Pagkaupo pa lang ni Hyacinth ay parang halos sinusunog na ang likod niya dahil sa isang titig na alam niya kung kanino nagmumula.
Alam niya na nasagi niya ang pride ng babae pero hindi pa sila tapos. Nagsisimula pa lang ang paghihiganti niya sa pamamakialam nito sa kaniyang buhay. Naniniwala kasi siya na kapag batuhin siya ng bato ay gagantihan niya ng maraming bato.
Hindi siya lumaking nagpapaapi sa ibang tao, sa mga itinuring lang niyang pamilya. Walang hiya! Magbebreakdown pa yata siya eh hindi pa naman alas dyis ng gabi.
Burong-buro na siyang nakaupo at naghihintay na matapos ang koronasiyon. Dito kasi aakyat si Mara ipokrita para ipakilalang magkokorona sa nanalo.
S’yempre nakahanda na ang script. Super bait kasi niya na pati ang sasabihin ng emcee ay ipinagawa niya pa pati ang pagkakasunod-sunod ng magiging pangyayari sa kompetisyon ay pinaayos niya na.
Nagbuntong-hininga siya sa inip na napansin naman jg kaniyang katabi kaya sumenyal ito sa mga kasama na hindi niya naintindiha