Cari
Pustaka
Beranda / Romance / Chasing Aye: Chasing Series 01 / Chapter 6

Chapter 6

Penulis: Bluetot1
2025-01-24 11:00:12

Sunday today kaya walang pasok at kanina pa ako nandito saking kwarto, hindi ako lumabas mula kanina. Apat na araw narin simula ng hindi na kami nag uusap ni papa dahil sa sagutan namin. 

Hanggang ngayon ay nagtatampo pa rin ako sa kanya. Hindi naman natuloy ‘yon, pero nagtatampo parin ako. Kinausap niya kasi ako nakaraan kung papayag ba raw ako na palitan ang apelyido ni Almirah para maging magka apelyido kami at maging magkapatid on paper.

Nagkasagutan kami dahil ron, sinabi ko kasi kay papa na bakit kailangan pang palitan ang apelyido niya, eh hindi ko naman siya totoong kapatid. Hindi parin ba sapat para sa kanila na payapa silang nabubuhay dito samin na parang mga reyna, hindi paba sapat sa kanila na nakatira sila rito? 

Bakit kailangan pang palitan ang apelyido niya? At maging magka apelyido kami? Hindi pa ba siya nakuntento na halos nasa kanila ng dalawa ng mama niya ang attention ni papa?

Noung una masaya ako na nandito sila, pero kalaunan noong mga dalawang linggo nila dito ay nagsimula ng magbago ang lahat. Parang may naging malaking harang na sa pagitan namin ni papa na halos sa isang linggo na lang kami kung mag-usap at kung minsan ay sandali lang. 

“ Alam niyo ba ma'am, Aye yang si Almirah akala ko mabait talaga mukha kasing mabait pero kanina ma'am sinungitan raw sila ate Beth at sinigawan, sinabihan pa raw na tanga dahil lang sa mali ang nabigay na pagkain.” Pag kwento ni Allen sakin habang naglilinis,at ako naman ay nakikinig lang.

Lagi niyang kinu-kwento sakin ‘yan, kung gaano ka m*****a at sama ng ugali ng dalawang mag-ina. Hindi naman ako komontra roon dahil naniniwala ako sa sinasabi niya. Naging malapit sakin si Allen, natutuwa rin ako sa kanya dahil sa kadaldalan at kakulitan niya minsan. At sa halos araw-araw niya ang pagpunta dito ay hindi siya nawawalan ng ma Ikwe-kwento sakin, kaya halos alam ko na ang kalahati ng nangyari sa buhay niya.

Hindi ko rin alam kung napapansin ni papa ang ugali ng dalawang mag-ina na‘yon, pero sa hula ko ay hindi. Dahil kapag nandyan si papa ay daig pa nila ang parang mga santo sa subrang bait. 

Hindi naman nila makuhang magsungit pag andyan ako, dahil alam nila na isusumbong ko sila kay papa. At kayang -kaya ko sila palayasin sa bahay ano mang oras ko gusto. Muntikan na nga rin kami mag- away ni Almirah, dahil balak pa akong siraan kay papa at pag mukhaing masama. 

Good thing that papa doesn't believe in her.

Nangunot ang noo ko at napatingin sa pintoan na pinag labasan ni Allen, inutusan ko kasi siyang kumuha ng pagkain na kakain namin para sa panonoud, inaya ko kasi siyang samahan akong manood ng movie, pumayag siya. Mag isang oras na pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. 

Lumabas ako ng silid at napag pasyahan na sundan siya at upang kumuha narin ng chocolate fudge sa ref. Pagkababa ko ay may narinig akong nagsisigawan.

“ Sabi ng ikuha mo ako ng maiinum eh.” Sigaw ng kung sino na nagmumula sa kusina. 

“ Ma'am, pasensya na pero bilin po kasi talaga ni ma'am Aye na bawal akong tumanggap ng utos mula sa iba, liban nalang sa kanya at kay sir Austin.” mas nangunot ang noo ko ng marinig ang mahina at tila takot na pamilyar na boses na ‘yon.

“ Wala akong pakialam. Saka amo mo rin naman ako.”

“ Pero ma'am bawal po talaga.” 

“Bawal? Oh baka naman nag rarason ka lang para hindi kita mautosan.” 

Pagka pasok ko ng kusina ay kita ko agad ang eksena. Hindi nila naramdaman ang presensya ko kaya naman pinanood ko ang magaling kung hilaw na Kapatid.

Ng makita ko ang malakas niyang pag tulak kay Allen ay doon na ako umeksina. 

“ At ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” Sinadya kong lakasan ang aking boses.

Hindi niya ako nilingon pero kita kong ang ginawa niyang pag gulo sa kanyang buhok at pag salampak sa sahig. 

Lumapit ako sa kanila, una kong tingnan si Allen na ngayon ay dahan-dahang pinag-paganan ang sarili bago tumayo sa gilid habang nakatingin sakin. Halatang galing sa pag iyak dahil sa pamulah ng kanyang maliit na matangos na ilong, namumula rin ang kanyang kanang pisngi na kung saan may bakat ng kamay. Mukhang sinampal siya. 

Napa tiim bagang ako. 

Pinakalma ko ang aking sarili. “ Anong nangyari dito?” 

Na kay Allen ang aking tingin habang nagsasalita, pero imbes na siya ang sumagot ay…

“ She pushed me ate…” Sabat ni Almirah na ngayon ay nakasalampak sa sahig. Kung hindi ko lang nakita ang ginawa niya kanina ay iisipin ko talaga na tinulak siya ni Allen, pero dahil sa nakita ko at kilala ko si Allen hindi niya ako mapapaniwala. 

I raised my brow at her. “ And why would she push you?” 

I saw her gulp, “ Inutusan ko lang naman siyang ikuha ako ng tubig eh pero bigla siyang nagalit at tinulak ako." 

“ Nako ma'am, hindi po yan totoo. Kilala niyo po ako, hinding-hindi ko po gagawin yan?” Depensa ni Allen. 

Hindi ko siya nilingon at natili ang tingin kay Almirah na nag sisimulang manubig ang mata. Gosh she's a fucking great actress, gusto ko tuloy hilain ang buhok niya sa subrang inis sa pag arti niya. 

Sa subrang galing ay pwede na siyang bigyan ng Oscar award. 

“ Wala ka bang kamay?” Tanong ko.

“ Huh?" 

“ Ang sabi ko ay wala ka bang kamay?" Pinigilan kong huwag sumigaw

“ Meron naman at—” Mabilis kong pinutol ang dapat na sasabihin niya.

“ Meron naman pala.Bakit hindi ikaw mismo ang kumuha ng tubig na pinag uutos mo? Baldado ka ba?” Tuloyan na akong napa sigaw sa inis. 

“ At siguro naman aware ka na kapag person maid ko ay hindi pwedeng utosan ng kahit na sino, liban sakin. Hindi siya pwedeng tumanggap ng utos sa ibang tao, dahil ako ang amo niya, at ako ang nagpapasahod sa kanya. ” Puno ng diin sa bawat salita ko to make it clear.

“ Siguro naman ay alam mo ‘yon? Dahil paniguradong sinabi na ayon sa inyo ni papa.” I added.

“ Pero tinulak niya ako “ She reason out. 

“ Stand up.” Pagpapa tayo ko kay Almirah.

Nagmumukha kasi siyang nanlilimos sa itsura niya ngayon.

“ Hindi ako tatayo dito hanggat hindi siya nag s-sorry sa ginawa niyang pag tulak sakin.” Pagmama tigas niya. 

I looked at Allen, na ngayon ay gulat na nakatingin kay Almirah. 

“ Is that true?” Mabilis siyang umiling sa naging tanong ko.

“Standup, Almirah. Because you look like stupid.” Sa sinabi kong ‘yon ay naging mabilis ang pag tayo niya.

“ Almirah, anak.” 

Napa-irap ako sa kawalan ng biglang pumasok sa iksena si Ayme na kasama si papa, na ngayon ay puno ng tanong na nakatingin sakin.

“Naiintindihan ko naman na hindi mo matanggap si Almirah bilang kapatid mo Aye, pero hindi mo naman kailangan na pagsabihan siya ng masakit na salita at awayin.” She said as she help her stood up.

“ Your daughter was the one who started it.” I shot back.

“ Kilala ko ang anak ko.” She replied.

“ Will, yes your right. Kilala mo ang anak mo dahil magka ugali naman kayo.”

Nanlaki ang mata niya na napatingin sakin sa sinabi ko.

“ At para sa kaalaman mo. Inutusan ng anak mo itong si Allen na personal maid ko ng tubig—”

“ Inutusan lang naman pala hija, eh diba ‘yon naman gawain ng mga kasambahay? Ang pag lingkuran ang amo nila?” Sa sinabi niyang ‘yon ay mas lalo akong nainis.

“ Bakit? Baldado ba ‘yang anak mo para pag lingkuran?” Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko, hindi agad siya nagkapag salita.

“ Tinulak niya ako mama. At gusto kong mag sorry siya sakin.” Parang batang nagsusumbong na aniya ni Almirah.

Sa inis koy nilapitan ko siya at saka walang pasabi na malakas na tinulak na ikinasalampak niya sa sahig at ikalaglag ng kanyang panga.

“Sorry.” I raised my brow. “Ayan totoo na ‘yan, kasi ako na mismo ang nag tulak sayo. Siguro naman ay tatahimik ka na.” I mock her.

“ Austin, nakita moba ang ginawa ng anak mo sa anak ko?” 

Nilingon ko si papa, “ Nakita ko ang dapat kung makita papa. At kilala mo ako.” 

Napa hugot ito ng malamim na hininga. “ Kilala ko rin ang a

nak ko, Ayme. She's not a type of girl who would pick nor start a fight without any good reason. 

Sa sinabing yon ni papa ay hindi ko maiwasang hindi mapangisi sa kanila.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi