Elara
Nakatitig ako sa mukha ni Alexander habang kinukumutan niya ako. It was really nice to him again.
"Bakit nakatitig sa mukha ko, Elara? May dumi ba sa mukha ko?" nagtatakang tanong ni Alexander sa akin.
Sa halip na sagutin agad ang tanong niya ay pinalapit ko ang mukha niya sa akin at ipinalibot ko sa leeg niya ang aking mga braso.
"I want to say thank you for saving my life," sinserong pasasalamat ko sa kanya.
Bahagyang ngumiti sa akin si Alexander at marahang pinisil ang isa kong pisngi. "It's what I should do. Matulog ka muna at magluluto lamang ako ng pagkain natin. I will wake you up pagkatapos kong magluto."
Akmang aalisin na niya ang nakapulupot kong braso sa kanyang leeg ngunit hinigpitan ko lamang ang pagkakayakap sa leeg niya. Nakakunot ang noo na tinitigan niya ako.
"I miss you, Alexander." Biglang lumamlam ang aking mga mata sa pagkakatingin sa kanya. Nakita kong gumalaw pataas-pababa ang kanyang adam's apple nang lumunok siya ng laway. Para bang pinipigilan niya ang