Share

Chapter 6

Napatingin si Jolie sa mga mata ni Hunter na may suot na sunglasses at gayundin ang binata sa dalagang may suot na pabilog na eyeglasses. 

"Don't mind it!" ani ni Tom na kinuha ang atensyon ng kaibigan. "Kwento na Hunter.."

Umiwas na ng tingin si Hunter at hinarap si Tom. Niligpit na ni Jolie ang kalat at napatayo na ito.

"So Hunter, magkasama kayo ni Danica sa gabing iyon?"

Sa kinatatayuan ni Jolie ay naririnig niya ang pagbanggit ng pangalan ni Danica. 

"Yes!"

"Wow!"

Tahimik na humakbang si Jolie paalis sa lugar. Nagpatuloy sa pag - uusap ang dalawang binata. 

"So what's your plan?"

"I will pursue her. Kahit tinanggihan niya ang proposal ko, hindi ako susuko. Lalo na ngayon!"

"That's my man! Talagang tinamaan ka sa makamandag na ganda at charm ni Danica." Papuri ni Tom na painom -inom na ng kape.

"Hindi ko siya pakakawalan pa!"

--------

Binisita ni Jolie ang kaibigang si Emma sa studio. May dala itong makakain para sa kaibigan. Sa oras ng break time ay dinala ni Emma si Jolie sa isang dressing room para kumain at magkwentuhan.

"Thank you sa mga dala mong mga pagkain Jolie. Hindi na ako bababa at pupunta sa canteen para bumili."

"Okay lang yon." sagot ni Jolie na medyo mahina ang boses. 

Napansin ni Emma na medyo malungkot at tahimik ang kaibigan.

"May problema ba Jolie?"

"Huh? Wala naman."

"Malungkot ka yata. Mula noong gabi ng bluemoon, tahimik ka lang at nahahalata ko na malungkot ka."

"Ako? Malungkot? Hindi ah."

"May nangyari ba na hindi ko alam?"

"Wala naman. Marami lang talaga akong iniisip lalo na sa kuya ko."

"Hmm.. iyong pasaway mong kuya? Hayaan mo iyon, malaki na iyon!"

Napabuntong - hininga nalang si Jolie habang nakangiti naman si Emma para pasayahin ang kaibigan. Biglang may naisip si Emma at tumayo ito. Pumunta sya sa cabinet na may mga damit at gown. 

"Anong hinahanap mo Emma?" 

"Damit syempre!" direktang sagot ng dalaga.

Nang may nakita na itong isang bistida ay agad niya itong itinaas. "This is nice!" Ipinakita niya ang damit kay Jolie.

"Maganda ba?"

Napatango lang si Jolie habang pinagmamasdan ang damit na hawak ng kaibigan. Lumapit si Emma kay Jolie at hinablot ang kamay nito. 

"Tara subukan mo ito!" aya ni Emma na hinila ang kamay ng kaibigan. 

"Eh?"

Pinasuot ni Emma ang bistida kay Jolie. Nakaharap ang dalaga sa salaming abot hanggang paa ang taas. Kitang - kita niya ang buong katawan niya. 

"Anong ginagawa mo Emma? Bakit mo ba ako pinasuot nito?"

"Wala lang. Gusto ko lang makita ang itsura mo kapag suot mo ang ganyang klaseng damit."

"Hindi mo kailangang gawin ito. Hindi naman ako sanay sa ganitong mga damit. Isa pa, baka mapagalitan tayo lalo na ikaw. Wala ka kayang paalam."

"Haist! Huwag mo ng isipin iyon. Ako na ang bahala." ani ni Emma na masayang makita ang imahe ng kaibigan sa salamin. "In fairness nice fit!"

Hindi pa nakontento si Emma at inalis niya bigla ang suot na salamin ni Jolie. Mas lalong nakikita ang angking ganda ng dalaga.

"Emma!" Nagulat si Jolie sa pag - alis ng kaibigan sa salamin niya. "Ibalik mo iyan!"

Hawak na ni Emma ang pabilog na salamin ni Jolie. Napaharap na rin si Jolie sa kaibigan. Sa pagkakataong ito, napatitig si Emma sa kaibigan. Hindi maalis ang titig niya sa mukha nito.

"Emma? May problema ba?"

"Uhm..." 

"Bakit Emma? Anong meron sa mukha ko?" Pag - aalala ni Jolie habang minamasdan ang ekspresyon ng mukha ng kaibigan.

"Kamukha mo si..."

Hindi pa natatapos ang sasabihin ni Emma nang may tumatawag sa kanya mula sa labas ng dressing room.

"Emma! Emma!"

Napalingon sila sa may pinto. Tinatawag na si Emma ng kasamahan niya. Napatingin siya agad sa kanyang relo. 

"Naku, hinahanap na ako."

Dali - daling pumunta sa pinto si Emma at nagpaalam sa kaibigan.

"Babalik muna ako roon. Babalikan kita rito Jolie. Hintayin mo ako rito."

"Eh? Teka..."

Lumabas na ng silid si Emma at naiwan nalang si Jolie roon na suot pa rin ang bistida. Napabuntong - hininga nalang siya at napaupo sa upuan. 

Ilang minuto lang na nakakaraan ay naisipan na niyang magbihis at isuot ang sariling damit. Nang tumayo na siya ay biglang may narinig syang ring ng cellphone. Napalingon siya sa mesa at nakita ang cellphone ng kaibigan. 

"Naiwan ni Emma ang cellphone niya..."

Nakita ni Jolie na tumatawag ang boss niya. Mukhang importante ang tawag. 

"Tumatawag ang boss ni Emma."

Kinuha niya ang cellphone at naisipang ihatid ito sa kaibigan. Lumabas siya sa dressing room na hawak ang cellphone ni Emma na hindi man lang nagpalit ng damit. Nang nakalabas na siya ay huminto ang pag - ring ng cellphone. 

"Ibinaba na niya.." mahinang ani ni Jolie na minamasdan ang dalang cellphone. 

Babalik na sana siya sa loob nang biglang may narinig siyang isang boses ng babae. 

"Ms. Danica!" tawag ng isang babae na nasa likuran niya.

Napalingon si Jolie sa babae. Nakita niyag nakaharap ang babae sa kanya. Bakas sa mukha ni Jolie ang pagtataka.

Humakbang papalapit ang babae sa kanya. 

"Ms. Danica hinahanap na po kayo. Magsisimula na po ang pictorial."

"Eh? Ako?" turo ni Jolie sa sarili. 

Dumating si Mr. Gray, isa sa humahawak kay Ms. Danica na siyang manager din ni Hunter. Mr. Gray is a fashionista gay na alagang - alaga sina Danica at Hunter lalo na ang image ng dalawa. 

"Danica, narito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap," ani ni Mr. Gray na agad hinawakan ang braso ng dalaga.

"Teka lang po. Kasi...uhm..."

"Let's go girl! You need to fix yourself pa!" 

Walang magawa si Jolie kundi sumama sa kanila. Dinala siya sa isang dressing room at pinaganda roon. Binihisan din siya ng damit para sa pictorials. She looks great and absolutely gorgeous. Hindi makapaniwala si Jolie nang makita ang sarili sa salamin. 

Napatanong tuloy sya sa sarili. "Ako ba ito?"

Sa dingding ng silid ay may mga larawan si Danica at pinagmasdan niya ito. "Kamukha ko ba talaga sya? Kamukha ko nga siya..."

Ilang minuto lang ay tinawag na si Danica. "Ms. Danica we will start now."

Bigla nalang kinabahan si Jolie habang tumatayo sa kinauupuan niya. Inalalayan siya ng isang katiwala na napansin ang pagiging tahimik ng dalaga. 

"Salamat.." ani ni Jolie na nagpabigla sa babaeng katiwala. Hindi siya makapaniwalang nagpasalamat ang artistang si Danica na ang pagkakaalam nila ay maarte ito at hindi nagpapakumbaba.

Pumunta na sila sa studio kung saan naroon ang direktor, mga crews pati ang photographer. Napalibot ng tingin si Jolie nang pumasok siya sa silid. Namangha siya at di makapaniwala na nasa isang studio siya kung saan ang mga artista ay kinukunan ng mga litrato.

"Ms Danica, ready na po ang lahat." ani ng photographer. 

Dahan - dahang pumunta sa gitna si Jolie at humarap sa camera. Lahat ng naroon ay nakatingin sa kanya. 

"Ms. Danica, let's start.."

Ngumiti si Jolie na bakas ang kaba. Hindi siya sanay sa ganitong set - up lalo na kapag maraming mga tao nakatingin sa kanya. Halata sa kanyang mga ngiti na napipilitan lang ito.

"Ms. Danica, just be natural. Just smile."

Nakatayo lamang si Mr. Gray at pinanood ang dalaga. Mas lalong kinabahan si Jolie kaya hindi makuha - kuha ang gustong output ng photographer. 

"Let's take another.. try another angle.."

Dumating si Stephen at pinanood niya ang pictorial ni Danica. Nang napansin ni Jolie na nanonood ang kanyang crush, napangiti tuloy siya. 

"That's a nice smile! Love it!" ani ng photographer at kinunan pa ang dalaga. 

"She has a natural beauty. She's gorgeous!" ani ni Stephen habang nanonood na narinig naman ni Hunter na kararating sa studio.

"Ang ganda talaga ng girlfriend ko!" ani ni Hunter na tumayo katabi ni Stephen. "Bagay talaga kami!"

Yuki Yceej

Drop your reactions!

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status