Lakad-takbo ang ginawa niya habang papasok sa paaralan na pinapasukan ni Zach. Pakiramdam niya nasa lalamunan na lang niya ang kanyang puso. She was trembling in fear. Kaba at takot ang agad na bumalatay sa kanya ng marinig ang sinabi ni Adrian
kanina sa phone at lalo iyon nadepina ngayong palapit siya sa classroom nito at marinig ang boses ni Adrian sa loob."Kapag may ibang susundo sa anak namin, hindi ba tumatawag naman kami at nag-aabiso, we didn't call kaya bakit ninyo hinayaan na sumama siya kay Arie!"
Halos sasabog ang puso niya sa kumpirmasyon na iyon. Kanina hindi pa iyon masyadong nasinc-in sa utak niya. She wanted to believe that it was not true, na naroroon lang ang anak sa loob ng school at naglalaro lang sa kung saan. Pero ngayong narinig niya ang lahat ay nabalot ng takot ang buo niyang pagkatao.
Galit na galit sa kanya si Arie, sa kanila kaya imposibleng sinundo nito si Zach doon sa paaralan with good