Walang girl code. Kahit sino na lang ay pinapatulan. Parang mauubusann ng lalaki. Iyon ang tingin ng marami kay Elijah Armani. Pagkatapos ng failed relationship ni Elijah kay Clayton Lardizabal ay muli siyang sumubok na magmahal— and this time, kay Grayson Lardizabal, ang ama ni Clayton. She tried but she failed—as usual. Until Grayson Lardizabal Jr. happens.
view moreMABILIS NA IPINARADA ni Grayson ang dala niyang sasakyan sa harap ng malaking gate. Hindi na siya nag-abalang ipasok pa sa loob ang kotse dahil aalis din naman agad siya kaagad. Pagkatapos patayin ang makina ay binuksan na niya ang pinto at bumaba. Habang naglalakad palapit sa gate na kulay itim ang pintura ay sinulyapan pa muna niya ang suot niyang relong-pambisig. Pasado alas diyes na ng umaga. Pinindot ni Grayson ang doorbell at ilang sandali pa ay bumukas ang maliit na bahagi na kasya lamang ang kalahati ng mukha ng tao mula sa loob. Mula roon ay sumilip ang guwardiya na ilang taon na ring nagsisilbi sa pamilya nila. Ang tanda niya ay nasa highschool pa lamang siya ay nagta-trabaho na sa kanila ang maandang lalaki. "Sir Grayson, kayo ho pala." nakangiting bati ni Mang Leo. "Bubuksan ko ho ba ang malaking gate?" tanong ng matanda sa binatang amo. Nakangiting umiling si Grayson. "Huwag na ho, Mang Leo. Aalis din naman ako kaagad." tugon niya bago kaagad na pumasok nang buksan n
"OH, WOW... GOOD MORNING TOO." turan ni Tatia habang ang magkabilang kamay ay nakahawak sa mga balikat ni Grayson. Nakapatong si Grayson sa nobya at tanging ang kulay abong kumot lamang ang nakatakip sa parehong hubad nilang katawan. "Mmmm..." mahinang tugon ni Grayson habang inaabala ang sarili sa paghalik sa leeg ni Tatia. "Babe..." paungol na usal ni Tatia na bahagya pang napaliyad dahil sa sensasyong unti-unting pinupukaw ng mga halik ni Grayson sa kanyang katawan. "Mmmm... I've missed you so much." ani ni Grayson na sandali pa munang tumigil sa ginawa. Bahagyang inilayo ni Grayson ng sarili sa katawan ng nobya at masuyong tinitigan ang magandang mukha ni Tatia. "I love you, babe..." turan ni Grayson kay Tatia. Ngumiti si Tatia. Ikinawit niya ang mga braso sa leeg ng lalaki. Mabilis niyang ginawaran ng halik sa labi si Grayson bago tumugon. "I love you more, babe..." Isang malawak na ngiti ang sumilay sa magkabilang sulok ng mga labi ni Grayson bago niya muling isinubsob
"STOP IT, ELIJAH..." ani ni Elijah sa kanyang sarili. Pinagdaopinagdaop niya ang mga palad at kinuskos iyon nang kinuskos hanggang sa maramdaman niya ang init. "Shake it off." dugtong niya bago tinapik-tapik sa magkabilang pisngi gamit ang mga palad na pinainit niya. It has been sixteen years pero sariwa pa rin sa kanyang isipan ang nangyari noon. Her father's death is haunting her for years at kahit na ano ang gawin niyang pilit na makalimutan ay ayaw siyang tigilan ng madilim at mapait na alaalang iyon. Ilang taon na ba siyang binabagabag ng bangungunot ng nakaraan? She lost count already. Basta ang tanda niya ay nagsimula iyon nang minsan makapanood siya ng balita tungkol sa lalaking nagpakamatay nang dahil sa asawa nitong sumama sa ibang lalaki. It was the same reason why her dad took his own life. Magkaiba lang paraan ng pagkitil ng buhay. Umunat mula sa pagkakaupo sa higaan si Elijah bago niya sinulyapan ang maliit na relong nakapatong sa isang malaking plastic tupperwar
MALALIM NA ANG GABI AT TAHIMIK na ang lahat ng naiwang tao sa lumang administration building kung saan pansamantalang tumutuloy sina Elijah. Ilang araw na lang at babalik na rin ang grupo nila sa Manila dahil sa wakas ay patapos na rin ang operasyon nila sa San Guillermo. Nagpapahinga na ang lahat dahil sa maghanapong naging abala sila sa pamimigay ng relief goods sa huling baryo ng San Guillermo na hindi pa nila naabutan ng tulong. Puspusan din ang ginawang medical mission dahil sa dami ng nagkakasakit sa evacuation area. Sa silid na ginagamit ni Elijah, walang tigil ang biling ng kanyang ulo habang panaka-nakang umuungot habang mahimbing na natutulog. Maya-maya pa ay may dumaloy sa kanyang pisngi ang isang butil ng luha. Mag-isa lamang siya dahil muling lumuwas ng Manila si Gaven. Mayroong importanteng meeting ang babae na kailangang daluhan. "No... no, please. Don't!" halos pabulong na usal ni Elijah habang patuloy pa rin sa pagbiling ang ulo. Mahigpit ding nakakapit sa kulay a
"YOU ARE COMING HOME?" Sandaling nakinig si Grayson sa sinasabi ng nasa kabilang linya. It was Tatia, ang girlfriend niya. Isang fashion designer ang babae na nakabase sa America. Isang taon na silang magkarelasyon at pareho namang pabor ang mga pamilya nila sa kanilang dalawa. Sa katunayan ay kasundong-kasundo ng Mommy niya ang babae. "Yes, sweetheart. I was supposed to surprise you but I changed my mind." nakabungingis na sabi ni Tatia. Napangiti si Grayson. Kahit malayo ang nobya ay malinaw niyang nakikita sa kanyang isipan ang nangingislap nitong mga mata at malawak na ngiti habang nilalaro ang sariling buhok. "Oh, thank goodness!" bulalas ni Grayson. "Finally, naisipan mo ring ako naman ang dalawin dito sa Pilipinas. " dugtong niya habang ang isang kamay ay nakapaloob sa bulsa ng suot niyang pantalon. "Oh, of course. Namiss kita, eh." masiglang sagot ni Tatia kay Grayson. "Saka miss ko na din ang luto ni Tita Hillary." Umikot ang mga mata ni Grayson. " Mukhang hindi naman
ROUTE 69 Masayang nag-uusap sina Elijah at Gaven kasama si Victor at Katrice. Naroon din ang ilan pang staff ng Sirens Alliance maging ang ibang kasama sa medical team. Biyernes ng gabi at maganda ang panahon. Malamlam ang liwanag ng buwan sa labas at unti-unti na ring bumabalik sa dati ang buhay ng mga tao sa San Guillermo. Mahigit isang linggo na din ang nagdaan simula nang tuluyang lumabas ng Pilipinas ang panghuling bagyo. "I want a whole bottle of whiskey." ani ni Katrice na bakas sa anyo ang labis na pananabik na muling masayaran n alak ang kanyang lalamunan. Isang linggo din silang naging aligaga sa pamimigay ng mga relief goods at medical mission. Ito ang unang beses na lumabas sila pagkatapos ng bagyo para mag-hang out na magkakasama. "How about a Bloody Mary?" ani naman ni Gaven na nakakapit sa braso ni Elijah. "Oh, I need food." turan ni Elijah sabay hawak sa kumakalam niyang tiyan. "Great idea." sang-ayon ni Victor. "I'm hungry too." dugtong niya bago
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments