Chapter 78
Pagkatapos naming magligpit ng hapunan, tumayo ako at nag-inat. "Mauna na ako, ha. Ang bigat sa tiyan ng beefsteak, kailangan ko nang humiga," sabi ko sa kanila habang hawak ang tyan ko.
"Hoy, Pipay, baka di ka na gumising bukas sa sobrang kabusugan," biro ni Tristan.
"Hayaan mo na siya, Tristan. Baka sa panaginip niya eh gumagawa pa rin siya ng PIYAYA," dagdag ni Rafael, natatawa.
"Bahala kayo sa buhay niyo! Alam ko naman na dito rin kayo matutulog, kaya wag kayong mag-ingay, ha?" sagot ko habang paakyat sa hagdan.
"Bakit? Ayaw mo bang marinig ang tambalan namin ni Lucas mamaya?" sabat ni Tristan, sabay tawanan nila ni Lucas.
"Ay naku, Tristan, mananahimik ako sa kwarto ko. Wag mo na akong idamay sa ingay niyo," sagot ko habang naglalakad papunta sa silid ko.
Pagpasok ko, hinubad ko ang tsinelas ko at humiga agad sa malambot na kama. Napatingin ako sa kisame, at naisip ko ang lahat ng nangyari sa araw na ito.
"Grabe naman ang araw na 'to," bulong ko sa sarili ko. "Kanina l