Third Person's Point of View
"Nandiyan na ba sila?" kaagad na tanong ni Taylor habang nakatingin sa apat na bodyguards na siyang inutusan niyang tumingin kina Kirstie. Ganoon nalang ang pagngiti ni Taylor nang makitang tumango na ang isa sa mga bodyguards.
"Pakitawag muna sa mag-ina ko. Alalayan mo, Rick," utos pa ni Taylor na siyang kaagad na ikinatango ng bodyguard.
Sa kabilang banda, halos hindi naman maipinta ang mukha ni Rachel dahil sa kahihiyan na natatamasa niya kanina. Gusto man niyang magpakitang hindi siya naaapektuhan ay mas nangibabaw ang kahihiyan na nararamdaman niya dahilan para hindi na niya magawang makipagsabayan sa mga kaibigan niya.
Si Kirstie at Allyson naman ay halos mapahagalpak na ng tawa. Nagpipigil lang sila at baka ibang kahihiyan na naman ang magawa ng kaibigan sa kanila.
"Mrs. Miller," biglaang wika ng bodyguard na siyang kaagad na ikinalingon nila sa lalaki. Si Kirstie na narinig iyon ay napapangiwi na samantalang si Rachel ay halos manlisik na ang mata.