‘Yong akala kong isang pagkakataon lang na maririnig ko ang ganoong mga salita mula sa ka-officemates ko ay biglang naging routine na sa loob ng dalawang linggo. Sa tuwing darating ako, sa tuwing makikita nila akong lumalabas ng opisina namin, sa tuwing nagla-lunch ako sa canteen ng central, nakikita kong napapatingin sila sa akin at biglang magbubulong-bulongan.
Gusto ko mang palampasin, hindi naman maatim ng konsensiya ko ang mga naririnig kong salita na tungkol sa akin. Hindi ko gusto ang atensiyong nakukuha ko mula sa kanila.
May ibang tao naman na nakikipag-usap sa akin pero hindi ko tuloy mawari kung totoo ba iyon o nangangalap lang ng impormasiyon.
“Gusto mo, isumbong na natin sa HR dept. ito?”
Napabuntonghininga ako sa sinabi ni Shame at pagak siyang nginitian nang lingunin ko siya.
“’Wag na, mas lalala lang ang usapan kapag nagsumbong pa ako