Larkin POV
Minsan talaga, sa mga hindi inaasahang oras, doon mo maririnig ang mga bagay na hindi dapat naririnig.
Kanina, habang papunta ako sa hallway mula sa training area, napatigil ako sa tapat ng kuwarto ni Don Yanu. Bukas ang pinto. Kaunti lang naman, pero sapat na para marinig ko ang boses niya. At sa kabilang linya ng cellphone niya ay may narinig akong mga pamilyar na boses sa akin.
Si Bak at si Bok.
“Nasa Norzagaray na po si Khaliyah, boss,” rinig kong sabi ni Bak sa kabilang linya. “Tulad ng utos ni Amedeo, magbabakasyon daw siya roon ng limang araw. Hindi niya pinaalam kay Nolan.”
Ano naman kaya ang pinaplano ni Amedeo ay inutos niya sa asawa ko ‘yun?
“Anong dahilan naman ang inutos ni Amedeo ‘yon sa walangyang babaeng ‘yon?” tanong ni Don Yanu na halatang galit kay Khaliyah dahil sa pagkawala ng anak niyang si Yanna.
“Parusa ho kay Nolan. Siya ang napagalitan sa nangyaring kaguluhan sa event na nangyari,” sagot ni Bok.
“Ibig sabihin ay hindi si Khaliyah ang naputukan?” ta