PAGKALIPAS ng isang buwan, nag-propose ng kasal si Raiden kay Amber na hindi niya naman tinanggihan. Sabi ng lalaki, kahit anong klaseng kasal ay ibibigay nito sa kanya. Dati ay nangangarap si Amber ng magarbong kasal, iyong mala-fairy tale at makikipasabayan siya sa mga bigating celebrities. Ngunit ang lahat ng iyon ay nagbago. Kahit saan siya ikasal, basta si Raiden ang groom ay masayang-masaya na siya. Simpleng church wedding ang naganap, si Pastor Dominic ang nagkasal sa kanila at tanging malalapit lang na kaibigan ang imbitado katulad nina Marco at Reign, Gavin at Hope, si Mon at pamilya nito, ang kaibigan ni Raiden na sina Aling Buena at Mang David, Ang manager ni Amber, Ynes at Melbert at ilang malalapit na kaibigan ni Raiden pati ni Amber sa showbiz. Kung si Jordan ang pag-
KANINA’Y pakanta kantang inaayos ni Amber ang kanyang buhok sa tapat ng salamin na balak niya sanang i-braid ng side fish tail, pero nang magtext ang girlfriend ng kanyang ama at sinabi nitong magmadali na siya ay heto’t nag-pony tail nalang siya ng tuwid at hanggang baywang niyang itim na buhok. Doll shoes na rin lang ang naisipan niyang iterno sa skinny jeans at red bouse na suot para wala ng hassle, ngunit sa kalagitnaan rin ng pagmamadali ay naagaw ang kanyang atensyon ng isang patalastas sa TV. Napangiti si Amber ng makitang nakangiti ang babaeng modelo roon, nginingitian nito ang isang lalaking modelo at tumugon rin ng ngiti ang huli. Obviously, the models wer
NAPALUNOK si Amber at halos pigil ang hininga nang tumungo ang kamay ng lalaki sa likod ng kanyang ulo. Sa loob ng ilang segundo ay nagawa nitong alisin ang piring sa kanyang mga mata gamit ang dalawang kamay. Kumurap-kurap pa siya, in-adjust ang matang lumabo dahil sa blind fold bago napatingala. Bulto ng isang lalaki ang nasa harap niya, naka-denim pants ito at white t-shirt na napapatungan ng black jacket, nakasuot din ito ng balaclava mask.Napapitlag siya nang lumuhod ito sa harap niya. “Napakaganda mo pala sa personal, Amber…” sabi ng lalaki.
NARAMDAMAN agad ni Amber ang sakit sa kanyang ulo nang marahan siyang magmulat. Napangiwi siya nang maramdaman ang sakit sa dibdib. Ang akala niya’y mamamatay na siya sa pagkakahulog, ngunit napansin niyang nasa kwarto siya ulit ng kubo ni Raiden, at nang pumasok sa pinto ang lalaki ay ganoon nalang siya na-alarma! Napa-atras siya sa head board ng kama at pilit na sumiksik doon, bumilis rin ang tibok ng kanyang puso, baka saktan na siya nito!Nang maupo si Raiden sa tabi niya ay nayuko siya at ipinikit ang mga mata, silently praying and hoping that he will not
KUMAKAIN ng cup noodles si Amber nang maabutan ni Raiden sa kusina mismo. May karne sa maliit na ref na pwedeng lutuin, pero tinamad siya kaya nag-noodles na lang siya nang makaramdam ng gutom.“Andito ka pa pala, akala ko umalis ka na,” tila pabirong sabi ni Raiden sa kanya. Pansin niyang may kaunting ngiti sa mga labi nito.
“RAIDEN, walang tubig sa CR. I wanna take a bath,” iyon ang agad na sabi ni Amber sa binata nang lumabas siya ng banyo at masalubong ito. Ilang araw na siyang hindi naliligo, kaya kating-kati na siya dahil hindi pa rin siya nakapagpapalit ng damit. “Wala ring sabon at shampoo, and also body scrub.”“Ah, pasensya na sira kasi ‘yung water pump,” iyon lang ang sabi nito sabaya nag pag-kamot sa batok.
SA KASALUKUYAN ay hindi muna iniisip ni Amber kung ano na ang nangyayari sa outside world. Malamang ay naibalita na ang pagkakidnap sa kanya sa iba’t-ibang uri ng pahayagan at nag-aalala na rin malamang ang mga kaibigan niya sa kanya. Hindi niya naman nais mag-alala ang mga iyon, pero kinailangan niya munang mapag-isa dahil nga sa pagdaramdam sa sariling ama, wala naman masama kung sarili muna niya ang isipin dahil para bang kalahati ng buhay niya ay iniisip ng ibang tao ang kanyang kinokonsidera.
BUONG ARAW hindi nakipag-usap ng maayos sina Amber kay Raiden. Sa mga tanong ng binata ay simple at maikling sagot lang ang kanyang isinasagot, at malamang ay nahahalata naman iyon nito. Hindi na siya pinuwersa ni Raiden na sabihin kung galit ba si Amber dahil sa narinig niyang hindi magandang usapan nito at ng kausap nito sa kabilang linya ng cellphone ng nakaraang gabi. Naiinis siya dahil mukha talagang wala itong balak na sabihin sa kanya kung anoman, basta puro na lang ‘magtiwala’ ang sinasabi nito sa kanya. May tiwa