Makikipaghiwalay si Sarah sa asawa upang mahanap ang mga anak. Lingid sa kaalaman ng lalaki ang katotohanan na iyon at mayroon siyang triplets na pagka-anak niya ay ibinigay sa kaibigan. Paano kung isang araw ay malaman niya na ang ama ng mga anak ay ang siya rin palang naging asawa niya ngunit huli na ang lahat dahil nawawala ang mga ito.
Lihat lebih banyak“LET’S get divorced.”
“Let’s what?”
Kita ni Sarah ang madilim namuka ng lalaki kung kaya napalunok siya ng malalim at muling humugot ng lakas ng loob.
“I said let’s get divorced, Kenneth.”
Paano nga ba sila umabot sa ganon? Sabagay, una palang naman ay walang may gusto sa kanila ng kasal na iyon. Kung baga napasok lang sila sa isang relasyon na pareho nilang hindi inaasahan. Ngayon dumating na ang dulo o katapusan ng kasunduan na iyon.
***
*SIX YEARS AGO*
NAPABUNTONG hininga si Sarah at nag doorbell sa bahay na pinuntahan niya.
“Yes? What can I do—ikaw?!”
“Hi tita!” malaking ngiti na sabi niya dito.
“Wag mo akong matawag tawag na tita! Nang dahil sayo nakulong ang papa mo! Ng dahil jan sa lintik na ex mo! Hindi ka pa nadadala talagang ang kapal ng muka mo para pumunta dito! Mahiya ka naman Sarah!”
Pagkasabi niyon ng kaniyang step mother ay pabalang nitong sinara ang gate at iniwan siya doon.
Expected na niya iyon, ilang beses ng ganon. Nagbabakasakali lang siya na makausap ito ng ayos at masabi ang totoo.
Umalis nalamang siya at dumeretsyo sa kulungan. Fresh pa sa utak niya ang nangyari year ago, nakulong ang papa niya dahil sa ex niya. Nag blackmail ito sa kaniya na kapag tinulungan niya agad ang papa niya na makalaya ay habang buhay na pagkakakulong ang ipapapataw nito.
Wala talagang kasalanan ang ama niya, ito lang ang sumalo ng kasalanan ng ex niya. Mayaman ang lalaki, sila hindi, anong magagawa niya? Nagawa nitong manipulahin ang hukuman.
Masama man ang loob niya nag ipon nalamang siya para sa pang piyansa nito. Since isang taon na ang nakakalipas surr siya na pwede na.
“Malaya ka na, Gustavo!”
Nakatanaw si Sarah sa labas ng bilibid at kita niya ang tuwa sa muka ng ama ng makalabas ito. Sapat na iyon sa kaniya, hanggang doon nalamang siya. Sinong anak ang gugustuhin na makulong ang ama?
***
“WELCOME, madam.”
Nakangiting salubong ng isang lalaki kay Sarah ng siya ay pumasok sa loob ng mamahaling restaurant na kaniyang pinuntahan. Mayroon siyang reservation sa restaurant na iyon na kahit isang beses manlang sa kaniyang buhay ay gusto niyang maranasan ang ginagawa ng mayayaman; ang magwaldas ng pera.
May tumutugtog ng malumanay na violin sa paligid na siyang mas nagpapadagdag sa mamahalin vibes ng paligid. Kapwa mga naka tuxedo or suit ang mga lalaki na naroroon. Karamihan ay mga business man na puro negosyo ang kanilang pinag-uusapan.
Mayroong isang table doon na puno ng kalalakihan na kilalang kilala sa larangan ng negosyo. Nakakailang ulit na sila sa pagpapalit ng kanilang food dahil sa pagiging picky eater dahilan para mainis ang chef na nasa kusina. Nang may muling iabot ang isang waiter sa kaniya na list of order ay natigilan ito ng makita na mayroon pang note dito.
Minutes later tumayo ang isang lalaki na nasa table ng business man na nag-memeeting. Buong akala niya ay lalapit sa kaniya ang chef para ito mismo ang mag serve sa kaniya dahil siya ang kanina pa papalit ng papalit ng food niya.
Ngunit hindi, kay Sarah ito dumeretsyo. Maiinis na sana ito dahil sa pagpapahiya ng Chef ngunit ng makita niya ang kausap nitong babae ay natigilan siya at namangha sa kagandahan nito.
“Who is that gorgeous lady?”
Dahil doon ay napatingin ‘din ang mga kasama niya sa kinalalagyan ng babae at lahat sila ay namangha sa kagandahan nito pwera sa isa.
“She’s beautiful!”
“You’re right! Is she with someone?”
Sunod sunod na kumento ng mga ito sa babae.
“Tsk.”
Ngunit isa lang ang walang pakialam at mukang naiinis pa sa nanagyayari dahil imbes na negosyo ang kanilang pag-usapan ay hindi. Tuluyan ng nahumaling ang mga ito sa babae na umabot sa pagbibigay ng mga pagkain sa table nito.
Hindi na nakatagal pa ang lalaki at walang paalam siyang umalis sa kanilang table. Wala manlang nakapansin sa mga kasama niyang business man sa pag alis niya.
Alam ni Sarah kung ano ang habol sa kaniya ng mga ito. Kahit na anong pogi at bango ng mga ito ay hinding hindi siya papatol sa kanila. Kaya ng makakuha siya ng pagkakataon na umalis doon ay iniwan niya ang mga ito habang siya ay tangay tangay ang sandals upang makatakbo ng ayos.
Natawa pa siya sa kaniyang sarili at muling sinuot ang heels at mayroon pa siyang isang gustong puntahan sa gabing iyon. Dahil sa sobrang busy sa trabaho at pagbibigay ng buhay niya dito ay hindi na niya nagawang i-enjoy ang oras na mayroon siya. Ngayon tuloy kung kailan wala na siyang oras ay naghahabol siya.
Na-diagnosed siya na mayroon tumor sa ulo at kapag hindi na-operahan ay maaari niya itong ikamatay. Ngunit hindi na niya binabalak pa na magpagamot, ang goal niya ay ma-enjoy ang nalalabi niyang araw sa mundong ibabaw at mawala ng may ngiti sa labi at walang pagsisisi.
Kaya nga kinuha niya lahat ng ipon niya sa bangko.
Nang makarating siya sa bar ay maingay agad ang sumalubong sa kaniya. Naalala niya na ilang beses siyang inaaya ng mga kasama sa trabaho para mag bar pero ilang beses na rin niyang tinatanggihan ang mga ito.
Nag order siya ng pinakang mahal na alak na mayroon doon at tinungga niya ito ng biglaan. Ang bartender ay nagulat, maging siya dahil sa mabilis na pagguhit ng init sa kaniyang lalamunan na dumaan sa kaniyang tiyan.
“Whooo! Malalasing ka niyan agad miss!”
Tawang sabi ng bartender at maging siya ay napasabay sa pagtawa dito at sinabing first time niya. Dahil doon ay tutulungan daw siya ng bartender na uminom kaya nakinig naman siya. Hindi lang ang pinakang mahal na alak ang ininom niya kundi lahat ng klase ng alak na gusto niyang matikman.
“I-isa pa!”
“Lasing ka na miss,” kamot ulo na sabi ng lalaki ngunit sadyang makulit si Sarah.
“K-kaya ko pa! May pangbayad ako oh!”
Tuluyan ng nalasing si Sarah at doon na sunod sunod na bumalik ang mga ala-alang matagal na niyang kinakalimutan. Isama mo pa na siya ay maaaring mawala na kung kaya mas dumagdag iyon sa kaniyang emosyon at tuluyan ng napaiyak.
“Sabi ko na nga ba may problema ‘to e,”
Hinayaan nalang ng lalaki ito dahil alam niyang mas mabuting mailabas nito ang kaniyang nararamdaman. Habang si Sarah ay bumalik ang sakit ng kaniyang nakaraan. Naisip niya na kung hindi ba nangyari ang mga nasa nakaraan ay aabot siya sa ganon? O di kaya magkakasakit kaya siya ngayon?
Mayroon kayang susuporta sa kaniya at magiging rason para mabuhay pa siya? Ngayon kasi wala na, wala siyang rason para mabuhay at walang nagmamahal sa kaniya.
Maya maya ay basta nalang siyang tumayo upang umalis doon. Basa pa ang kaniyang pisnge dahil sa mga luhang tumulo doon ngunit wala siyang pakialam.
Nang makalabas siya ay nararamdaman na niya ang pag suka ngunit pinigilan niya ang sarili.
Mayroong mga lalaki ang nakakita sa paglabas niya at napansin na wala siyang kasama. Napangisi sila sa isa’t-isa pagkatapos ay nilapitan agad nila ang babae. Ngunit hindi pa sila nakakalapit ng biglang may humila sa balikat ng isang lalaki at pagharap niyon sa likod ay agad siya nitong sinuntok na ikinatulog nito kaagad. Ganon din ang ginawa nito sa kasama nito akya pareho ng bagsak ang mga ito.
Walang kamalay malay si Sarah na malalagay na sa panganib ang buhay niya.
Biglang mayroong humila sa pulsuhan niya at hinila siya nito paalis doon.
“S-sino ka?!” hirap at lasing na tanong nito.
Dahil nga wala na siyang lakas ay wala siyang nagawa kundi hayaan ito. Rinig nita muli ang ingay sa loob ng bar kaya tingin niya ay pumasok sila s loob.
Ipinasok siya ng lalaki sa isa sa silid doon upang matulog, madilim ang paligid tanging ilaw mula sa labas ng bintana lang ang meron.
Sinubukang tanawin ni Sarah ang humila sa kaniya at natigilan siya ng makilala ito.
“F-florence?”
Hindi siya maaaring magkamali! Ito ang ex niya!
Muling tumulo ang luha niya at umiyak sa harap nito. Hanggang doon nalang ang naaalala niya. Ngunit naging agrisibo siya at walang nagawa ang lalaki kundi ang sakyan ang gusto niya.
TILA nanghina si Lira sa kaniyang mga narinig at pakiramdam niya ay babagsak na siya sa sobrang panghihina. Mabuti nalang mabilis na nakalapit ang mama niya sa kaniya at inalalayan siya nito agad para hindi siya tuluyang matumba.Pinaupo nila ito sa upuan upang doon kumuha ng lakas. Kung ang kaninang tuwang tuwang mga bata sa nakitang munting regalo sa kanila ng kanilang tita Lira ngayon ay tahimik na dahil sa ibinunyag ng kanilang ate hanna.Sa batang edad ng mga ito maagang namulat sa katotohanan ang mga bata. Isama mo pa na naiintindihan na agad nila ang kanilang sitwasyon, syempre pwera nalang sa walong buwan nilang kapatid, isang taon, dalawang taon at tatlong taon. Pero once na marinig nila ang salitang papa kusang tatahimik ang mga bata dahil sa takot na baka mapalo sila.Yes, nagkaroon ng trauma ang mga bata sa sariling ama dahil na ‘rin palagi silang napapalo nito sa tuwing maglalaro sila at umiingay. Ayaw na ayaw nito sa maingay kaya kapag nakikita nila ang papa nila o narir
INABOT niya sa kaniyang mama ang dalawang paper bag, isang malaki at isang maliit.“Anak, hindi mo na dapat—”“Hush… open mo nalang mama.” Putol na sabi ni Lira sa sasabihin ng kaniyang mama.Wala namang nagawa ito kundi buksan ang paper bag at ganon ‘din si Hazel. Naunang makita ni Hazel ang laman ng paper bag at nanlaki ang mata niya ng makita ang laman ng paper bag na iyon.“M-mahal ito Lira bakit ibinili mo ako nito?” gulat na sabi ni Hazel kaya napatingin ‘din ang mama niya sa binili nito.Isa iyong pang massage na pwede sa paa sa likuran, pero handy lang siya. Hindi ganon kalakihan ngunit sapat na pata ma relax ang gagamit niyon. Nakita niya kasi iyon at naisip agad ang asawa ng kuya niya lalo na kita niya na tila stress na ito isama mo pa na buntis ang babae kaya siguradong hirap na hirap na ito sa pag aalaga sa kanilang mga anak.Wala na nga itong pahinga sa panganganak. Mabuti nalang lahat ng panganganak niya normal delivery kung kaya hindi sila gumagastos ng ganon kalaki sa
“I’M sure she’s okay. Alam mo naman na ‘yang kwarto na ‘yan ang safe space ni mom and dad noon pa hindi ba?”Napatango si Vanessa sa sinabing iyon ng kaniyang kuya Tim. Naaalala nga niya ang sinabing iyon ng kaniyang kuya, madalas niyang nakikita ang mga ito noon sa silid na iyon at sinasama pa nga sila ng mga ito kung minsan.She was too young that time at hindi pa niya gaanong gets ang mga bagay bagay kung kaya ngayon na malaki na siya gets na gets na niya ngayon kung ano ang ibig sabihin ng laging pag punta ng mga ito doon.“Come to think of it kuya, parang ngayon ko nalang ulit nakita si mommy na pumasok sa silid na ito, tama ba ako?”Napatango si Tim sa tanong na iyon ni Vanessa sa kaniya.“Same here. Ang nakikita ko lang na pumapasok sa loob kasambahay. Katulad sa entertainment room natin. Pinupuntahan lang nila iyon para linisan,”“So ibig sabihin parang sumuko na ‘din ba si mommy sa paghahanap noon sa kaniya?”Umiling si Tim sa muling tanong ni Vanessa na iyon.“I worked with
PAGKALABAS ni Vanessa at Tim sa silid kung saan nila iniwan ang kanilang ina parehong natahimik ang magkapatid habang nakatayo sa harapan ng pintuan na iyon. Ang silid kung saan sana nakatuloy ang tunay na anak ng kanilang tumayong mga magulang.Kapwa hindi makapagsalita ngunit iisa lang ang nasa kanilang isipan, iyon ay kung ayos lang ba ang kanilang ina lalo na ngayon na tinatago nila ang katotohanan tungkol kay Lira.Si Vanessa mas lalong kinakain ng kaniyang konsensya lalo na kung paano umiyak ang kanilang mommy habang humihingi ng tawad sa harapan ng puntod ng kanilang ama. Ramdam na ramdam nila ang sakit na nararamdaman nito at pagdurusa dahil sa hindi pa nito natatagpuan ang kanilang nawawalang anak.Kung si Lira nga ang nawawala nitong anak malamang na pati ang namayapa nilang ama ay gumagawa ng paraan para magkita ang mga ito. Lalo na ilang beses na nilang pilit tinataguan ang dalaga ngunit kahit saan sila magpunta naroroon pa rin ito.Kahit anong pagtatago nila gumagawa at g
SOBRANG tagal ding lumaban ng mommy nila ng palihim at sarili lang nito, sa ngayon siya naman ang aalagaan nila at aasikasuhin katulad ng ginawa nito sa kanila noong nawala ang kanilang daddy.Sa kabilang banda napansin ni Hilda amg kinalalagyan nila Vanessa at sgad itong nakilala.“Hindi ba sila boss madam yun?”Napatingin si Lira sa tinitignan ni Hilda at kaagad niya ring nakilala ang mga ito lalo na doon sa parte na iyon sila nagkita ni Vanessa kanina lang.“Sila nga yun,”“Puntahan ba natin para batiin? Diba sabi mo di pa nakikita ni madam boss ang muka mo?”Tumango si Lira sa sinabi ni Hilda at nagsalita.“Oo hindi pa nakikita pero wag na muna natin silang lapitan,”“Bakit naman?” nagtatakang tanong ni Hilda sa kaniya.“Look at them Hilda, umiiyak si madam boss. Katulad ko nagluluksa kami sa araw ng kamatayan ng asawa niya.”Dahil doon napatango si Hilda, nakalimutan niya na pareho nga pala ng araw ang kamatayan ng ama ni Lira at asawa ng kanilang madam boss. Katulad na rin ng kw
NGUNIT ilang taon na ang lumipas wala pa ‘rin siyang nahahanap o kahit clue manlang kung nasaan ang tunay na anak. Araw araw nagdadasal siya sa Diyos o sa asawa na sana pagtagpuin na silang mag ina.Pero wala pa ‘ring nagyayari. Ayaw niyang mawalan ng pag asawa ngunit habang tumatagal at lumilipas ang mga araw pakiramdam niya hindi na niya ito makikita pa.“Mom are you okay?”Napabalik sa ulirat ang mommy niya ng tawagin siya nito. Ngumiti ito sa kaniya at tumango.“Alam mo mom let’s go home, syempre dadaan na muna tayo kay daddy bago umuwi since 3:30PM na rin oh,”“Yeah! Vanessa is right mommy,”Dahil sa sinabi ng dalawa niyang anak tumango na ang ina sa kanila. Nawalan na din naman siya ng gana mamili ng damit dahil naalala niya ang nawawalang anak. Mas gugustuhin na nga niyang makita ang libingan ng kaniyang asawa at mag rant dito.Samantalang ang dalawang magkapatid naman palihim na napangiti dahil doon. Sa wakas hindi na nila kailangan pang mag alala kung magkikita ba si Lira at
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen