DHALIA's POV
Ang magising na katabi si Henri ay isang pribilehiyo na hindi ko inakala na mararanasan ko. Mahimbing siyang natutulog, ang dibdib niyang matipuno ay banayad na tumataas-baba sa bawat hininga. Para siyang isang obra maestra ng Maykapal—sobrang gwapo, sobrang perpekto.
Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Hindi ko napigilang yakapin siya at isiniksik ang mukha ko sa kanyang dibdib. Ang init ng katawan niya, ang bango niya—nakakabaliw.
Jusko, Dhalia, magtigil ka!
Hindi ko rin mapigilan ang sarili kong mapaisip. Ang lalaking ito, na imposible sanang maging akin, minahal ako. Ako. Sa dami ng babaeng puwedeng piliin ng isang Henri Garciaz, ako ang pinili niya.
Nakangiti akong bumuntong-hininga. Napakaswerte ko talaga.
Bago pa tuluyang lumalim ang kapilyahan sa isip ko, bumangon ako mula sa kama at lumabas ng silid upang maghanda ng almusal.
Habang abala ako sa kusina, lumabas si Nanay mula sa kanyang silid.
"Dhalia, anak, bakit parang ang saya-saya mo ng