Share

Twisted
Twisted
Author: Ten Writes

Chapter 1: His Past

Phoenix's POV

“Sino ka ba!? Sino ka ba!?” paulit-ulit niyang sambit habang patuloy na sinusuntok ang mukha ko. “Wala kang kwenta! Katulad ka lang ng nanay mo!”

Isa. Dalawa. Tatlo. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na bang tumama sa aking mukha ang matitigas na kamao niyang lalo pang pinatitigas ng galit at poot na hindi ko rin naman alam kung para sa akin.

Ilang beses na rin naman niya akong nasasaktan, kahit noon pa man, pe

ro kakaiba ang isang ito. Bawat suntok niya ay may galit. Bawat sampal at igkas ng kanyang malalapad na kamay ay parang bakal na siyang tumatama sa bawat parte ng aking katawan, na hindi lang pasa at sugat ang iniiwan, parang may kung ano ito na unti-unting dumudurog sa aking pagkatao.

Bawat palo ay ipinararamdam niya sa akin na isa akong basura. Bawat sakit na mararamdaman ko tuwing lalatay sa aking katawan ang galit niyang mga kamay ay parang may piraso rin ng pagkatao ko ang nadudurog at nasisira.

At hindi ko alam kung mabubuo ko pa ba.

Malakas niya akong sinuntok na siyang nagpadugo sa mga labi ko. Pero hindi pa siya nakuntento doon. Agad niya akong sinampal ng malakas dahilan para bumagsak na ang pagod at bugbog kong katawan sa malamig na sahig ng kanyang opisina. Hindi ko na rin maramdaman ang sarili kong mukha sa dami ng tinanggap kong suntok at sampal mula sa kanya.

Namamanhid na ang aking buong katawan at wala na akong ibang nalalasan sa loob ng aking bibig kung hindi kalawang. Marahil ay punong-puno na ng dugo ang aking bibig. Paniguradong hindi niya magugustuhan kung madudumihan ang makintab niyang sahig at sigurado din na higit pa rito ang matatanggap ko kung iluluwa ko ang dugong nasa aking bibig.

Bumabaliktad man ang sikmura at naiiyak sa matinding pagkaawa sa kahabag-habag na sitwasyon ko, pinilit kong lunukin ang dugong nasa loob ng bibig ko.

Maya-maya pa ay huminto ang pagsuntok at pagtadyak niya sa akin. Akala ko ay tapos na ang paghihirap ko sa araw na ito pero mukhang nagsisimula palang yata siya.

Agad niya akong dinampot na parang isang basura at inihagis ng pagkalakas-lakas sa kabilang parte ng kanyang opisina. Dahil sa pagod at panghihina, hindi ko na nagawa pang iiwas ang aking katawan sa kanto ng lamesang nakalagay sa gitna mismo ng silid. Malakas na tumama ang aking tagiliran sa kanto mismo ng lamesa. Nakaramdam ako ng matinding sakit at parang narinig ko ang pagtunog ng aking nababaling buto.

Hanggang kailan ko ba talaga mararanasan ito? Hindi naman ganito ang pamilyang pinangarap kong magkaroon. Hindi ganito ang pamilyang mayroon ako noon. Anong nangyari?

Hindi ito ang klase ng pamilya ang gusto kong makasama sa habang buhay. Hindi impyerno ang pinangarap ko.

“Phoenix, hindi lang naman sila ang maaari mong maging pamilya. Pwede kang bumuo ng isang masayang pamilya.”

Sino yon? May kasama pa ba kami bukod sa mga maids at ilang tauhan niya? Walanghiya. Kung magsalita akala mo kung sino. Tsk.

“Anong tinutunganga mo diyan!?” malakas na sigaw niya na naman at dinampot ako muli sa aking kwelyo.

“Ginawa ko ang lahat para maibigay ko ang lahat ng luho at pangangailangan niyo.” madiin at puno ng galit na saad niya at saka ako niyugyog ng malakas. “Pero ito pa ang matatanggap ko? Pagtataksil at panloloko ng nanay mong puta!?” sigaw niyang muli at saka ako binitawan.

“Ang tanga ko lang dahil hindi ko nahalata.” natatawang sambit niya pa habang umiiling at ang kaliwang kamay ay nakalagay sa kanyang noo.

Puta. Ganyan niya itrato ang nanay ko. Isang maruming babae na ginawa niya lang parausan at pagkatapos ay inilagay sa isang tabi. Isang patapong laruan. Disposable kumbaga. Pagkatapos niyang pagsawaan ay iiwan lang basta.

Hindi ko naman sinasabi na malinis ang nanay ko at walang bahid dungis. Marumi siya, dahil una sa lahat, hindi siya mabuting ina. Pinabayaan niya ako at tulad ni Papa, sinasaktan at ginagawa niya akong parausan ng kanyang galit sa mundo. Pareho lang sila.

Pero, si Papa din naman ang may kasalanan ng lahat. Puro na lang ang trabaho ang nasa isip niya. Wala ng importante sa kanya kung hindi ang kompanya niya at pera. Kung paano niya magagawang makapangyarihan pang lalo ang Alcantara Group of Companies. Lecheng korporasyon yan.

Alcantara. Alcantara. Nakakarindi na.

Pinabayaan niya kami. Pinabayaan niya ako. Hinayaan niya akong malugmok sa kalungkutan habang pilit na ginagawang katulad niya. Isang taong alipin ng salipi at kapangyarihan.

At ngayon na nalaman niyang hindi niya ako anak ay halos patayin niya ako sa galit kay mama. Kailangan ko ba talagang bayaran ang kasalanan na hindi naman ako ang may gawa?

Ganitong pamilya ba talaga ang mayroon ako?

Marahil na nasa akin na ang lahat ng gugustuhin ng mga batang katulad ko. Pera, malaking bahay, maraming laruan at magandang estado sa buhay pero, malas naman ako sa pamilyang ibinigay sa akin.

Nakakaloko na.

Ano bang ginawa ko sa past self ko at parang sobrang parusa naman yata ang inaabot ko?

“Hindi naman kailangan maging ganyan palagi, Phoenix. Piliin mong magpatawad at umunawa.”

Bwisit. Ano bang alam mo? Nararamdaman mo ba ang pakiramdam na para bang isa kang basura na tinatapak-tapakan lang ng tao? Isang maruming damit na nararapat lang sirain?

Naramdaman mo na bang ihagis na parang isang bagay na wala nang halaga at maaari nang wasakin at itapon? Naramdaman mo na ba ang ganito?

“Hindi. Pero alam kong gusto mo ring maranasan ang masayang pamilya, Phoenix. At pwede mong gawin yon.” sagot na naman ng boses na yon na hindi ko naman malaman kung saan nagmumula.

Bwisit. Kung magsalita siya ay parang kilala niya ang buong pagkatao ko.

Pamilya? Tsk. Isang salita na walang ibang idudulot kung hindi kalungkutan at sakit. Iyon ang pamilya.

“Bwisit kang bata ka! Wala ka ng ginawang tama!” agad na naibalik ng isang malakas na naman na sampal mula kay Papa ang wisyo ko. Mabilis na kinapa ko ang pisngi ko, namamaga na talaga ang mukha ko.

“Anong karapatan mong ipahiya ako sa harap ng mga investors? Anong karapatan mong mangialam sa mga bagay na wala kang alam? Sino ka ba!?" sigaw niya sa akin habang mahigpit na hawak ako sa aking kwelyo. "Sino ka ba? Wala kang kwenta!” sabay hagis niya sa akin.

Ramdam na ramdam ko ang bawat sakit sa bawat parte ng katawan ko pero ang nakapagtataka ay ni isang tulo ng luha ay walang pumatak mula sa mga mata ko. Kinapa ko pa ang mga mata ko para masigurado at totoo nga. Walang luha.

Kahit isang patak ay wala. Ganito na ba kasanay ang katawan at damdamin ko sa mga ganitong klaseng eksena?

Walang luha pero kakaibang sakit naman ang nararamdaman ko. Parang unti-unting dinudurog ng bawat salita ni Papa ang buong pagkatao ko. Sinasakal akong unti-unti at patuloy na dinudurog ang puso ng isang batang katulad ko.

“Hindi kita anak! Hindi ako makakapayag na babuyin ng nanay mong malandi at ng isang walang kwentang tulad mo ang pangalan ko!” sigaw niyang muli at saka muli akong itinapon sa isang sulok ng opisina. “Papatayin ko ang nanay mo at isusunod kita!”

Agad na nanginig sa takot ang aking buong katawan. Natatakot ako dahil kilala ko siya. Kapag sinabi niya ang isang bagay, malaki ang posibilidad na gagawin niya yon. Ganon siya.

Nahihirapan man ako at nanghihina, mabilis na lumuhod ako sa harapan niya.

"Pl-please papa, I didn't do a-anything wrong.." saad ko kasabay ang biglang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko at pagmamakaawa ko habang nakahawak sa kanyang paanan. "I did everything you told me. Lahat sinusunod ko. Please papa, I didn't do anything wrong.."

Luha bunga ng takot at hindi lungkot. Ito lang yata ang isang bagay na itinuro niya sa akin. Ang matakot sa kanya at maging de susing robot.

"Maybe that's why hindi kita kamukha." malamig na turan niya habang diretsong nakatingin sa akin. "Your mom is a bitch who would open her legs to anybody who would want to fuck her. At nakakatawa lang na kamukhang-mukha mo siya. Masahol ka pa sa basura.” malamig na saad niya at matalim na nakatingin siya sa akin habang pilit na iniaalis ang aking mga kamay sa kanyang paanan na may bahid ng pandidiri sa kanyang mukha.

Siguro nga mabuti na mamatay na lang ako. Iyon na nga siguro ang pinaka magandang paraan para makatakas ako sa kasalanan ng nanay ko at sa galit ng tatay ko.

“Hindi Phoenix. Hindi iyan ang sagot. Kailangan mong labanan ang lungkot at takot Phoenix.”

“Tandaan mo! Papatayin kita! Papatayin kita!” sigaw na muli ni papa at binigyan ako ng isang malakas na suntok at saka nilisan ang kwartong kasing gulo na ng buhay ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang pabalyang balibag ni Papa sa pinto ng opisina. Agad na nanghina pang lalo ang katawan ko at nakaramdam na rin ako ng matinding hilo.

Ang kaninang maayos na silid ay puno na ngayon ng nagkalat na libro at papeles, mga nakabagsak na book shelves at nakabaliktad na lamesa at upuan, gayon na rin ang mga nagkalat na basag na kagamitan. Parang isang gyera ang pinagdaan ng kwartong ito at ako ang pinaka matinding biktima.

Isang biktima na habang buhay nang mararanasan ang bangungot ng mala impyernong buhay ko.

“Phoenix! Phoenix!”

Nakaramdam ako ng hilo matapos yugyugin ng kung sino mang h*******k na to ang aking katawan.

Damn this old dude. Hindi lang boses niya ang nakakairita, pati buong pagkatao niya.

“Hey! Wake up! Ano ka ba? I’ve been waking you up for almost two hours now. Hindi ka pa rin ba babangon?” galit na sambit ni Emman habang pilit na hinihila ang kwelyo ng damit ko.

Putcha. Panaginip pala. P*****a.

Hanggang ngayon, pinapahirapan parin nila ako. Hanggang ngayon sinasaktan parin nila ako. Hindi parin nila ako pinapakawalan. Letcheng buhay ‘to.

“Alright! alright! Cool. You sound like an old maid wanted to be fucked.” naiinis na sagot ko sa kanya.

Agad na binatukan niya ako ng malakas at inihagis ang unan sa gwapo kong pagmumukha.

“Fuck you! Anong pinagsasasabi mo diyan!? Kilabutan ka nga!” sigaw na naman niya at saka tumayo mula sa pagkakaupo sa kama ko.

Inilagay niya ang dalawang kamay sa kanyang bulsa at saka tumingin sa akin ng diretso. “Naulit na naman ba? Napanaginipan mo na naman ba?” seryosong turan nya.

Napatingin ako sa kanya at agad na napangiti. “Wala talagang pwedeng itago sa’yo no?” tipid na sagot ko sa kanya.

Ngumisi siya at nagkibit-balikat lang at saka dumiretso na sa pinto ng kwarto ko. “Well, I’m not just a member of the board. I’m your friend and most especially, personal psychologist, Mr. Phoenix Alcantara.” nakangiting saad niya at saka inikot ang door knob. “Bumangon ka na, kanina pa naghihintay ang board of directors sayo, bwisit ka.” pahabol niya pang salita at saka tuluyan na ngang nilisan ang kwarto.

Agad na napabangon ako at napasapo sa sariling noo.

“Psychologist.” natatawang sambit ko. “Damn. Oo nga pala, dahil sa kanila nagulo ang mundo at pagkatao ko. Ngayon hindi ko na alam kung sino ba talaga ako. Putcha.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status