"YOU ARE COMING HOME?"
Sandaling nakinig si Grayson sa sinasabi ng nasa kabilang linya.
It was Tatia, ang girlfriend niya. Isang fashion designer ang babae na nakabase sa America. Isang taon na silang magkarelasyon at pareho namang pabor ang mga pamilya nila sa kanilang dalawa. Sa katunayan ay kasundong-kasundo ng Mommy niya ang babae.
"Yes, sweetheart. I was supposed to surprise you but I changed my mind." nakabungingis na sabi ni Tatia.
Napangiti si Grayson. Kahit malayo ang nobya ay malinaw niyang nakikita sa kanyang isipan ang nangingislap nitong mga mata at malawak na ngiti habang nilalaro ang sariling buhok.
"Oh, thank goodness!" bulalas ni Grayson. "Finally, naisipan mo ring ako naman ang dalawin dito sa Pilipinas. " dugtong niya habang ang isang kamay ay nakapaloob sa bulsa ng suot niyang pantalon.
"Oh, of course. Namiss kita, eh." masiglang sagot ni Tatia kay Grayson. "Saka miss ko na din ang luto ni Tita Hillary."
Umikot ang mga mata ni Grayson. " Mukhang hindi naman