Share

Kabanata 140

last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-23 21:51:45

Khaliyah POV

Isang tawag lang ni Amedeo, agad akong napaayos ng upo sa kama. Maaga pa lang, sinabihan na niya akong magbakasyon muna. “Kahit limang araw lang,” aniya habang seryosong-seryoso siya sa kabilang linya. Mabuti na lang at gising na ako nung tumawag siya. Kundi, lagot, ayaw pa naman niya na hindi agad nasasagot ang tawag. Kailangan, sa ilang segundo lang, sumagot ka agad kasi hindi na niya uulitin kapag nainis siya.

Tinanong ko kung bakit biglaan, kung anong meron. Pero ang sagot niya ay lubos kong kinatawa.

“Naiinis pa rin ako kay Nolan. Gusto kong layuan mo muna siya bilang parusa sa kaniya.”

Siyemopre, nung sinabi niya ‘yun ay tuwang-tuwa ako. Pero alam kong hindi ako puwedeng tumanggi, saka, bakit naman ako tatanggi e, ito nga ang gusto kong mangyari. Pag sinabi ni Amedeo ang kahit anong inuutos niya, kailangan kong sundin.

Sinabi pa niya na okay lang daw kahit saan ako magpunta, basta magsama raw ako ng limang tauhan. Mga trained soldiers, ganoon. Sinabi pa niya na huwa
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
zeki
aist.....hoping magkita na sila..and magkalinawan....
goodnovel comment avatar
Sab Vareigh
Buti nmn nakagnhawa ng konti s liyah
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 143

    Larkin POVGusto kong umalis ng bahay, iligtas si Khaliyah, kaya lang sinabi sa akin ni Don Yanu na hindi ako puwedeng lumabas ng mansiyon niya. Sa oras na lumabas at umalis ako, kalaban na rin daw ang turing niya sa akin.Napapaiyak na lang tuloy ako ng tahimik habang nakatitig sa kawalan, kabadong-kabado ako kasi alam kong matinik pagdating sa mismong labanan sina Bak at Bok. Kung inutos ni Don Yanu na patayin na si Khaliyah, gagawin nila kasi grabe talaga magbigay ng pera si Don Yanu.Ang problema kasi kay Don Yanu, naniwala agad siya na pinatay ni Khaliyah si Yanna. Dahil lang sa sinabi nila Bak at Bok na hindi naman kasama noon sa Baguio. Naniwala ang dalawang tangang iyon sa sinabi lang ni Amedeo.Napatingin ako sa hagdan nang makita ko si Don Yanu. Nakatingin siya sa akin habang hawak ang baril niya. Hindi ako natakot, kung mamamatay lang din naman ang dahilan nang pagsisikap kong maging malakas, mabuti pang tapusin na rin niya ako.Lumapit siya sa akin nang hindi ako kumikibo.

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 142

    Khaliyah POVNgayon na lang ulit ako nagising sa kuwartong ito. Tiningnan ko ang paligid ng lumang kuwarto naming ni Larkin sa bahay namin dito sa Norzagaray. Marami na palang alikabok, halatang hindi pumapasok dito sina Beranichi para mangialam ng gamit.Huminga ako ng malalim. Dinampot ko ang unan niya at saka ito niyakap.“Patay na ba siya? O buhay pa?”Itinapon ko ang tanong na iyon sa hangin habang nakatitig sa kisameng puro sapot na ng gagamba. Pero gaya ng dati, wala rin namang sagot. Hinila ko ang kumot at bumangon na. Naisip ko kasing linisin ang kuwarto naming ngayong araw para sakaling magbalik man siya, malinis at maayos pa rin ang bedroom namin. Paglabas ko sa kuwarto, naamoy ko ang nilulutong sinangag at pritong itlog sa kusina. Si Beranichi ang nadatnan kong naroon..“Tamang-tama, mag-almusal na tayo, Khaliyah,” nakangiting bati niya. “Sabi nga ni Ipe, sabik na sabik na siyang makasalo ka ulit sa pagkain.”“Sila Poge at Uda?” tanong ko.“Ayon, natutulog pa sa dati mong

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 141

    Larkin POVMinsan talaga, sa mga hindi inaasahang oras, doon mo maririnig ang mga bagay na hindi dapat naririnig.Kanina, habang papunta ako sa hallway mula sa training area, napatigil ako sa tapat ng kuwarto ni Don Yanu. Bukas ang pinto. Kaunti lang naman, pero sapat na para marinig ko ang boses niya. At sa kabilang linya ng cellphone niya ay may narinig akong mga pamilyar na boses sa akin.Si Bak at si Bok.“Nasa Norzagaray na po si Khaliyah, boss,” rinig kong sabi ni Bak sa kabilang linya. “Tulad ng utos ni Amedeo, magbabakasyon daw siya roon ng limang araw. Hindi niya pinaalam kay Nolan.”Ano naman kaya ang pinaplano ni Amedeo ay inutos niya sa asawa ko ‘yun?“Anong dahilan naman ang inutos ni Amedeo ‘yon sa walangyang babaeng ‘yon?” tanong ni Don Yanu na halatang galit kay Khaliyah dahil sa pagkawala ng anak niyang si Yanna.“Parusa ho kay Nolan. Siya ang napagalitan sa nangyaring kaguluhan sa event na nangyari,” sagot ni Bok.“Ibig sabihin ay hindi si Khaliyah ang naputukan?” ta

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 140

    Khaliyah POVIsang tawag lang ni Amedeo, agad akong napaayos ng upo sa kama. Maaga pa lang, sinabihan na niya akong magbakasyon muna. “Kahit limang araw lang,” aniya habang seryosong-seryoso siya sa kabilang linya. Mabuti na lang at gising na ako nung tumawag siya. Kundi, lagot, ayaw pa naman niya na hindi agad nasasagot ang tawag. Kailangan, sa ilang segundo lang, sumagot ka agad kasi hindi na niya uulitin kapag nainis siya.Tinanong ko kung bakit biglaan, kung anong meron. Pero ang sagot niya ay lubos kong kinatawa.“Naiinis pa rin ako kay Nolan. Gusto kong layuan mo muna siya bilang parusa sa kaniya.”Siyemopre, nung sinabi niya ‘yun ay tuwang-tuwa ako. Pero alam kong hindi ako puwedeng tumanggi, saka, bakit naman ako tatanggi e, ito nga ang gusto kong mangyari. Pag sinabi ni Amedeo ang kahit anong inuutos niya, kailangan kong sundin.Sinabi pa niya na okay lang daw kahit saan ako magpunta, basta magsama raw ako ng limang tauhan. Mga trained soldiers, ganoon. Sinabi pa niya na huwa

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 139

    Khaliyah POVPagkababa pa lang namin ng sasakyan, para na akong binubugbog ng kaba na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung paano ako haharap kay Amedeo. Habang binabaybay ko ang hallway ng mansiyon, sunod-sunod ang tibok ng puso ko na parang may mga kabayong naghahabulan. Paulit-ulit kong iniisip na ako ang mapuputukan, ako ang masisisi sa nangyaring kaguluhan. Tinawagan ko ang pinakamahusay na event organizer, sinigurado ko ang bonggang setup, napakaayos ng cater, napakahigpit ng instruction ko sa mga staff. Pero nasira pa rin ang lahat.Hindi ko na rin sinabi ang nakita kong dalawang parang assassin sa puno, sure akong sila ang may kagagawan ng gulo kanina.Nang pumasok kami sa sala, naroon na si Amedeo. Nakaupo siya sa head seat ng malaking mahabang mesa, habang hawak-hawak ang isang baso ng alak. Nang makita ako, agad akong yumuko at lumapit sa kaniya.“I’m sorry po... I’m really, really sorry po sa nangyari,” sabi ko habang halos pabulong na ang boses ko dahil sa nerbiyos n

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 138

    Larkin POVPagbalik namin ni Rafe sa mansiyon ni Don Yanu Vanguardia, ramdam ko agad ang kakaibang saya sa paligid. Pagbaba pa lang namin ng motor, sumalubong na ang mga tauhan ni Don Yanu. Nakangiti sila na parang alam na agad ang nangyari sa swimming pool resort. Hindi pa man ako nakakahinga nang maayos, bigla na lang lumabas si Don Yanu mula sa loob ng mansiyon, bitbit ang isang basong wine.“Excellent work,” bungad niya habang tapik-tapik ang balikat ko at balikat ni Rafe. “You two exceeded my expectations. That was exactly the kind of humiliation I wanted Amedeo to suffer.”Tahimik lang ako habang pinapanood siyang nakangiti. Si Rafe naman, pangal-pangal pa rin ang manok, patay-gutom talaga, kahit nasa manisyon na kami, dala-dala pa iyon.“Grabe po, Don Yanu, the way those Chinese investors stormed out of the party? That was gold,” natatawang sabi ni Rafe, sabay tapon ng buto ng manok na tapos na niyang kainin.“Dapat tayong magsaya dahil sa galing ninyong dalawa, hindi ninyo ako

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status