtungo sa restroom. Tumingin pa ako kay Hendrix bago tuluyang tumakbo papunta sa restroom.He's just smirking. Ano pa nga bang ine-expect ko sa isang playboy, womanizer, cheater, o kahit ano pa! Kung sino-sino na ngang nahalikan niya, ang kapal naman niyang idagdag ako sa collection ng mga nakaw niyang halik!Hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Bakit... Bakit parang may kakaiba sa tiyan ko? Kumakabog din
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments