Elara no longer believed in love after an embarrassing scandal happened in her senior high school days. When her mother asked her to marry her friend's son to bear an heir for them in exchange for paying for her father's heart disease treatment, she slightly hesitated but eventually accepted it. In her mind, she would marry that man, and after she gave birth to an heir for them, she would get a divorce and live by herself again. But on their wedding day, she was surprised to see that her husband-to-be was none other than Alexander Reed, her long-time crush who had shattered her heart into pieces in front of their schoolmates. How could she face the man who hurt her and now thinks of her as a gold digger? Would love grow in their hearts, or would the prejudice to each other tear them apart?
Lihat lebih banyakElara Pov
Bahagyang inunat ko ang aking mga braso habang nakaupo ako sa aking upuan sa loob ng opisina ko. Isa akong fashion illustrator sa maliit ngunit rising company na itinayo ko kasama ang business partner at gay best friend kong si Liam. Three years pa lang ang kompanya namin ngunit nagawa naming makagawa ng sarili naming pangalan sa mundo ng fashion. "Are you done, my dear?" Pumasok sa loob ng opisina ko si Liam at tiningnan ang mga sketches ko ng gown na isusuot ng isang sikat at kilalang actress sa bansa. I was thrilled that this actress chose me over other famous designers to design sa isusuot nitong gown sa isang awards night. Nagustuhan kasi nito ang dalawang gown na isinuot ng dalawang candidates sa katatapos na local beauty pageant na ipinalabas sa telebisyon kaya kinontak ako ng manager nito para magpagawa ng dalawang gown na isusuot nito sa award night. "I'm done. Check mo kung pasado ba sa'yo or kung may dapat bang baguhin bago natin i-present sa client ang mga sketches ko," sabi ko sa kanya. Tumayo ako at nagtungo sa pantry area para magtimpla ng kape dahil medyo inaantok ako. Gusto ko sanang matulog saglit ngunit hindi maaari dahil may isabpa akong dapat na iguhit na para sa isang napakaimportanteng contest. "Oh my goodness, Elara! Ano bang klaseng mga kamay ang mayroon ka? This designs are very unique and beautiful. Tiyak na luluwa ang mga mata ng audience kapag nakita nilang suot ito ng client natin," puri ni Liam sa akin. Hindi maitago sa kanyang boses ang paghanga para sa aking mga designs. Ito siguro ang dahilan kung bakit kahit maliit lamang ang aming kompanya ay nakagawa na agad kami ng pangalan sa industry. Because of my unique and beautiful creations. "Kung wala ka nang nais pang baguhin o idagdag ay makipagkita ka na sa manager ng ating client para madala na iyan sa seamstress at ma-secure na rin ang payment sa mga gown na iyan." Itinaboy ko na siya para makapag-start ulit akong mag-drawing. "Wala na akong babaguhin o idadagdag pa sa drawing mo, my dear. Baka kapag ginawa ko iyon ay makasira pa sa design." Dinampot ni Liam ang tatlong design ng gown na iginuhit ko bago lumapit sa akin at nag-beso sa aking pisngi. "Hindi magtatagal ay nakikita ko na magiging milyonaryo tayong dalawa. Kaya huwag ka munang mag-aasawa, okay?" Saglit akong natigilan nang marinig ko ang huling sinabi ng kaibigan ko. May isang taong nais pumasok sa aking isip ngunit mabilis kong ipinilig ang aking ulo para hindi ito makapasok. Hindi ito worth it na pag-aksayahan ng kahit isang segundo lamang. Pagkalabas ni Liam ay kinuha ko mula sa isa kong bag ang aking espesyal na lapis at sketch pad para iguhit naman ang design na isasali ko sa contest. Ngunit hindi pa ako nakakapagsimula sa pagguhit nang tumunog ang cellphone ko na nakapatong lamang sa ibabaw ng table ko. Akmang kukunin ko na ang cellphone para sagutin ang tumatawag nang mapahinto ako at saglit na hindi malaman kung ano ang gagawin nang makita ko ang pangalan ng taong tumatawag sa akin. After three years ay ngayon lang niya ako tinawagan. At sa tingin ko ay hindi niya ako tatawagan kung hindi importante dahil hindi niya lulunukin ang pride niya para tawagan ako at kamustahin lang. Nanginginig ang kamay na dinampot ko ang cellphone ko at pinindot ang accept button. "H-Hello, M-Ma." Halos hindi lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon. Bigla kasing nagkaroon ng bikig sa aking lalamunan kaya parang may pumigil sa aking pagsasalita. "Pumunta ka sa hospital ngayon din, Elara. Your father needs you. Nasa critical siyang kalagayan," seryoso at malamig ang boses na sagot sa akin ng aking ina sa kabilang linya. Naikuyom ko ang aking kamao. Ang hula ko ay nasa hospital na naman ang aking ama. Consistent na sa hospital ang aking ama dahil may sakit ito sa puso. At mas lumala ang sakit nito matapos ang nakakahiyang eskandalo na nangyari noon sa akin. Ang eskandalo na naglayo sa akin at sa mga magulang ko. Ang eskandalo na ayaw ko nang balikan sa aking alaala dahil nagdudulot lamang ito ng matinding sakit at pagkapahiya. Hindi nagtagal ang pag-uusap namin ng aking ina sa cellphone. Agad na nitong pinutol ang linya at pagkatapos ay nag-send na lamang ito ng pangalan ng hospital kung saan naka-confine ang aking ama. I was a daddy's girl before that scandal happened. Kaya naman nang nalaman ko na nasa hospital siya ngayon at nasa critical na kalagayan ay agad akong umalis sa opisina ko at nagtungo sa hospital. Malapit lang ang hospital na pinagdalhan ng Mama ko sa aking ama kaya wala pang thirty minutes ay nasa harapan na agad ako ng hospital. Ipinarada ko muna sa maayos na lugar ang second hand kong kotse bago ako naglakad papasok ng hospital. Agad kong nahanap ang room kung saan naroon ang aking mga magulang. At parang dinurog ang puso ko nang makita ko ang nakakaawang hitsura ng aking ama. Maputlang-maputla ito at sobrang payat habang maraming nakakabit na kung ano-anong apparatus sa katawan. "'Pa," mahina ang boses na sambit ko habang dahan-dahang lumalapit sa kinahihigaan ng aking ama. Nakapikit ang mga mata nito at hindi ko alam kung aware ba siya sa presence ko. Hindi ko napigilan ang mapaiyak at marahan siyang yakapin. Awang-awa ako sa kanya. "Magmula nang umalis ka sa bahay ay mas lalong lumala ang sakit ng ama mo. Hindi sapat ang perang ipinapadala mo sa bank account ko para matugunan ang lahat ng pangangailangan niya. Ayaw niyang ipaalam ko sa'yo dahil alam niyang mag-aalala ka sa kanya," sabi ng aking ina. Mariin akong napapikit sa klase ng kanyang tono. Ang aking ina na mapagmahal sa akin noon ay parang estranghera kung kausapin ako ngayon. Pinahid ko ang aking mga luha at tumayo para kausapin ang aking ina. "Ano ang sabi ng doktor? May pag-asa pa bang madugtungan ang buhay ni Papa?" Gustong-gusto kong yakapin ang aking ina ngunit pinipigilan ako ng kalamigan na ipinapakita niya sa akin. Hanggang ngayon ay sinisisi pa rin niya ako sa nangyari kay Papa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako napapatawad sa kahihiyang ibinigay ko sa kanila. "Ang sabi ng doktor ay mayroon paraan para madugtungan ang buhay ng iyong ama. Iyon ay ang lagyan siya ng peacemaker sa loob ng kanyang dibdib. Ngunit ang peacemaker ay nagkakahalaga ng ten million pesos at sa ibang bansa lamang mayroon niyan." Hindi ko napigilan ang mapakunot ng noo habang nakatingin ako sa aking ina. Kalmado ang hitsura nito na para bang may naisip na itong paraan para makakuha ng ten million pesos. Ngunit kung may paraan na ito para makakuha ng ganoon kalaking halaga ay bakit pa niya ako ipinatawag? "What is it, 'Ma? Ano ang paraan na naisip niyo para makakuha tayo ng ten million?" Inunahan ko na siya sa pagtatanong. Siguro ay may kinalaman sa akin ang paraan na kanyang naisip kaya nilunok niya ang pride niya at kinontak ako. Siguro ay uutusan niya akong mag-loan sa banko ng ten million. Hindi ko lang alam kung may bank ba na magpapautang sa akin ng ganoon kalaking halaga ngunit susubukan ko para lamang madugtungan ang buhay ng aking ama. "Isa lang ang paraan na naisip ko para madaling malutas ang problema natin sa pera, Elara. Pakasalan mo ang anak ng kaibigan ko at bigyan mo siya ng apo na siyang magmamana ng kanilang mga ari-arian. Pagkatapos ay ng kasal ay bibigyan niya raw tayo ng ten million at sagot pa niya ang plane ticket papuntang Amerika at pati na rin ang iba pang gastusin habang nasa ibang bansa kami at nagpapagot sa iyong ama," walang patumpik-tumpik na sabi ng aking ina. Sa tono ng kanyang pananalita ay halatadong nakapag-usap na ito at ng kaibigan na tinutukoy nito. Bagama't nabigla ako sa sinabi ni Mama ay hindi ako nagpahalata. Huminga ako ng malalim at pinag-isipan ang mga sinabi nito. I no longer believe in love kaya hindi ako nangangarap na maikasal sa kahit na sinong lalaki. Ngunit nakataya ang kalayaan ko at buhay naman ng aking ama. Hindi ko alam kung ano ang mabuting desisyon na dapat kong gawin. Papayag ba akong magpakasal sa isang lalaking hindi ko pa nakikita para madugtungan ang buhay ng ama ko?ElaraKabadong kumatok ako sa pintuan ng opisina ni Alexander. Bakit kaya niya ako ipinapatawag? Para magpasalamat dahil ibinigay ko sa kanya ang kalayaan niya noon? Dahil sa wakas ay nagawa na nitong pakasalan ang babaeng totoong mahal nang hindi ako inaalala."Come in," narinig kong sabi ni Alexander mula sa loob ng opisina nito.Huminga ako ng malalim at kinompose ang sarili bago ko binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. Nakita ko siyang nakaupo sa swivel chair at abala sa pagbabasa ng kung anong papeles na hawak nito."Yes, Sir? Ipinapatawag mo raw ako. What can I do for you?" agad na tanong ko kay Alexander sa pinaka-propesyunal na tono nang lumapit ako sa kanya. Sa halip na sagutin ang tanong ko sa kanya ay ipinagpatuloy lamang ni Alexander ang ginagawa nito na para bang hindi niya ako narinig. Nakaramdam ako ng inis ngunit hindi ko lamang ipinahalata. Obvious namang nais niya akong pahirapan."So you just recently joined the company." Sa wakas ay kinausap din ako ni Alexand
ElaraMabilis akong nagyuko ng ulo nang malapit na si Alexander sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung nakita na ba niya ako o hindi. Dalangin ko na sana ay hindi niya ako napansin. Ngunit hindi dininig ang dasal ko dahil biglang huminto sa tapat ko si Alexander pati na rin ang assistant nitong kasama. Napilitan tuloy akong mag-angat ng mukha at sinalubong ang kanyang tingin.Blangko. Iyon ang ekspresyon na nasa mukha ni Alexander habang nakatingin sa akin. Hindi ko nakita na nagulat siya o kahit ano pa mang reaksiyon mula sa kanya. Para lamang siyang nakatingin sa taong hindi niya kilala."What are you doing, Elara? Greet our new CEO," mariing utos sa akin ni Ms. Agot. Nakatingin lang kasi ako sa mga mata ni Alexander at hindi nagsasalita."Ahm, welcome to FD Group, Mr. Reed," bati ko sa kanya in a very professional tone. Hindi mahahalata ng kahit na sino na kilala ko ang lalaking kaharap ko.Ilang segundong nakatitig lamang sa akin si Alexander ngunit hindi nagsasalita. Iniiwas ko t
ElaraIto ang unang araw ko sa FD Group bilang isa sa kanilang bagong hired na senior designer. Maganda naman ang puwesto na nilagyan nila ng magiging mesa ko dahil malapit sa glass window. Kapag gusto kong ipahinga ang mga mata at kamay ko ay puwede akong tumingin sa labas ng bintana kung saan makikita ko sa ibaba ang napakagandang man-made garden. Nasa eight floor ang kinaroroonan ko at ang man-made garden ay nasa seventh floor lamang.Maayos naman ang pakikitungo sa akin ng mga katrabaho ko. Pero siyempre, hindi maiiwasan na may mga taong mukhang inis sa'yo kahit na wala ka namang ginagawang masama sa kanila. Nang ipinakilala ako kasi kanina ay nakita ko ang pagtaas ng kilay ng team manager namin at isang junior designer na kasama nito. Nagkibit ng balikat na lamang ako at hindi pinagtuunan ng pansin ang dalawang iyon. Unang araw ko pa lamang sa trabaho kaya hindi puwedeng makipagbanggaan agad ako sa kanila. Masisira ang record ko sa kompanya.Kung tutuusin ay hindi lang dapat i
ElaraNagkatinginan kami ni George nang makita namin na nasa loob din pala ng restaurant na pinasukan namin sina Isabella at Alexander. Napakaliit talaga ng mundo. Sa Canada ay ilang beses kaming muntikan nang magkita ni Alexander sa mga kumpetisyon na pareho naming sinalihan ni Isabella.Bilang CEO ng kompanyang pinagtatrabahuhan ni Isabella ay sinasamahan nito ang huli para suportahan lalo pa at dinadala ng babae ang pangalan ng kompanya bilang representative nito. Hindi pa kami nagkakaharap ni Alexander dahil agad akong uniiwas kapag nasa malapit siya sa akin. Pero si Isabella ay dalawang beses pa lamang kaming nagkakaharap at nakapag-usap. Hindi naman nito nakikilala ang boses ko at natatakpan ng maskara ang kalahati kong mukha kaya hindi niya alam na ang palaging tumatalo sa kanya sa mga international competition na si Olivia at ang ex-wife ni Alexander ay iisa. Kapag nalaman niya ang katotohanang iyon ay natitiyak kong hindi niya ito matatanggap."Mom? I said kamukha ko ang la
ElaraHindi ko na mabilang kung ilang beses na akong humugot ng malalim na buntong-hininga magmula nang sumakay kami ng eroplano mula Canada papuntang Pilipinas. Paglapag naman ng eroplano sa international airport ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng halo-halong emosyon. Narito na ulit ako sa bansa kung saan maraming masasaya at masasakit na mga alaala akong naiwan bago ako nangibang bansa.Marami kaming masasayang alaala ni Liam na magkasama na kailanman ay hindi ko makakalimutan. At siyempre, hindi ko rin malilimutan ang masasakit na nangyari sa akin. Ang pagkamatay ng mga magulang ko, ang panloloko sa akin ni Alexander at ang pagkamatay ng best friend ko.Biglang nag-ulap ang aking mga mata nang maalala ko ang mga magulang ko at si Liam. Kahit mahigit anim na taon na ang nakakalipas ay sariwa pa rin ang sakit na dulot ng kanilang pagkawala. Mayamaya lamang ay namalisbis na sa aking pisngi ang mga luha na pinipigilan kong lumabas. Mabilis akong nagpahid ng luha bago pa man ito ma
Elara6 years later,"The winner for this year's International Fashion Designer Competition is none other than the mysterious woman! Olivia!" masayang pag-aanounced ng host sa sodonym na ginagamit ko. Umugong nag malakas na palakpakan at hiyawan mula sa audience na pinaghalo-halo ng iba't ibang lahi. "Congratulations for the five years consecutive winner for this competition, Olivia. Please come up to the stage to receive your trophy and other awards." Nakangiting umakyat ako sa stage at tinanggap ang aking parangal. Nagbigay rin ako ng maikling speech ng pasasalamat para sa mga audience at hurado na naniwalang ako ang karapat-dapat na mag-uwi ng trophy bilang winner sa taong ito.Pinalitan ko ang dating sodonym ko ng Olivia. Ginawa ko ito bilang kasama sa pagbabagong buhay ko sa Canada. Six years ago ay namatay si Liam. Binangga ng ten wheeler truck ang kotse ng best friend ko. Idineklara ng doktor na dead on arrival na ito.Halos gumuho ang mundo ko nang mawala ang kaisa-isang tao
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen