Maghanap
Library
Home / Romance / Don't Fall in Love / Chapter 7

Chapter 7

Author: Yuki Yceej
2024-06-17 21:59:58

Natapos na rin ang pictorial. Binati si Danica ng director at photographer sa magandang kahinatnan ng photoshoots. They are looking forward for another future projects with her. Masaya naman ang tugon ni Jolie sa lahat.

“Congratulations Ms. Danica!”

“Thank you…”

Kahit alam ni Jolie na naroon siya dahil kay Danica, ginawa niya ang lahat para sa kapakanan ng dalaga.

Pinuntahan agad ni Hunter ang dalaga. Halata sa mukha niya na hanga talaga siya sa kanyang kasintahan.

“That’s great!” Nakangiting pagsalubong ni Hunter sa kasintahan.

Napatingin si Jolie sa binatang papalapit sa kanya. Natigilan siya at napatitig sa binata. Bigla nalang siyang kinabahan at naalala ang mga nangyari sa bluemoon night.

“Let’s celebrate babe. Let’s have dinner later,” aya ni Hunter habang nakahawak sa isang kamay ng dalaga. Randam niya ang lamig nito.

“Eh?” Gulat na reaksyon ni Jolie.

“Kinakabahan ka ba?”

“Huh?”

“May sorpresa ako sa iyo mamaya.”

“Uhm? Ganoon ba?”

Hinila ni Hunter ang kasintahan papalapit sa kanya. Napayakap tuloy si Jolie sa binata at gulat sya sa mga nangyayari. Niyakap na rin ni Hunter ang kasintahan. Ang mga tao sa paligid ay nanonood sa pagiging sweet ng dalawa at kinikilig. Balita nilang magpropropose na si Hunter kay Danica.

Mas lalong kinabahan si Jolie at nahihiya ito sa pinaggagawa ng binata. Gusto niyang makawala sa yakap nito.

Sa isip ng dalaga: “ Ganito ba siya kay Ms. Danica? Hindi siya nahihiya sa mga tao sa paligid.”

Lumapit si Mr. Gray sa dalawa at sinermunan.

“Tumigil na kayo sa pagiging PDA! Stop doing it here!”

Napatulak kaunti si Jolie sa binata at napaatras. Medyo nagulat si Hunter sa ginawa ng kasintahan pero binalewala nalang niya ito dahil sa sermon ni Mr. Gray.

“I will change first,” paalam ni Jolie na nakayuko ang ulo at dali – daling umalis sa kinatatayuan.

Sinundan naman siya ni Hunter. Habang naglalakad si Jolie pabalik sa dressing room kung saan naroon ang damit niya, nadaanan niya si Emma na papasok sa studio. Napalingon si Emma sa dalaga at napatigil.

“Jolie?” mahinang sambit ni Emma na nakita ang kaibigan at sinusundan ni Hunter. “Sir Hunter?”

Dali – daling pumasok sa loob ng dressing room si Jolie na hindi alam na sinundan pala siya ni Hunter. Pagkarating ni Hunter sa may pinto ay natigilan na ito. Hindi na ito pumasok dahil alam niyang dressing room ito ng babae. Naghintay nalang siyang nakatayo sa labas ng silid.

“Sir Hunter!” tawag ni Emma para maagaw ang atensyon ng binata.

“Hm?” kunot - noong napalingon si Hunter sa kabilang pasilyo. “Anong kailangan mo?”

Mas lumapit pa si Emma sa binata na may dalang mga papeles at larawan. Kinakabahan ang dalaga sa sandaling iyon at sa gagawin niya.

“Uhm kasi sir.. uhm.. pinapipi-pili po kayo kung a-ano ang magandang su- susuotin ng mga…” nabubulol na pagpapaliwanag ni Emma sa binata na agad pinakita ang mga larawan na dala.

“Hm?”

Lumabas na si Jolie sa silid na suot ang sariling damit na may suot na eyeglasses. Nagulat siyang nasa labas si Hunter at kausap ni Emma sa kabilang pasilyo. Nakita naman ni Emma ang kaibigan kaya binigyan nya ng senyales sa mata na umalis na siya agad.

Dali – daling umalis si Jolie at tinahak ang kabilang pasilyo. Tanaw ni Emma na nakaalis na rin si Jolie at di na niya ito matanaw.

“I don’t like it!” opinyon ni Hunter na umiwas ng tingin sa mga larawan. Ibinaling nya ang atensyon sa pinto ng silid.

“Ah, ganoon po ba sir. Okay. I will go now!” ani ni Emma na agad na rin umalis sa kinatatayuan.

Napatingin sa kanyang relo si Hunter. Napansin niyang ilang minute na ang nakakaraan at hindi pa lumalabas ang kasintahan sa loob ng dressing room.

“Ganito ba talaga magbihis at mag – ayos ang mga babae?” tanong niya sa sarili.

Sa kahihintay niya ay napasandal nalang siya sa pader. Ito ang kauna – unahang naging mahaba ang pasensya niya. To impress her, dapat maghintay at habaan ang pasensya.

“Magtiis ka lang Hunter. Alam kong sinasadya niya lang itong paghintayin ako,” ani ni Hunter sa sarili. “I will propose to her again!”

Samantala, sa pagmamadali ni Jolie sa paglalakad at palingon – lingon dahil baka nakasunod si Hunter, hindi niya napansin ang binatang si Stephen na nakatayo sa may poster. Nabangga niya ang binata.

“Oh Sorry!”

Nagulat si Stephen sa dalaga na nakabangga sa kanya. Napatingin ang binata sa dalagang may suot na eyeglasses at gayundin ang dalaga sa binata.

“OMG! My crush na si Stephen!” Ani ng isip ni Jolie nang makita ang binata na nasa harapan niya at malapitan pa. Biglang tumalon sa tuwa ang puso niya at sa kailaliman ay ang saya nito.

“Okay ka lang ba?” pag – alalang tanong ni Stephen.

Tumango lang si Jolie na di maalis ang tingin sa binata.

“So- sorry…”

Naalala ng dalaga na kailangan na niyang umalis sa lugar. “Pasensya na…” Napayuko ang ulo niya para humingi ng paumanhin at agad umalis sa kinatatayuan.

Sinundan ng tingin ni Stephen si Jolie at bumakas sa mukha niya ang pagtataka. He was curious.

“She looks familiar…” usisa ni Stephen na napalingon sa poster ni Ms. Danica.

 ------

Hindi na nakatiis si Hunter at kumatok na siya sa pinto ng dressing room kung saan pumasok si Danica. Ilang beses siyang kumatok pero walang sagot. Nagtaka ito kaya dahan – dahan na niyang pinihit ang doorknob. Binuksan niya ang pinto at dahan – dahang pumasok.

Nilibot niya ang tingin sa loob ng silid at ang nakita lang niya ay ang mga gamit, upuan, mesa, salamin at ni anino ng dalaga ay wala roon.

“Babe?” tawag niya na mahinahon sa matahimik na silid.

Biglang pumasok si Tom sa silid kung saan naroon si Hunter. Hinihingal itong pumasok.

“Narito ka lang pala Hunter!”

“Bakit Tom? Bakit mo ako hinahanap?”

“E kasi inutusan ako ni Madam Gray na hanapin ka para ipaalam sa iyo...”

“Ano ba iyon?”

Kunot - noong napatingin si Hunter sa kaibigan. “

Hinablot ni Tom ang kanyang cellphone at pinakita ang larawan na kuha niya sa pinakita ni Madam Gray na text ni Ms. Danica.

“Basahin mo ito Hunter. Text ni Danica kay Madam Gray. Baka alam mo daw ang ibig sabihin nito.”

Binasa ni Hunter ang text. “Madam Gray, I will take a little break this time.”

Nagulat si Hunter sa kanyang nabasa. Ano ba ang ibig sabihin ni Danica sa mga sinabi niya?

“Hindi ba may pictorial sya kanina. Nasaan ba si Ms. Danica?” usisa ni Tom.

“Narito lang siya kanina pero… nasaan siya?”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App