The Billionaire's Innocent Maid

The Billionaire's Innocent Maid

By:  riecari  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
50Mga Kabanata
12.6Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Dulot ng kahirapan, maagang nagtrabaho si Hera dala na rin nang hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Maliban sa kaniyang magandang mukha at katawan, wala na siyang iba pang maipagmamalaki sa kaniyang sarili. Dahil sa kagandahang taglay, natanggap siya sa isang fancy restaurant bilang waitress pero hindi rin naman din siya nagtagal doon. Bumalik ulit siya sa dati, kung saan-saan lang naglilibot at naghahanap ng trabaho. Hanggang sa isang gabi, may bigla na lang estranghero ang nag-alok sa kaniya ng isang trabaho. Malaki ang sahod at hindi kailangan ng magandang background. Tinanggap ni Hera ang trabaho. Lingid sa kaniyang kaalaman na ang trabaho na kaniyang pinasukan ay simula na pala ng panibagong hamon at kalbaryo ng kaniyang buhay. Ano na lang ang kaniyang magiging reaksyon kung isang araw, natagpuan na lang ni Hera ang kaniyang sarili na may kakaiba at hindi normal na relasyon sa kaniyang amo?

view more
The Billionaire's Innocent Maid Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
50 Kabanata

SIMULA

Ang lakas nang tibok ng kaniyang puso habang nakatingin kay Lucas na kaniyang boss. Sobrang lamig ng mga mata nito at halatang galit. Hindi niya mapigilang mapalunok nang paulit-ulit at matakot hindi para sa kaniyang sarili kung hindi para sa buhay na nasa loob ng kaniyang tiyan. Hindi niya sinasadya na mabasag ang isa sa mga mamahalin nitong gamit. Hindi niya iyon sinasadya at alam iyon ng lalaki pero mukhang galit ito sa kaniya."What did you just do?" Lucas asked in a cold and threatening tone. Napaigtad siya sa kaniyang kinatatayuan at mas lalong nanginig ang kaniyang buong katawan dahil sa takot. Natatakot siya na baka dahil sa kaniyang nagawa ay saktan ulit siya ng lalaki. Baka pag ginawa nito iyon ay baka makunan na talaga siya nang tuluyan. Hindi niya alam kung makakayanan niya ba 'yon."I-I'm sorry–""Shut up!" Mariin na napapikit siya ng kaniyang mga mata dahil sa lakas nang pagsigaw ng lalaki sa kaniya. Mas lalong nanginig ang buo niyang katawan
Magbasa pa

KABANATA 1

"Wala ka talagang kwenta babae ka! Ano bang silbi niyang mukha mo? Mag-prostitute ka na lang kaya para may maitulong ka naman dito. Pagbigat ka na nga, hindi ka pa nahiya." Hindi mapigilang mapakagat labi ni Hera dahil sa narinig na mga salita galing sa kaniyang sariling Ina. Nakaupo siya ngayon sa silya sa kanilang sala habang kaharap niya ang kaniyang Ina na mukhang stress. Katabi ng kaniyang Ina ang kaniyang stepfather na tila pinapakalma ang kaniyang galit na Ina. Nasasaktan siya dahil sa mga sinasabi nito pero totoo naman talaga na pabigat siya sa kanilang bahay. Ang kaniyang dalawang kapatid sa ina ay nakapagtapos na ng pag-aaral at may mga trabaho na. Siya ang pinakamatanda sa kanilang magkakapatid pero kung itrato siya ng mga ito ay para itong walang respeto sa kaniya. Pero hindi niya magawang pagsabihan ang mga ito dahil siya lang naman ang mapapahamak.Kung itrato siya ng kaniyang Ina ay parang hindi siya nito sariling anak. Itim na tupa ang turing sa ka
Magbasa pa

KABANATA 2

Sobrang lakas pa rin nang tibok ng kaniyang puso at hindi pa rin siya makapaniwala na may trabaho na siya. Matapos ang ilang linggong paghahanap ng mapapasukan ay sa wakas, nakahanap na rin siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala sa kaniyang isipan kung gaano ka laki ang kaniyang magiging sahod kahit na simpleng katulong lang naman ang trabahong kaniyang papasukan.Mayaman siguro ang kaniyang magiging boss kaya siguro ganoon ka laki ang sahod. Hindi rin naman pumasok sa kaniyang isipan na baka scam 'yon dahil na rin siguro ay mapagkakatiwalaan ang mukha ng lalaking lumapit sa kaniya. Napaka guwapo nito at sa tingin niya ay parang nakita na niya ito noon pero hindi lang niya matandaan.Nang makita niya kung gaano ka laki ang kaniyang sasahurin ay naging desperada siya. Hindi niya rin naman masisisi ang kaniyang sarili dahil sa kadahilanan na gusto na niyang makahanap ng trabaho. Ilang linggo na rin kasi siyang walang nagagawa at kahit na hindi man magsalit
Magbasa pa

KABANATA 3

Hindi alam ni Hera kung ano ba ang kaniyang magigising reaksyon. Matatawa ba siya o magugulat o ano. Ito ang pinaka unang beses na may nakita siyang tao na walang kahit ni isang saplot sa katawan. At sa kasamaang palad ay sa isang lalaki pa talaga. Okay lang sana kung babae ay dahil na rin sa babae rin siya at hindi naman siya mahihiya dahil magkapareho lang naman ang kanilang mga parte sa katawan. Pero lalaki? Halos dumugo na ang kaniyang ilong at nakatitig pa rin sa katawan nito, partikular sa pang-ibabang katawan nito. Medyo tanned ang kulay ng katawan ng lalaki at kahit saan man siya tumingin ay napaka perpekto ng katawan nito. Nasa tamang lugar ang mga muscles ng lalaki at hindi pareho sa mga nakikita niya sa tv na halos lumuwa na ang mga muscles sa sobrang laki. Hindi ganoon kalaki o ka liit ang mga muscles nito sa katawan. Masasabi niyang sakto lang, lalo na ang walong pandesal sa tiyan nito.Ito ang pinakunang beses na nakakita siya ng katawan ng lalaki, at hindi niya inaakal
Magbasa pa

KABANATA 4

Napatuptop siya sa kaniyang sariling labi at nanlaki ang mga mata na napatingin sa lalaki na may seryosong mukha na nakatingin sa kaniya. Nagsimulang bumilis ang pintig ng kaniyang puso kasabay nang pangangatog ng kaniyang mga binti. Nag-iwas siya ng tingin sa lalaki nang hindi makayanan ang intensidad ng mga mata nito.Ang berde nitong mga mata na sa tuwing tinitigan mo ay para bang hinihila ka nito pailalim. Maputla ang berde nitong mga mata na para bang nawalan ito ng kulay at buhay. Pero kahit ganoon ay pakiramdam ni Hera ay may kakaiba sa mga mata nito. Iba ang mata ng lalaki kumpara sa mga mata ng ibang tao na nakita niya noon. Para bang may madilim ito na nakaraan na pilit nitong tinatago."Where are you looking at? Look at me." Napahigit si Hera ng malalim na hininga nang hawakan ng lalaki ang kaniyang mukha at pinaharap. Ramdam niya ang pagtulo ng malamig na pawis sa kaniyang noo dahil sa kakaunting takot at kaba na kaniyang nararamdaman. Sumalubong sa kaniyang paningin ang n
Magbasa pa

KABANATA 5

Sobrang bilis lumipas ng panahon at hindi namalayan ni Hera na isang linggo na pala ang lumipas mula noong unang tapak niya dito sa mansyon. Hindi niya alam kung dahil ba ay na enjoy niya ang mga segundo na nandito siya kaya hindi niya namalayan ang oras o kung ano. Sa lahat ng naging trabaho niya ay dito lang ata siya naging masaya at kuntento.Iwan niya ba pero nag eenjoy talaga siya maglinis sa buong mansyon. Walang nagdidikta sa kaniya kung ano ang gagawin at siya lang sa kaniyang sarili kung kailan niya gusto maglinis. Wala atang araw na hindi niya inaalagaan at nililinisan ang napakagandang mansyon na ito. Kahit na wala namang pake ang kaniyang boss kung mag lilinis ba siya o ano ay hindi pa rin niya magawang maging tamad at tanggapin lang basta ang malaking sahod na hindi ginagawa nang maayos ang kaniyang trabaho. Speaking of her boss, minsan lang niya itong nakikita. Kaya kapag minsan ay may hindi siya alam kung paano gamitin ay nagtatanong siya kay Sir Bryle sa pamamagitan n
Magbasa pa

KABANATA 6

Hindi alam ni Hera kung ilang minuto o oras na ba siyang nakatayo roon at nakatingin lang sa sahig. Mariin na nakapikit ang kaniyang mga mata at pinagpapawisan na rin siya. Hindi niya alam kung paano niya nakayanan ang mga ungol at tunog ng paghahalikan ng babae at ng kaniyang boss.Napaka laswa ng tunog sa kaniyang pandinig pero kahit ganoon ay nag-iinit ang kaniyang katawan sa hindi malamang dahilan. Kaya nga ay ngayon ay pinagpapawisan na siya. Pero dahil nga ay nilabanan niya ang init na namumuo sa kaniyang katawan ay masasabi niya na parang wala lang din. Gusto na niyang umalis sa mga harap nito at hayaan ang dala na gumawa ng kababalaghan dito sa living room. Total ay sanay naman siya na ganoon ang kaniyang amo na si Lucas. Palaging pinag-iinitan at may ginagawang kababalaghan. Pero kahit na anong pilit niya ay hindi gumagalaw ang kaniyang paa para umalis. Parang may kung anong puwersa ang nagpapanatili sa kaniya dito sa loob ng kuwarto. Napahigpit na lang ang kaniyang kapit s
Magbasa pa

KABANATA 7

Why is he holding a broken glass?Hindi mapigilan mapa tanong ni Hera sa kaniyang sarili habang nakatingin sa kaniyang amo. Duguan ito at may hawak na basag na bote. Hinihingal at puno ng pawis ang katawan nito. Maliban sa magulong silid at mga nagkalat na mga gamit, ang sitwasyon ngayon ng lalaki ang mas nagpapa bahala sa kaniya. Napalunok na lang si Hera nang paulit-ulit at nilibot ang paningin sa loob ng silid. Ito ang pangalawang beses na nakapasok siya sa silid ng kaniya amo. Noong una ay noong nagdala siya ng tubig para sa lalaki. Malaki ang silid nito at puno ng mamahaling gamit. Pero ang mga mamahaling gamit na iyon ay ngayon ay mga sira na.Hindi alam ni Hera kung ano ba ang kaniyang magiging reaksyon. Matatakot ba siya, magugulat o magagalit. Hindi niya alam kung bakit nagwawala na lang bigla si Lucas. Wala namang sinabi si Bryle sa kaniya tungkol dito. Dapat nga ay tawagan niya ang lalaki ngayon pero wala naman siyang load. Litong-lito na siya at hindi alam ang gagawin.Hi
Magbasa pa

KABANATA 8

Kinabukasan ay halos ayaw nang tumayo ni Hera at magsimulang mag trabaho. Natatakot siya na baka ito na ang kaniyang huling araw na mukhang mangyayari talaga dahil sa ginawa niya sa kaniyang Amo kahapon. Matapos ang nangyari sa gabing iyon ay kaagad na bumalik siya sa kaniyang silid at doon nagkulong sa pinaka sulok ng kaniyang kuwarto.Hindi rin siya nakatulog nang maayos kagabi dahil nga sa nangyari. Sobrang lakas at bilis nang tibok ng kaniyang puso kagabi na para bang sasabog na ito. Hindi siya magawang makapagpahinga kagabi dahil sa mga what ifs na pumapasok sa kaniyang isipan. Hindi niya rin mapigilan mapaiyak kagabi dahil sa pinaghalo-halong emosyon na nararamdaman niya. Nasa isip ni Hera ay baka patay na si Lucas dahil sa kaniyang paghampas kagabi. Hindi na kasi ito nag-ingay pa at mukhang patay na nga. Hindi rin siya bumalik sa silid nito para tingnan kung buhay pa ba ito ay dahil natatakot siya na baka ay may gawin ulit ito sa kaniya tulad kagabi. Alam ni Hera na lasing an
Magbasa pa

KABANATA 9

Ah, gusto ko nang umalis dito.Napakagat na lang si Hera ng kaniyang labi at hindi alam ang gagawin. Nanginginig pa rin ang kaniyang katawan dahil sa takot. Hindi niya inaakala na ganoon pala kalala ang magiging reaksyon ni Lucas matapos niyang sabihin sa lalaki na hinampas niya ito ng matigas na bagay kagabi kaya siya nakatakas.Sa totoo lang ay wala talaga siyang plano na sabihin sa lalaki ang totoo nang mag tanong ito sa kaniya kanina. Pero wala siyang nagawa kung hindi ang sabihin sa lalaki ang totoo sa takot na mapalayas nga siya ng tuluyan dahil sa kaniyang pagsisinungaling. Wala siyang pagpipilian kanina. Pakiramdam niya ay na korner siya sa isang sulok at hindi makaga ng desisyon na mag liligtas sa kaniya.Dalawa lang ang kaniyang pagpipilian nang tanungin siya ni Lucas kanina. Una ay sasabihin niya sa lalaki ang totoo kahit na mapapatalsik siya at pangalawa ay hindi niya sasabihin ang totoo kahit na mapapatalsik siya. Kahit na ano sa dalawa ang kaniyang piliin ay isa lang nam
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status