"Wala naman." he assured. Pagkatapos ng ilang minuto'y bigla muli itong nagsalita. "Ay meron palang isa."
Napakunot bigla ang noo ko.
Kaya ko kasi tinatanong ay dahil sasampahan ko ng kaso ang lahat ng manakit kay Sandoval. Madali lang naman 'yon eh, marami akong time. Hindi ko lang kasi masikmura ang ibang mga may kapangyarihan na nagagawang makasakit ng ibang tao. Pasalamat nga sila't hindi sila napagkakaitan ng kalayaan. "Sinong isa?"
"Hindi ko kilala." Ngumisi naman ito't bahagyang natawa. "Hinipuan ako eh. Nakakainis lang dahil hindi niya inulit."
Napailing na lang ako sa tinuran niya. Akala ko naman kung ano, katangahan lang pala. "Ang gago mo talaga eh, 'no?"
He chuckled. "I know right."
"Attorney Christine, Public Defender Jelsey, kailangan niyo na pong pumunta sa court room." Napatingin kaming lahat sa isang pulis na pumasok. Nagkatinginan kaming dalawa ni Jelsey at tumango. Inalalayan at binantayan naman ng mga pulis si Sandoval habang papalabas kami ng kwarto.
Habang naglal