Dark Boss 1: The Glass Slippers

Dark Boss 1: The Glass Slippers

last updateLast Updated : 2024-11-01
By:  cicatrizexxxOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
11 ratings. 11 reviews
87Chapters
1.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Hindi makatarungan ang pagaaruga ng kanilang mga magulang sa kanilang magkapatid. Mas pinapaburan ng mga ito ang kanyang kakambal. Nang dahil lamang sa isang kasunduan, itinakda ang kanyang kapatid sa isang lalaki. Sa araw ng kasal ay nakiusap si Bella sa kanya na siya ang humalili rito upang itali sa lalaking kailanman ay hindi niya pa nakikita ang mukha. Nabuhay siyang malungkot at nag-iisa sa loob ng mga taong siya ay may asawa na. Taliwas ito sa kanyang nakasanayang pamumuhay bilang isang suwail na anak. Nakukuha lamang nitong suportahan siya sa kaniyang mga pinansyal na pangangailangan. Dahil rito parang nabuhay ulit ang dating siya. Hindi siya makakapayag na maging sunod-sunuran sa lalaking kailanman ay hindi niya pa nakikilala. Parang nakikisama sa kanya ang pagkakataon at nakadaupang-palad niya ang kanyang kababata na binigyan niya noon ng kanyang babasaging tsinelas at sa hindi inaasahang pagkakataon ay hindi niya mapigilan ang tawag ng laman ng kanyang pumipintig na pagkababae. Handa na ba makipagsapalaran si Hyacinth Herrera sa init na kaniyang pinasok? Mananaig kaya ang sensasyong hatid ng kababatang si Thaddeus Siriad Vanesteri o ng asawang si Dairis Vaughn Conor?

View More

Chapter 1

SIMULA

Lumaki ang magkapatid na Belladonna at Hyacinth Herrera sa isang pamilyang marangya. Ngunit hindi makatarungan at pantay ang pagpapalaki sa kanilang magkambal. Sabay man inilabas at dumilat sa mundo, mas pinaburan pa rin si Belle ng kanilang mga magulang. Si Hyacinth ay namuhay sa ilalim ng anino ng kanyang kapatid. Nakasanayan niya nang itanggi ng mga ito sa harap ng mga kakilala sa mga pagtitipong ginanaganap o dinadaluhan ng kanyang pamilya. Habang siya ay lumalaki, tumatatak sa kanyang murang isipan na ang pagmamahal at atensyon na hindi kayang ibigay sa kanya ng kanyang mga magulang ay makukuha niya sa ibang paraan at aspeto.

Siya ang kilala sa mga lugar na kung ituring ng kanyang mga magulang ay pugad ng mga demonyo at taliwas sa kanilang inaalagaang reputasyon. Natuto siyang manamit na sa mata ng kanyang mga magulang ay immoral na pamamaraan. Natuto rin siyang uminom at manigarilyo sa batang edad pa lamang. Wala siyang masandalan sa oras ng siya ay malungkot at nag-iisa. Ngunit talikuran man siya ng mundo ay may isang tao na lagi niyang mauuwian― si Thaddeus o mas kilala niya sa pangalang Addie. Ito ang kanyang kababatang lagi siyang inililigtas sa kapahamakang kanyang nasasangkutan simula ng sila ay mga musmos pa lamang.

Ngunit isang araw, nabalitaan na lamang niyang nasangkot sa isang eskandalo ang kapatid niya at ang kaniyang kababatang si Addie. Umugong ang usap-usapan na nabuntis ng kanyang kababata ang kanyang kapatid dahil sa ilalim ng ipinagbabawal na gamot. Nalaman niya na pinaglaruan lamang ng kanyang kababata ang kaniyang kapatid at ito ay hindi handang panagutan ang batang nasa sinapupunan nito. Dahil sa hindi matawarang eskandalo na ginawa ng kanyang kakambal, naisipan ng kanilang mga magulang na paghiwalayin ang mga ito at ipakasal ang kaniyang kapatid sa isang mayaman at premyadong pamilya.

Hindi niya masisi ang kaniyang kapatid ng umamin itong may nararamdaman sa lalaking nakasiping. Sa isipang masasaktan ang kaniyang kapatid ay siya na mismo ang nagplano ng lahat. Upang makatakas ito sa sitwasyon, siya ang pumalit rito sa araw mismo ng kasal nito na ni-anino ng groom ay walang nagparamdam. Naging pabor naman ito sa kanya at bilang ganti ay nangako siyang magiging mabuting maybahay dito. Limang taon ang lumipas at pinansyal na pangangailangan niya lamang ang pinupunan nito. Nabuhay ang kanyang kuryusidad kung sino ba talaga ang kanyang pinakasalan. Iisa lamang ang naisip niyang paraan upang ito ay palabasin― ibalalik niya ang dating Hyacinth Herrera na tila nalimot na ng panahon.

At para bang nakikipaglaro sa kanya ang tadhana nang magkrus na naman ang landas nila ng kababata na nagpahirap sa kaniyang kapatid. Nanaig ang kagustuhan niyang iganti ito sa lalaking nagpaiyak at nanakit rito. Dito na unti-unting nabuhay at nakulayan ang kanyang plano. Papalabasin niya ang kaniyang asawa sa pamamagitan ng lalaking ito.

Sa kasamaang-palad, hindi niya lamang naihanda ang kayang sarili ng manaig na ang init ng sensasyon sa kanyang kaibuturan. Napunan nito ang pangangailangan niya bilang babae. Napapasaya siya nito sa kama at nakakalimutan niya saglit ang mga problemang kinakaharap. Ngunit, ang hindi lamang niya alam ay ang mas marami pang problema na kakaharapin dahil sa kanyang kaimoralan. Makakaya kaya ng isang Hyacinth Herrera ang mga lihim na na itinatago ng kanyang kababata at asawa? Makalaya kaya siya sa gulo at apoy na kanyang sinimulan?

DISCLAIMER:

This is a work of arts. Names, characters, businesses, places, events, locales and incidents are either the products of the author's imagination and is used in a fictitious manner. Any resemblance to actual events and actual persons, living or dead is purely coincidental.

TRIGGER WARNING:

Contains explicit words and sexual scenes. Not recommended for readers under eighteen (18) years old. Read at your own risk.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
SKYGOODNOVEL
wow...... highly recommend
2024-11-12 13:58:34
0
user avatar
Ysanne Cross
recommend!
2024-10-30 17:32:02
0
user avatar
MysterRyght
Recommended! Basa na po!
2024-10-26 18:48:22
0
default avatar
Lean Alvaran
highly recommended, good writing, have a good plot twist, vvv spicy
2024-10-23 19:33:04
0
user avatar
Ysanne Cross
recommended
2024-10-23 12:44:51
0
user avatar
SKYGOODNOVEL
highly recommend....
2024-10-15 20:21:46
0
user avatar
SKYGOODNOVEL
hi, ms. otor....
2024-10-15 20:21:02
0
user avatar
Calut qho
support ...️...️...️
2024-10-14 13:08:44
1
user avatar
Rawring
support na support! Goraaaaa!
2024-10-04 15:38:02
2
user avatar
Ciejill
Supportttt!!!
2024-07-14 13:08:58
3
user avatar
Love Reinn
support <333
2024-07-10 10:20:02
3
87 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status