“Our salutatorian school year 2022-2023, Lady Zoey Fuentes Gray!”
Napatayo ang maraming estudyante at mga magulang na naroroon upang palakpakan si Zoey na umakyat sa stage kasama ang kaniyang mommy na si Claire at may malaking ngiti sa labi.
Kung nagtataka kayo, ngayon ang araw ng graduation ng kambal. Ang inulit na graduation na ni-request mismo ng kambal dahil hindi nakadalo ang magulang nila sa graduation nila. Pero ang hindi nila inaasahan ay nakaplano na pala iyon at naasikaso na ng kanilang mga magulang.
Nakausap na nila ang school at maging ang parents ng ka-batch nila para sa graduation na iyon.
“Wow! I’m so proud of you anak!” masayang sabi ni Claire matapos nilang kuhanan ng picture at niyakap ito ng mahigpit sa harao ng stage.
“Thank you mommy!”
Hindi lang basta photographer ang naroroon kundi ilang mga piling press lamanga para kuhanan ang graduation na iyon. Nalinis na ang issue tungkol sa kanilang dalawa ni Zekiel nang malaman nilang ipinaulit nila ang graduation na