Share

Chapter 4: Punishment

Phoenix's POV

"Ano ka ba!?" malakas na sigaw ni Emman sa akin pagkapasok namin sa kwarto.

Isang oras din yata ang itinagal ng meeting na yon, malapit na nga akong makatulog sa upuan ko kanina, buti na lang at nandun si Emman para magalit at yugyugin ako.

Agad na dumiretso ako sa corner table ko at nagsalin ng brandy sa aking baso.

"I said what are you doing?!" sigaw na naman ni Emman sa akin. "Do you really want those people to know your secret? Do you!?" nanlalaking matang sigaw niya.

Agad akong napatingin sa kanya at bahagya pang natawa. "I know it will never be good to let them discover that but.. like what I've said, I actually would not mind. I just need to capture that goddamn dirty rat before I let out that 'secret'."

"Hindi nila dapat na malaman kahit pa mahuli mo na siya," kunot-noong wika ni Emman. "After you catch that goddamn traitor, you should take it slow and listen to me well!" muling sigaw niya at saka inis na ibinato sa akin ang hawak niyang ballpen na madali ko namang naiwasan.

"Oops, bulag." mapang-asar na saad ko. "Saka what do you mean by secret? It’s not a secret, Emman. It’s not a secret."

Lalong nangunot ang noo ni Emman habang nakatingin sa akin ng diretso. "What the hell are you saying, man?"

"It was a punishment, Emmanuel. A punishment from my so called 'parents'. Yun yon, don't you know?" sagot ko sa kanya at saka umupo sa gilid ng kama ko.

"Hanggang ngayon ba hindi mo parin sila napapatawad sa mga nangyari? It was like.. what? 21? 22 years already?" sambit niya at saka kumuha rin ng sariling baso at nagsalin ng brandy.

"22 years or what, pareho lang yon. This punishment or this thing that you call a secret, sila ang may gawa nito. They are the reason why I’m having troubles right now. Hanggang ngayon pinaparusahan parin nila ako sa mga bagay na hindi naman ako ang may gawa.” wala sa sarili akong napatingin sa salamin. Mabilis na pinagmasdan ang aking repleksyon. “Hanggang ngayon, kasama ko pa." pagtutuloy ko. 

"But it was you who never wanted to fix it. It was you who wanted to keep it to remind yourself of what happened. It was partly your fault, Phoenix." mahinahong sagot niya.

Malakas akong natawa sa tinuran niya at agad na napatango. "Oo nga naman. I admit, it was partly my fault pero hindi ko parin sila mapapatawad. End of discussion," sagot ko kanya at saka mabilis na tinungga ang laman ng baso ko.

"Whatever. So... what are you planning to do? What would you do the moment na mahuli na natin ang letseng traydor na yan" biglang saad ni Emman at saka tumayo at inilagay sa kanyang bulsa ang kanyang mga kamay.

"Pain. Or worst, kapag biglang lumabas si Syntax, edi death."

"Gago!"

"Aray! Kanina ka pa ah!" sambit ko matapos na tumama sa bunbunan ko ang folder na ibinato ni Emman sa akin.

"You’re starting to scare me, bro. Nagiging magkaboses na kayo ni Syntax. Konti na lang, baka mapagkamalan na kitang siya." saad ni Emman sabay yakap sa kanyang sarili na parang batang natatakot. "Kapag ganyan ka, minsan naiisip ko baka si Syntax ka na nga, nagpapanggap lang."

"Isn't that a given?" tipid na sagot sa kanya sabay dampot ng nagkalat na papel na nanggaling sa folder na kanyang binato. "Besides, Syntax doesn't sound like that. He's more of a psycho and creepier than I am. He's more sure of what he wanted to do. He has the conviction at may isang salita siya. Kapag sinabi niyang gagawin niya, gagawin niya regardless kung may masaktan siyang ibang tao." 

"Yeah. That's exactly what he is. When was the last time that he appeared?" biglang tanong niya sa akin.

Napakunot ang noo ko at napaisip. Kailan nga ba ang huli?

"Ahhh.. I think it was around one to two years already? Naalala mo, yung unang away namin ni Uncle? When he threatened to kill me and exposed what happened to mama and papa?" 

"Oh, that fight. That huge and scandalous argument. I think Syntax was so close to killing your uncle at that time. He was already asking me ways to cover up a bad odor and I was shaking during that time cause I knew the bad odor he was referring to was a decompossed body."

"Yup, that fight, I remember. Muntik pa nga kaming magsuntukan ni Uncle diba? Buti na lang naawat agad ni Rioshi si Syntax at nakalma ang lahat bago may mangyaring higit pa sa mga inaasahan natin. Kung hindi, nako patay na talaga."

"Speaking of your uncle, I heard he's nowhere to be found. He's been missing in action for almost half a year. Ilang buwan na raw siyang tinatawagan ng office secretary mo, pero hanggang ngayon ay wala parin silang natatanggap na tawag mula sa kanya."

Napangiti ako. Kakaiba rin mag-iba ng usapan itong kaibigan kong to. Tch, panalo. Sinisigurado niyang ang ipapalit na usapan ay yung talagang makakakuha ng atensyon ko. Magaling Emmanuel, magaling.

Mabilis na lumapag ang aking mga mata sa hawak kong papeles at saka lalong napangiti. Tumingin ako kay Emman at siyang tango naman nito sa akin.

"Hmm. So you think, Uncle is the traitor? That he was the one behind that million dollars embezzlement?" diretsong turan ko.

Natatawang napatango na naman ito sa naging tanong ko. "Yeah, there's a huge possibility, if you ask me. Kung ako nga lang, iniisip ko, siya lang naman talaga ang may motibo na gawin ang bagay na yon at siya lang din naman ang nakikita kong makakagawa non. Knowing that you are so meticulous especially with your work and business. Di ko naiisip na magkakamali kang ipagkatiwala ang ganoong kahalagang bagay sa ibang tao."

“I agree.” 

“At saka, hindi ba mainit ang dugo no’n sa’yo dahil kahit alam niyang may galit ang papa mo sa mama mo, sa iyo niya parin ipinamana ang lahat ng assets niya. Ang alam ko nga ay kakarampot lang na mana ang iniwang ni Tito sa kanya.” 

Mabilis na pinasadahan ko ang nilalaman ng mga dokumentong nasa mga kamay ko. Ito ay ang financial report ni Uncle, his assets and liabilities, kasama na rin ang lahat ng mga pinagkakagastusan at pinaglalaanan niya ng pera.

Talagang nakakabilib nga naman itong si Emmanuel. He works quietly but deadly. Lahat ng sasabihin niya ay laging based on facts and evidences. Hindi siya basta maglalapag ng isang idea or argument na wala siyang panuportang impormasyon, kagaya na lang ngayon.

"Tch. Dapat na ba akong matakot sa'yo, Emman?" natatawang sambit ko. "Baka mamaya niyan financial report ko na ang hawak mo sa susunod at magamit mo pang pang-blackmail sa akin." pagbibiro ko sa kanya na sinundan niya ng batok.

"Gago. Hindi ko man hanapin ang financial report mo, alam na alam naman na ng buong Grindle o maski pa ng buong bansa kung gaano ka kayaman, siraulo!"

"So what do you think?" pagiiba ko ng usapan, "You think, it's better na ipahanap na natin si Uncle? Para mas mapadali ang rat hunt natin sa putang inang traydor na yon? I'm starting to get pissed."

"Ako nang bahala sa Uncle mo. I just want you to sit back and relax and please, take your meds," halos nagmamakaawang sambit ni Emman habang seryosong nakatingin siya sa akin. "Maawa ka naman Phoenix. Buti sana kung laging nandito si Rioshi sa mga di inaasahang pagkakataon, e paano kung si Mint ang dumating o kaya ay si Syntax? Okay lang din ako kay Ghant dahil kaya ko naman ang isang iyon."

"Tch. Hay nako! Puro ka na lang Rioshi, nakakarindi na yang bunganga mo Emman, sa totoo lang." naiinis na sagot ko sa kanya.

"Because you never listen to me. Not even once. You are starting to look like a stupid, spoiled-brat billionaire, who knew nothing but trouble. Your attitude is below zero, well in my standards, your guts, your messed up moods doesn't honestly help in any way," diretsong sabi niya na hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong ipagtanggol ang sarili ko, sa lahat ng insultong ibinabato niya sa akin ng harapan.

Mabait si Emmanuel. Masayahin at palakaibigan. Alam na alam niya rin kung saan ilalagay ang kanyang sarili sa bawat sitwasyon na kahaharapin niya. He's smart, composed, intelligent and brave, pero grabe naman ang tabas ng dila niya. Walang pinipili kahit sino ka pa.

When he say he's not happy to be around someone, he's really not. Kapag may nakita siyang pangit at ayaw niya sa isang tao, hindi matatapos ang isang araw at sasabihin niya iyon ng harapan nang walang pakundangan. Kung masakit akong magsalita, higit na masakit at nakakasugat ang salita ng isang Emmanuel Santos.

Hindi ko tuloy malaman kung prangka siya o hobby niya lang talagang manlait ng ibang tao. Walang preno ang nag-aapoy niyang bibig. Pambihira.

"You are-"

"Okay na Emman, awat na, duguan na ako sa ginagawa mong panlalait eh, h*******k ka." pagpigil ko sa pagtuloy niyang panlalait sa akin.

"Okay. Anyway, I'll start the rat hunt. You just do what you need to do and take your meds."

"Oo na Doc, okay na."

Marahan niyang tinapik ang balikat ko, tumango sa akin at saka nagpaalam na aalis na.

Traitor. All these years, lahat ng taong nakapaligid sa akin, wala na yatang ibang hinangad kung hindi bumagsak ako at magkamali. Tama si Emman, all of these stupid people all want nothing but one from me, money. 

Lahat gagawin nila for the sake of my money. They’ll butter me up, compliment me, do what I tell them to do just so they can have an opportunity to lure me into a trap and steal everything from me. Katulad lang sila ng mga magulang ko. They all want me for one reason. My mom wanted me to be the solution to her failed marriage. My dad wanted me to boost his image as a father and as a businessman, while these people wanted my fame and wealth. Malas lang nila, I’m not that dumb and don’t trust that much. 

Scumbags. Assholes. Bullshit. They are nothing but pieces of shit.

"Sabi mo Rioshi, mararanasan ko ang masayang pamilyang minsang pinangarap ko, but damn, you are so wrong. Maling mali Rioshi. Maling mali."

"You just have to give them a chance, Phoenix. Malay mo, sooner or later, you'll get what you always wanted to have. A family."

"Family? That’s bullshit Rio. It’s just a fantasy. I stopped dreaming about it a long time ago and I stopped believing in that word.”

*****

Autumn's POV

"Ninong, sigurado ba kayong bahay lang 'to?" mahinang bulong ko sa teleponong nakadikit sa tainga ko habang pilit na ipinagkakasya ang hindi kaliitang katawan ko sa katawan ng isang puno.

"Why? Is there a problem?"

"Ninong! Mall ata ito eh! Jusmiyo! Napakalaki namang bahay nito! Nagkikita pa kaya ang mga tao dito?"

Narinig ko ang mahinang tawa ni Ninong sa kabilang linya ng tawag.

"As far as my research goes, isa lang ang nakatira sa parang mall na bahay na yan," natatawa paring sambit niya. "It was none other than the heir and major stockholder of Alcantara Group of Companies and Tatlegoure Finances and Trading."

"Oh, that billionaire CEO, ninong?"

"Yeah, that CEO."

"Okay ninong, sige po, I'll call you back later na lang po."

"Sige Autumn, please take care of yourself, ayokong dalawin ng daddy mo."

"Ninong naman! Sige na po."

Agad na binaba ko na ang tawag at inilagay na ang telepono ko sa suot kong bag.

Halos malula ako sa laki ng bahay na tinitignan ko ngayon. Papasa na nga yatang palasyo ang isang ito sa laki at ganda ng itsura. Kakaiba talaga ang mga mayayaman. Lahat ng bagay, nakukuha sa pera.

"Dad, I promise, I will definitely find out what really happened to you." saad ko habang ang mga kamay ko ay mabilis na namilog sa isang kamao.

"I will not let these scumbag wealthy spoiled brat get away with what they have done with you. Malaman ko lang talaga na may kinalaman sila sa pagkawala mo, I swear, I will not stop. Not until I saw them crumbling down into pieces."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status