Share

159

Author: Totoy
last update Last Updated: 2025-06-21 20:01:48

"WHAT ARE YOU THINKING, Naomi?"

Napakurap siya ng marinig niya ang boses ni Martin. Lumapit ito sa kaniya at bakas ang pag-aalala sa gwapo nitong mukha. Saglit lang niya itong tiningnan.

"Sa dami na ng nangyari hindi ko na rin alam kung anong iisipin ko, Martin. Napapagod na ako pero kailangan ko pang ilaban ang sarili ko at patunayang inosente ako sa lahat ng binibintang nila sa akin," malungkot niyang sabi.

Dinagdagan pa ni Grayson ang hirap at pagkalito niya dahil sa mga sinabi nito sa kaniya. Totoo bang mahal pa rin siya nito? Gayong hindi na niya iyon maramdaman dahil poot at galit ang pinararamdam nito sa kaniya

"Malapit na nating mapatunayang inosente ka, Naomi at pagkatapos ng lahat, iiwanan mo ang magulong buhay mo sa bahay na ito kasama ni Nonoy. You have to live your life without those people who bring hell and hardship in your life. Sila ang nagpapahirap sa iyo." Palagi niyang nararamdaman ang pag-aalala at ang simpatiya ni Martin sa kaniya. Napakabuti nito at alam niyang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
sana nman totoo ung mga sinabi ni Crystal
goodnovel comment avatar
Anne Soriano
ayyy salamat my kakampi na si noimi
goodnovel comment avatar
Gen Gamarza Villacampa
thanks author ...️
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • After Divorce: I Married A Stranger    159

    "WHAT ARE YOU THINKING, Naomi?"Napakurap siya ng marinig niya ang boses ni Martin. Lumapit ito sa kaniya at bakas ang pag-aalala sa gwapo nitong mukha. Saglit lang niya itong tiningnan."Sa dami na ng nangyari hindi ko na rin alam kung anong iisipin ko, Martin. Napapagod na ako pero kailangan ko pang ilaban ang sarili ko at patunayang inosente ako sa lahat ng binibintang nila sa akin," malungkot niyang sabi.Dinagdagan pa ni Grayson ang hirap at pagkalito niya dahil sa mga sinabi nito sa kaniya. Totoo bang mahal pa rin siya nito? Gayong hindi na niya iyon maramdaman dahil poot at galit ang pinararamdam nito sa kaniya"Malapit na nating mapatunayang inosente ka, Naomi at pagkatapos ng lahat, iiwanan mo ang magulong buhay mo sa bahay na ito kasama ni Nonoy. You have to live your life without those people who bring hell and hardship in your life. Sila ang nagpapahirap sa iyo." Palagi niyang nararamdaman ang pag-aalala at ang simpatiya ni Martin sa kaniya. Napakabuti nito at alam niyang

  • After Divorce: I Married A Stranger    158

    HINDI MAPAKALI si Naomi habang hinihintay niya sa visitors area ang sinasabi ni Vincent na driver ng kotseng nakabangga sa kaniya. Sinamahan siya nito at ni Luna sa kulungan para makausap niya ito.Mayamaya'y may dumating na pulis kasama ng isang lalaki. Kalbo ito at sa tingin niya ay halos kaedad lang niya dahil sa makisig nitong pangangatawan. Umupo ito sa harap niya, walang emosyon ang mga mata. Hindi niya makita ang anumang takot o konsensiya sa mga mata nito. Parang wala lang sa rito na makaharap ang taong naging biktima nito."Sino ka?" tanong nito. May pagka-bad boy ang dating ng lalaki at may mga tattoos ito sa braso.Lumitaw ang galit sa mga mata niya habang bumabalik sa isip niya ang lahat ng nangyari. Ang tunog ng kotse, mga bosena, sigaw ng mga tao at ang pagbangga sa kaniya ng isang kotse na naging dahilan ng pagkawala ng kaniyang anak."Hindi mo ba ako namumukhaan, Gino? Tingnan mo kung sino ang nasa harap mo ngayon, ako ang babaeng buntis na binangga mo ng araw na iyon.

  • After Divorce: I Married A Stranger    157

    "ALAM KONG may malaking sikretong tinatago si Levie at kailangan nating malaman iyon," seryosong sabi ni Naomi habang kaharap niya si Vincent at Luna. Nasa labas sila ng isang kainan."Paano? Paano natin malalaman ang sikreto ng demonyong Levie na iyon?" tanong ni Luna.Binalingan niya si Vincent. "Kailangan ko ng tulong mo, Vincent? Ikaw lang ang alam kong pwedeng tumulong sa akin para malaman ko ang tinatago niyang lihim," aniya."Anong gusto mong gawin ko, Naomi?" seryoso nitong tanong. "Gusto kong sundan mo si Levie sa oras na umalis siya ng mag-isa sa mansyon. Alam kong may koneksyon siya sa ibang lalaki at gusto kong malaman kung sino iyon. Malakas ang kutob ko na kasabwat niya kung sino man iyon sa lahat ng plano niya. She wants to get everything from the Alcantara's family at alam kong someone's helping her."Nagkatinginan si Luna at Vincent. "Sinasabi mo bang may ibang lalaki si Levie na tumutulong sa kaniya?"Tumango siya. "She's dangerous, Luna. Nakakatakot ang pagiging de

  • After Divorce: I Married A Stranger    156

    NIYAKAP NI NAOMI ang sarili habang pinagmamasdan niya kung paano kasaya si Nonoy habang kasama at kalaro nito si Grayson. Masaya siya pero ramdam niya ang lungkot at sakit dahil alam niya ang totoo. Sila na ni Nonoy ang nanglilimos ng atensyon at oras ni Grayson. Na kailangan pa niyang magmakaawan at makiusap na kahit saglit, makalaro at makasama man lang ito ni Nonoy dahil alam niya kung gaano kalapit ang kapatid sa lalaki. "K-kuya Grayson, totoo po ba ang sinabi ni ate Ivy sa akin...n-na ayaw niyo na raw po sa amin ng ate?" Biglang lumungkot ang mga mata ni Nonoy at bahagya itong yumuko. Natigilan naman si Grayson at napatingin sa kaniya pero agad ding umiwas at ngumiti kay Nonoy. "N-Nonoy, masyado lang busy ang kuya Grayson kaya hindi ako palaging nakikipag-play sa iyo pero hindi totoong ayaw na ng kuya sa iyo, naiintindihan mo ba ako?" malumanay nitong sabi. Kumiling siya. She misses his calm voice talking to her. Gusto niyang marinig ulit ang ganoong kalmado at may pagsuyong bo

  • After Divorce: I Married A Stranger    155

    DAHAN-DAHANG humakbang palapit si Naomi sa silid ni Grayson, bitbit ang lakas ng loob at baba ng pagkatao niya para sa kapatid na si Nonoy. Lahat gagawin niya para rito kahit pa kapalit niyon ang mas mababang tingin sa kaniya ng lahat. Bumuga siya ng hangin bago kumatok sa pinto. Ramdam niya ang malakas na kabog ng dibdib niya sa halo-halong nararamdaman niya. Kinakabahan siya pero mas nanaig ang kagustuhan niyang makita ulit si Grayson at mapagmasdan ng malapitan. She misses him so much pero alam niyang hanggang doon na lang ang magagawa niya. Pakiramdam niya'y huminto ang pagtibok ng puso niya ng dahan-dahang bumukas ang pinto ng silid at bumungad sa kaniya si Grayson na naka-topless lang habang tanging tuwalya ang nakabalot sa parteng baba nito. Kita niya ang mga butil ng tubig na umaagos mula sa buhok nito pababa sa well-formed nitong katawan. Napalunok siya. She misses his body, every inch of it. Na-miss niyang maramdaman iyon, ang bawat yakap at halik nito. "What do you nee

  • After Divorce: I Married A Stranger    154

    "SOBRA NA ang ginagawa nila sa iyo, Naomi at hindi mo dapat hinahayaang itrato ka nilang bilang isang kriminal dahil wala kang kasalanan. You should take care of yourself dahil diyan sa dinadala mo at hindi mo dapat hinahayaang abusuhin ka nila," sermon sa kaniya ni Luna nang puntahan niya ito pagkagaling niya kay Jack. Nasa park sila malapit sa pinagtatrabahuhan ni Luna. Hanggang ngayon, naguguluhan pa rin siya sa mga nalaman niya. Ganoon ba kaliit ang mundo para pagtagpuin silang tatlo? Sa dami ng tao bakit si Christopher pa ang isa sa mga naging bahagi ng nakaraan ng kaniyang ina? Galit siya rito. Bahagya siyang yumuko. "P-pakiramdam ko marami pa akong malalaman sa mansyong iyon, Luna. Hindi pa ako pwedeng umalis dahil habang nandoon ako, mas madali akong makakagawa ng paraan para ibunyag ang lahat ng baho nila," seryosong balik niya. Bumuntong-hininga si Luna na halatang naiinis na sa kaniya. "Hanggang kailan? Paano kung mapahamak ka at ang baby mo? Kilala mo si Ivy at Levie a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status