Chapter 109
Hanggang tuluyan akong nakatulog.
Kinabukasan, isang bagong araw ang sumalubong sa akin.
Pagdilat ng aking mga mata, agad kong naalala ang desisyong ginawa ko kagabiβang ipakilala si Jhovel sa buong mundo.
Huminga ako ng malalim bago bumangon. "Ito na ang simula ng bagong buhay ko," bulong ko sa sarili habang tumitingin sa aking repleksyon sa salamin.
Hindi ko na kailangang lumingon pa sa nakaraan. Ang mahalaga ngayon ay ang anak ko⦠at ang buhay na dapat naming harapin nang magkasama.
Habang nakatitig ako sa aking repleksyon sa salamin, biglang kumatok si Inday.
"Maβam, nakahanda na po ang almusal ninyo. Nasa dining area na rin po si Jhovel."
Napangiti ako ng bahagya. "Sige, bababa na ako."
Pagdating ko sa hapag-kainan, agad akong sinalubong ng anak ko. "Good morning, Mommy!" Masaya itong yumakap sa akin.
Hinaplos ko ang kanyang ulo at marahang hinalikan ang kanyang noo. "Good morning, anak. Handa ka na ba sa araw na ito?"
"Yes, Mommy! Pero saan po t