Chapter 49
Lulubog na sana ako sa bathtub nang mapansin ko ang isang tablet sa gilid—parang katulad ng ginagamit ni Lulu! Hindi ko napigilan ang sarili ko at agad ko itong kinuha. Ano kaya ang meron dito?
Pagbukas ko, ayan na, isang napaka-high-tech na tablet na parang galing pa sa ibang planeta. Agad akong naghanap ng paraan para mag-download ng story app. Buti na lang at hindi ako nakakalimot sa Gmail account ko at password (salamat sa memorya kong parang elepante). Agad akong naka-log in, parang hacker lang!
Nang makapasok na ako sa app, dali-dali kong hinanap ang paborito kong story at nagsimula akong magbasa. Grabe, parang hinigop ako ng kwento! Apat na chapters agad ang nabasa ko, at sa dulo ng bawat isa, napapangiti na lang ako.
Pero bigla akong napahinto at natawa nang makita ang notification: "Please vote to unlock the next chapter!" Huh?! Ang arte naman, parang naniningil pa ng tong sa sarili kong kaligayahan!
Hindi lang 'yun, may pa-gem system pa sila para makapasok sa rank