NATULALA SI Naomi sa mga narinig niya mula kay Crystal. Sa matagal na panahon, sa maraming nangyari sa kanila ni Nonoy si Ivy ang may kagagawan ng lahat. Ito ang totoong may masamang intensyon sa kanilang magkapatid dahil sa inggit at galit nito sa kaniya.
"I-I'm so sorry, Naomi," bahagya itong yumuko, kita ang guilt sa mga mata, "dahil wala akong ginawa at hinayaan ko si Ivy na gawin sa iyo ang lahat ng ginawa niya dahil sa pag-asa kong baka balikan ako ni Grayson."
Hindi niya alam ang mararamdaman niya kay Crystal dahil sa pag-amin nito tungkol sa aksidenteng nangyari sa kaniya noon sa hagdan habang buntis siya. Inamin nito na si Ivy ang may pakana niyon dahil 'di umano kapag nawala ang bata sa sinapupunan niya, may posibilidad na balikan ni Grayson si Crystal. Namanipula ito ni Ivy. Alam din nito ang mga ginawa ni Ivy kay Nonoy noon sa dagat.
"A-alam kong hindi mo ako mapapatawad sa ginawa ko pero gusto pa rin kitang tulungan sa kaso mo. Willing akong maging testigo para patunaya