ANG PIYAYA NI PIPAY

ANG PIYAYA NI PIPAY

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-29
Oleh:  SKYGOODNOVELTamat
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
12 Peringkat. 12 Ulasan-ulasan
149Bab
17.9KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

“Pipay!” galit na sigaw ng aking madrasta mula sa kanyang silid habang abala sa pag-aayos ng kanyang mukha. Halos magputok ang ugat sa kanyang leeg, na para bang ako ang dahilan ng lahat ng problema niya sa buhay. “Bakit po, Madam?” mahinahon kong sagot habang tuloy sa paglalampaso ng sahig. “Madam”—iyon ang itinawag niya sa akin mula pa noong una, at dahil sa takot, hindi ko na rin inusisa kung bakit. Ako nga pala si Piazza Fontana Vega, o mas kilala bilang Pipay. Dalawampu’t dalawang taong gulang na ako, ngunit hanggang Grade 5 lang ang naabot ko. Natigil ako sa pag-aaral noong mag-asawa muli ang aking ama. Simula noon, naging parang alipin na ako ng aking madrasta. Araw-araw, pareho lang ang eksena sa bahay. Ako ang gumagawa ng lahat ng gawain habang si Madam at ang kanyang anak na si Claire ay nag-e-enjoy sa luho ng buhay. Pero kahit ganoon, may lihim akong pangarap. Minsan, sa mga tahimik na gabi, iniisip ko kung darating ba ang araw na makakawala ako sa ganitong sitwasyon. “PIPAY!” muling sigaw ng aking madrasta, na tila mas nagiging galit pa. Agad kong iniwan ang mop at tumakbo sa kanyang kwarto. Kailangan kong magmadali. Kapag natagalan ako, mas matindi ang parusa. “Madam, may kailangan po ba kayo?” magalang kong tanong sa aking Madrasta. "Bakit ba ang bagal mong kumilos? HETO! Labhan mo pati ang damit ng anak ko!” sigaw niya, sabay hagis sa akin ng maruruming damit. Tumama ito sa aking mukha, pero wala akong nagawa kundi damputin ang mga ito. “Opo, Madam,” sagot ko, habang pinipigil ang pagbagsak ng luha.

Lihat lebih banyak

Bab 1

🥴 Ang mapait na karanasan ni Pipay 🥴 Chapter 1

Chapter 1

Pipay POV

“Pipay!” galit na sigaw ng aking madrasta mula sa kanyang silid habang abala sa pag-aayos ng kanyang mukha. Halos magputok ang ugat sa kanyang leeg, na para bang ako ang dahilan ng lahat ng problema niya sa buhay.

“Bakit po, Madam?” mahinahon kong sagot habang tuloy sa paglalampaso ng sahig. “Madam”—iyon ang itinawag niya sa akin mula pa noong una, at dahil sa takot, hindi ko na rin inusisa kung bakit.

Ako nga pala si Piazza Fontana Vega, o mas kilala bilang Pipay. Dalawampu’t dalawang taong gulang na ako, ngunit hanggang Grade 5 lang ang naabot ko. Natigil ako sa pag-aaral noong mag-asawa muli ang aking ama. Simula noon, naging parang alipin na ako ng aking madrasta.

Araw-araw, pareho lang ang eksena sa bahay. Ako ang gumagawa ng lahat ng gawain habang si Madam at ang kanyang anak na si Claire ay nag-e-enjoy sa luho ng buhay. Pero kahit ganoon, may lihim akong pangarap. Minsan, sa mga tahimik na gabi, iniisip ko kung darating ba ang araw na makakawala ako sa ganitong sitwasyon.

“PIPAY!” muling sigaw ng aking madrasta, na tila mas nagiging galit pa.

Agad kong iniwan ang mop at tumakbo sa kanyang kwarto. Kailangan kong magmadali. Kapag natagalan ako, mas matindi ang parusa.

“Madam, may kailangan po ba kayo?” magalang kong tanong sa aking Madrasta.

"Bakit ba ang bagal mong kumilos? HETO! Labhan mo pati ang damit ng anak ko!” sigaw niya, sabay hagis sa akin ng maruruming damit. Tumama ito sa aking mukha, pero wala akong nagawa kundi damputin ang mga ito.

“Opo, Madam,” sagot ko, habang pinipigil ang pagbagsak ng luha.

“Mommy, bilhan mo ako ng bagong phone!” biglang sabi ni Claire, ang anak ng madrasta ko.

“Of course! Nagpadala si Piolo ng pera kaya bibilhan kita ng kahit anong gusto mo,” masayang sagot ng madrasta ko.

Napatingin ako sa kanila. Gusto kong magsalita, kahit kaunti lang.

“Madam, pwede bang magpabili rin ako ng panty? Kasi po may butas na at maluwag na ang garter—”

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang bigla niyang hinampas ang mukha ko.

Pak!

Napaatras ako sa lakas ng sampal, at halos bumagsak sa sahig.

“Kapal ng mukha mo, Pipay! Kahit isang sentimo, wala kang karapatan! Ang perang pinadala ng ama mo ay para sa amin, hindi para sa’yo! Magpasalamat ka na lang na hindi ka namin pinalayas sa bahay na ito,” galit niyang sigaw.

Nagtawanan pa si Claire, habang sinasabi, “Kawawa ka naman, Pipay!”

“Madam, di’ba ipinangako ni Papa na ituring ninyo akong anak? Siya nga po ang nagsabi na aalagaan niyo ako habang wala siya! Ang pera po ni Papa—”

“Sinusumbatan mo ba ako, Pipay?!” mas lalo siyang nagalit, sabay sabunot sa akin at sinipa ako sa tagiliran.

Gusto kong lumaban, pero naalala ko ang bilin ni Papa—igalang ko ang kanyang asawa. Kaya kahit masakit, tiniis ko ang lahat.

“Tama na po…” mahinang sabi ko habang pinipigilan ang luha.

Nang magsawa siya sa pananakit, itinulak niya ako palayo.

“Lumayas ka na sa harapan ko bago pa kita tuluyang patayin!” sigaw niya.

Mabilis akong tumayo, binuhat ang mga maruming damit, at umalis. Habang lumalakad papunta sa likod ng bahay, nararamdaman ko ang hapdi ng mga sugat ko.

Napatingin ako sa maliit na sulok sa likod ng bahay—ang tanging lugar kung saan ako natutulog, katabi ng alaga kong si Bruno. Simula nang itaboy ako mula sa kwarto, dito na ako tumira. Kung hindi ko pa itinawag sa mga awtoridad ang balak nilang ibenta si Bruno, baka wala na rin siya ngayon.

Habang nilalabhan ko ang mga damit nila, narinig ko ang isang pamilyar na boses.

“Pssst! Hoy, Pipay!” tawag ng kaibigan kong si Lulu mula sa kabilang bakod.

Nilapag ko ang batya ng labahan at lumapit kay Lulu, ang tanging kaibigan ko na palaging nandiyan para sa akin. Sa kabilang bakod, nakausli ang ulo niya habang abala siyang ngumunguya ng kendi.

"Pipay, grabe ka naman! Mukha kang binagyo," sabi niya habang nakatingin sa mga pasa sa aking braso. "Ano na naman ginawa ng madrasta mo?" tanong niya sa akin na may halong inis.

Ngumiti ako, pilit na tinatago ang sakit. "Wala ito, Lulu. Sanay na ako," sagot ko.

"Sanay?! Hoy, Pipay, hindi normal ang ganyan. Kaya nga lagi kitang sinasabihan, tumakas ka na sa bahay na ‘yan!" mungkahi niya sa akin.

Napabuntong-hininga ako. Ilang beses ko na ring inisip ang sinasabi niya, pero laging bumabalik sa isip ko ang bilin ni Papa.

"Hindi ko pwedeng gawin ‘yan, Lulu. Nangako ako kay Papa," pangangatwiran ko dito.

"Tapos sila, Pipay? Tinupad ba nila ang pangako nila sa Papa mo?" malakas niyang tugon. Tumitig siya sa akin, halatang inis. "Alam mo, kung ako ang nasa lugar mo, matagal ko nang iniwan ‘yang impyernong bahay na yan," bigkas niya sa akin.

Hindi ko siya sinagot. Ang totoo, matagal ko nang gustong umalis, pero wala akong mapupuntahan. Wala akong pera, at wala akong tiyak na kinabukasan sa labas.

"Hoy," lumambot ang boses ni Lulu, tila nabasa niya ang nasa isip ko. "Kumain ka muna. Dalhan kita ng tinapay," dagdag niyang sabi sa akin.

Ngumiti ako sa kanya. Si Lulu talaga, kahit sa simpleng bagay, napapasaya niya ako.

Pagkalipas ng ilang oras, natapos ko rin ang mga gawaing bahay. Nagpasya akong umupo sandali sa tabi ni Bruno habang hinihintay kong matuyo ang mga damit na nilabhan ko. Napatingala ako sa langit, tinititigan ang mga bituin.

"Bruno, kailan kaya magiging maganda ang buhay natin?" bulong ko sa aso. Tumahol siya, parang sinasabi niyang hindi rin niya alam ang sagot.

Habang pinagmamasdan ko si Bruno, may narinig akong mahinang kaluskos mula sa bakod. Agad akong tumayo, binuksan ang ilaw, at naghanap kung saan galing ang tunog.

"Lulu, ikaw na naman ba ‘yan?" tanong ko, pero walang sumagot.

Bigla, may isang anino na mabilis na dumaan sa likod ng mga halaman. Tumigil ako at nanatili sa kinatatayuan, kinakabahan.

May tao ba diyan?" tanong ko ulit, pero imbes na sagot, ang narinig ko ay ang tunog ng mga yabag papalayo.

Agad akong pumasok sa loob ng barung-barong ko, niyakap si Bruno, at siniguradong nakakandado ang pinto.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
Kai
Ang ganda......makakawala ng stress.......
2025-03-03 10:12:15
0
user avatar
Batino
highly recommended...
2025-03-03 06:15:48
0
user avatar
SKYGOODNOVEL
heeellloooo
2025-03-02 11:18:26
0
user avatar
Mario dabu
nakakaaliw itong kwento na to..maganda sya i luv it
2025-02-28 21:44:52
1
user avatar
Mairisian
Highly Recommended!!! 🫶🏼🫶🏼🫶🏼
2025-02-28 05:47:17
1
user avatar
Pag-ilagan Loida
Ang Ganda,,galing ng author!!!unang chapter npaiyak Ako,,Ang sumunod tawa n Ako ng tawa,,,more power po.!
2025-02-15 12:38:43
1
user avatar
Deigratiamimi
highly recommended story
2025-01-26 13:22:58
1
user avatar
Fyang
Thank you Ms.A may aabangan na naman akong magandang story. Ang cute ni Pipay, tuwing basahin ko ito napatawa ako sobra.
2025-01-02 15:59:16
2
user avatar
Jessa Writes
highly recommended
2024-12-27 23:25:13
2
user avatar
MIKS DELOSO
highly recommended basa na po
2024-12-24 00:52:26
2
user avatar
KEEMUNKNOWN0920
ang pasaway na si Pipay haha, Ganda highly recommended
2024-12-20 21:26:07
1
user avatar
Francine_Kate23
Ang ganda ng story, highly recommended!
2024-12-20 15:19:52
1
149 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status