Aye's POV (Back to Her POV)
Dahan-dahan kung minulat ang aking mga mata. At ang abaka na bubong ang unang bumungad sa akin. I looked around, at bahagya pang napakunot ang noo ko ng mapagtantong nasa kubo ako ngayon kung saan kami pansamantalang nanunuluyan ni Jace. Sinapo ko rin ang aking noo ng maramdaman ang muling pagkirot noon, then I suddenly remembered what happened earlier. I passed out.
Susubukan ko sanang umupo mula sa pagkakahiga, pero napatigil ako nang mapatingin kay Jace na nasa gilid lang ng kama habang hawak ang kamay ko. Hindi ko siya agad napansin. She was sleeping peacefully. Sinubukan kong alisin ang kanyang kamay nang maingat at walang ingay. Pero mukhang wrong move ata ‘yon dahil nagising ko lang siya, nag-angat ito ng ulo mula sa pagkakayukod at bahagya pa niyang kinusot ang mata.
Nang mapatingin siya sa akin at makita akong nakatingin sa kanya, agad na nanlaki ang kanyang mata na para bang nagulat siya ng makitang gising ako. “Omygosh! You're awake!" tili niya a