เข้าสู่ระบบAylana Rommelle A. Encarquez is a nobody, a no one. Can she be a somebody to the man of her life?
ดูเพิ่มเติมNagising ang diwa ko dahil sa isang masigabong palakpakan na narinig ko. Napa-iktad ang buo kong katawan kaya wala sa sarili akong napa-palakpak na rin habang iginagala ang tingin sa paligid.Ano na ang nangyayari?Wala na ‘yung katabi ko pero may tao pa naman sa round table namin. Si Engr. Sonny lang talaga ‘yung wala.Itatanong ko na sana sa isang katabi ko nang bigla kong nakita siya sa may harapan ng venue. ‘Yung puwesto kung saan namamalagi ang mga speaker ng seminar na ito.Anong ginagawa niya roon?May ka-usap siya na isa ring lalaki pero ang direksiyon ng kaniyang ulo ay naka-direkta sa puwesto ko. Hindi ko lang alam kung sa akin ba talaga siya nakatingin pero parang, wala naman kasi sa ka-usap niya nakatuon ang kaniyang tingin, mukhang sa direksiyon ko talaga.O baka malabo lang talaga itong mata ko? Kaonting pagbababad sa computer
Handa na ang mga gamit ko. Handa na ang sarili ko. At nasa airport na kami ngayon, kasama ko si Engr. Sonny.Halata namang may bahay talaga itong si Engr. Sonny sa Manila at puwedeng-puwede siyang ma-una sa akin sa pag-alis pero bakit sinamahan niya ako?Ah, para siguro hindi ako maligaw. Malaki ang Metro Manila. Oo nga naman, Ayla, kung anu-ano 'yang iniisip mo!“Is this your first time riding a plane?” biglang tanong ni Engr. Sonny sa akin habang nakiki-linya kami para raw sa check-in ng aming gamit at ticket. Air Asia ‘yong sasakyan namin kasi nga ‘yon ‘yong nakalagay sa plane ticket at itenerary ko.Tumango ako kay Engr. Sonny. Nasa likuran niya ako pero nakaharap ang katawan niya sa akin.“So I assume that it’s your first time sa Manila?” follow-up na tanong niya matapos kong tumango sa unang tinanong niya.
Nagpatuloy ang buhay. At patuloy itong magpapatuloy habang-buhay.Ilang linggo ulit ang lumipas. ‘Yong trabaho namin, hindi madali. Pero the best thing that happened is nawala ‘yong chismis tungkol sa akin. Parang balik ulit sa dati, Aylana Encarquez does not exist again. And gusto ko ‘yon.“Ayla, pa suyo naman… pakidala naman ito sa office ni Engineer Sonny. Sabihin mo lang na papipirmahan lang natin. Okay lang ba? Kailangan ko pa kasing tapusin ‘tong ginagawa ko.” Lumingon si Shame sa akin at may inabot na isang folder.“Okay…” sagot ko sabay abot no’ng folder at iniwan sandali ang cubicle ko.Nang makalabas sa opisina, inayos ko nang bahagya ang buhok ko at kumatok sa opisina ni Engr. Sonny. Nang makapasok, agad kong nakita ang iilan sa staff ni Engr. Sonny na abala sa kani-kanilang mga trabaho, sa kani-kanilang table.&nbs
‘Yong akala kong isang pagkakataon lang na maririnig ko ang ganoong mga salita mula sa ka-officemates ko ay biglang naging routine na sa loob ng dalawang linggo. Sa tuwing darating ako, sa tuwing makikita nila akong lumalabas ng opisina namin, sa tuwing nagla-lunch ako sa canteen ng central, nakikita kong napapatingin sila sa akin at biglang magbubulong-bulongan.Gusto ko mang palampasin, hindi naman maatim ng konsensiya ko ang mga naririnig kong salita na tungkol sa akin. Hindi ko gusto ang atensiyong nakukuha ko mula sa kanila.May ibang tao naman na nakikipag-usap sa akin pero hindi ko tuloy mawari kung totoo ba iyon o nangangalap lang ng impormasiyon.“Gusto mo, isumbong na natin sa HR dept. ito?”Napabuntonghininga ako sa sinabi ni Shame at pagak siyang nginitian nang lingunin ko siya.“’Wag na, mas lalala lang ang usapan kapag nagsumbong pa ako
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.