MASAKIT pa ang ulo ni Scarlett ng magising siya dahil sa pag gising ng kaniyang kambal na si Khalil. Pinaghandaan pala siya ng mga ito ng soup dahil alam nilang masakit ang ulo niya nang dahil sa hang over. Hindi inaasahan ni Scarlett na malalasing siya ng ganon, ang yabang pa naman niya sa ina kagabi. Eto siya ngayon namimilipit sa sakit ng ulo.
“Hahahaha! Finally naranasan mo ‘rin ang sakit na nararansan ko noon. Yabang yabang mo ha, damdamin mo ngayon ang sakit ng ulo!” Tawang sabi ni Khalil na tila nagtagumpay sa sobrang tuwa na makita si Scarlett na ganon.
Hindi naman na sumagot pa ang babae dahil pakiramdam niya ay susuka siya kapag nagsalita siya sahalip ay uminom nalang siya ng ginawang soup para sa kaniya. Kahit anong sarap ng soup na iyon ay mas nalalasahan lang niya ang kaniyang suka. Kanina pa ‘rin kasi siya suka ng suka at pabalik balik sa lababo.
“Anak tigilan mo si Scarlett, baka ma dehydrate siya kakasuka.” Pagsuway ni Kenneth dito.
“Ay wow dad, nung ako ganiyan ang sa