Natigilan si Hiraya nang marinig ang pamilyar na boses ng babaeng tumawag sa kanya. Matapos ang ilang segundo, dahan-dahan siyang lumingon at napatingin sa babaeng nakatayo sa ‘di kalayuan. Hindi pa siya nakakapagsalita, ngumiti na ang babae at mahinang tumawa sa kanya, "BFF! Ilang taon na tayong hindi nagkikita? Apat? Lima? Hindi ko na rin maalala, kumusta ka na?”
Naka-Chanel na damit ang dalaga, medyo kulot ang hanggang baywang nitong buhok, napakatangos din ng ilong at sobrang kinis ng mukha. Subalit ang mga mata nito ay blangko sobrang hirap basahin kung ano talaga ang nararamdaman nito. Sobrang nagbago na ang kaibigan niya, mas gumanda pa ito lalo. Hindi na katulad ng dating simple lang.
Nanlaki ang mga mata ni Hiraya at napakuyom ng kamao. Parang nanlalamig ang buong katawan niya.
Si Andrea ang nasa harapan niya.
Wala ng iba!
Bumalik na nga ito!
Hindi nga talaga siya namamaklikmata kanina. Ngunit hindi niya maintindihan— kung bumalik na ang dalaga, bakit pa ito nagtatago sa