BE MY WIFE

BE MY WIFE

last updateLast Updated : 2025-04-01
By:  MelodiaOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
31Chapters
782views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Para kay Dhalia Augustine Madrigal, ang buhay ay isang serye ng pagsubok—lalo na nang tanggapin niya ang trabahong maging sekretarya ng malupit at istriktong bilyonaryo, si Henri Yanno Garciaz. Habang lahat ng naunang sekretarya ay hindi nagtagal, siya lang ang nagtiis at nakasabay sa ugali nito. Ngunit hindi niya inasahan na ang trabahong ito ang magdadala sa kanya sa isang alok na magpapabago sa kanyang buhay. Isang kasal kapalit ng sampung milyong piso. Para kay Henri, si Dhalia ang perpektong sagot upang makaiwas sa isang sapilitang kasal sa kanyang unang pag-ibig. Ngunit sa kabila ng kasunduang iyon, hindi niya maitanggi ang lumalalim niyang damdamin para sa babaeng laging naroon para sa kanya. Unti-unting nagbago ang kanilang relasyon, at sa kabila ng mga pagsubok, natagpuan nila ang tunay na kaligayahan sa isa’t isa. Ngunit sa isang iglap, nagbago ang lahat. Isang rebelasyong nag-ugat sa nakaraan ang gumulo sa buhay ni Dhalia—isa pala siyang Lim, kapatid ng dating minahal ni Henri. At ang mas matinding dagok, isang larawan ang sumira sa kanilang tiwala—isang larawan na nagpatunay na may ibang babae si Henri. Sa gitna ng sakit at kahihiyan, pinili niyang lumayo, dala ang lihim na siya rin ay nagdadalang-tao. Limang taon ang lumipas, at sa kabila ng pagtatago ni Dhalia, hindi siya tinantanan ng lalaking minsan niyang minahal. Ngayon, muling bumalik si Henri sa buhay niya, handang patunayan ang isang bagay—na sa kabila ng lahat, si Dhalia lang ang babaeng nais niyang makasama habambuhay. Ngunit sapat ba ang pagmamahal upang paghilumin ang sugat ng nakaraan?

View More

Chapter 1

Chapter 001

DHALIA's POV

Tahimik ang conference room ng Garciaz Clothing Line Company habang seryosong tinatalakay ang bagong proyekto. Nakaupo si Sir Henri Yanno Garciaz sa gitna ng mahabang lamesa, nakikinig sa bawat presentasyon. Seryoso ang ekspresyon niya, tulad ng dati—pero bakit parang pakiramdam ko, nakatitig siya sa akin?  

Malamig ang aircon, pero parang ang init-init ng pakiramdam ko.  

Pinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mga papeles, pilit na hindi iniisip ang nararamdaman kong kaba. Dapat, mag-focus ako sa trabaho. Pero paano kung ang boss mong sobrang gwapo ay nasa tabi mo?  

Lihim akong napalunok. Matangos ang ilong niya, parang hinulma nang perpekto. Ang light brown niyang mga mata ay laging seryoso, pero may kung anong lalim, na para bang may gustong ipahiwatig. Makapal ang kilay niya, at ang buzz cut niyang buhok ay lalong nagpapatingkad sa matikas niyang panga. 

Napakagat-labi ako. Diyos ko, bakit ko iniisip ‘to sa gitna ng meeting?! 

Napalunok ako nang mapansing parang nakakunot nang bahagya ang noo niya. Tiningnan ba niya ako? O guni-guni ko lang?  

Kailangan kong makawala saglit.  

Tumayo ako para kuhanin ang kape niya. Mabilis ang kilos ko, nagmamadali at doon ako nagkamali. Hindi ko napansin ang nakaharang na bag sa sahig.  

"Ay—!"    Wala na akong nagawa. Nadulas ako, at sa isang iglap, bumagsak ang mainit na kape…  

…diretsong tumilapon kay Sir Henri.  

Diyos ko. 

Nanlaki ang mata ko. Nanlaki rin ang mata ng lahat ng nasa conference room. Isang malakas na hininga ang sabay-sabay na lumabas sa mga empleyado.  

Bumagsak ang katahimikan.  

Ako? Hindi makagalaw. Hindi makapagsalita.  

Pinatay ko na ba ang career ko?  

“Sir… ako po ay… pasensya na po!” tarantang sabi ko, hindi alam kung paano babawiin ang nangyari.  

Handa na ako sa sasabihin niya. Baka pagsabihan ako. Baka pagalitan. Baka sisantehin.

Pero hindi.  

Imbes na sumigaw, nakita kong pigil ang isang ngiti sa mga labi ni Sir Henri. Sinulyapan niya ang nabasang damit niya at saka ako tiningnan.  

Oh my god. Bakit ang gwapo pa rin niya kahit nabasa siya ng kape?!  

"Huwag kang kabahan," mahinahong sabi niya. "Hindi naman ito katapusan ng mundo."  

Napakurap ako. Ha?  

Nagkatinginan ang ibang empleyado. Parang hindi sila makapaniwala. Walang sigaw? Walang sermon? Wala man lang bahid ng pagkainis?  

Sa gilid, nakangiti si Atty. Dennis Adaza, ang matalik niyang kaibigan at abogado.   “Mukhang may espesyal na trato ang sekretarya mo, ah,” pang-aasar nito.  

Lalong uminit ang pisngi ko. “Sir, papalitan ko na lang po ‘yung damit n’yo—”  

“Walang problema,” putol niya, itinupi ang manggas ng nabasang damit. “Pero kung gusto mong bumawi, may isang bagay kang maaaring gawin para sa akin.”  

Napatingin ako sa kanya nang may pagtataka. “Ano po iyon, sir?”  

Nang magtama ang mga mata namin, may kung anong kakaibang init akong naramdaman. Parang bumagal ang oras.

“Mamaya, Dhalia. Tatapusin lang namin ‘to." 

Nang natapos ang meeting at  nagsialisan ang lahat ay diretso nitong pinakawalan ang mga salitang muntik nang ikahimatay ko. 

“Magpakasal tayo, Dhalia.”

Parang huminto ang mundo ko.  Ano raw?!

Napasinghap ako. Hindi ko alam kung tama ang narinig ko.

Baka nagkamali lang ako ng pandinig?  

“Ano po?” halos pabulong kong tanong.  

Diretso siyang tumingin sa akin. “Gusto kong ikaw ang pakasalan ko.”  

Parang nawalan ako ng lakas. Hindi ako makahinga. Hindi ako makagalaw.  

Hindi. Hindi ito totoo. Hindi puwedeng ganito na lang basta! 

“T-Teka lang po, Sir…” Umiling ako, naguguluhan. “Kasal? Ako? Kayo?”  

Tumango lang siya, walang pag-aalinlangan.  

“Pero… bakit po?”  

Nagtagal ang tingin niya sa akin, parang pinag-iisipan kung paano ipapaliwanag. “Dahil kailangan ko ng asawa. Para hindi makasal sa ibang babae.”  

Wow. Very romantic. Pero hindi ko iyon nasabi. Mas lalo lang akong nalito.  

“Ibig sabihin po, contract marriage?” tanong ko, pilit na iniintindi ang sitwasyon.  

“Pwedeng sabihin na gano’n,” sagot niya. “Pero hindi lang ‘yon.” 

Napakunot ang noo ko. “Hindi lang ‘yon?”  

“Matagal ko nang alam na ikaw ang gusto kong pakasalan, Dhalia. Kapalit naman ng sampung milyon.”  

Teka lang. ANO RAW?!

Parang nag-shutdown ang utak ko. Anong ibig niyang sabihin? Oo nga’t labis pa sa kinakailangan kong pera ang sampung milyon pero sa katotohanang magpapakasal kami? Bakit ako?!

“Sir…” Napalunok ako. “Sigurado po ba kayo?”  

“Wala akong ibang gustong pakasalan kundi ikaw.”  

Tila may bumagsak na bomba sa loob ko. Hindi ko na alam kung normal pa ang tibok ng puso ko.  

“Pero—”  

“Walang pero, Dhalia.” Lumapit siya, sapat lang para maramdaman ko ang init ng presensya niya. “Alam kong gulong-gulo ka ngayon, pero gusto kong pag-isipan mo ‘to.”  

Nagkatitigan kami. Ramdam kong seryoso siya.  

“Ikaw ang gusto kong maging asawa,” ulit niya, mas madiin.  

Napakurap ako, halos hindi makasagot.  

Ako? Ikakasal?  

Kay… Sir Henri?!

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Middle Child
highly recommended
2025-03-15 17:21:40
0
user avatar
Mairisian
Highly recommended 🫶🏼
2025-03-13 01:42:41
1
default avatar
melodiawp
🩷🩷🩷🩷🩷🩷🩷🩷🩷🩷
2025-03-13 00:35:22
1
31 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status