Chapter: Kabanata 662Si Hector na kanina pa tahimik ay nagsalita, “Nyna, kailangan mong pagbayaran ang ginawa mong krimen. Sabihin mo sa kanila ang totoo at huwag ka ng magsinungaling. I-confess mo ang lahat sa kanila para madali na lang ang proseso. Kapag nagsinungaling ka, batas na ang bahala sa’yo at alam mo kung saa
Huling Na-update: 2025-08-04
Chapter: Kabanata 661Nagkaroon ng problema simula noong natagpuan ang bangkay ng isang dalagang estudyante na pinaslang sa maliit na parke malapit sa UP. Alam ni Lieutenant Roxas kung gaano kakomplikado ang bagay na iyon. Sobrang malaking problema na kahit ang in-laws niya ay lihim na nagtanong sa kanya kung anong nangy
Huling Na-update: 2025-08-03
Chapter: Kabanata 660Maagang natapos ang klase ni Nynaeve kung kaya’t pumunta siya sa library upang tumambay muna roon. Nakita niya si Aemond na seryosong kausap si Mr. Smith kung kaya’t dahan-dahan siyang lumapit sa dalawa. At dahil malakas ang reflexes ni Aemond ay nakita siya ng binata. Nagulat ang lalaki nang sanda
Huling Na-update: 2025-08-03
Chapter: Kabanata 659Bago pa man makaalis si Nynaeve ay nakita nilang nagmamadaling lumapit si Mr. Smith sa kanila. Humahangos pa nga ang lalaki kung kaya’t napakunot ng noo sina Nynaeve at Aemond. “Boss, may gusto po akong ibalita sa inyo. Urgent po!” Nang makita ni Mr. Smith si Nynaeve ay napaiwas ito ng tingin saka
Huling Na-update: 2025-08-01
Chapter: Kabanata 658Marami ang population ng UP, siguro’y umaabot libo-libong estudyante at hundreds na guro ang pumapasok doon. Isabay pa ang mga admin officers at mga security personnel ng paaralan. Kung may nawawala mang estudyante roon ay hindi talaga mapapansin lalo na’t kung outcast ito. Minsan iniisip ng iba na
Huling Na-update: 2025-08-01
Chapter: Kabanata 657Nang matapos ang klase ay mabilis na naglakad si Nynaeve papunta ng parking lot ng university. Doon ay nakita niya si Aemond na nakatayo habang naghihintay sa kanya. Nilapitan niya ito at binati, “Aemond! Ang aga mo naman ata, wala ka ng trabaho sa library? Akala ko seven pa ang out mo?” Kinuha ni
Huling Na-update: 2025-07-31
Chapter: Kabanata 7Nagising si Heather nang may marinig na sermon sa labas ng kanyang silid. “Papasukin niyo ako! Gusto kong kumustahin ang apo’t anak kong si Heather.” “Miss Dianne, nagpapahinga po si Miss Heather, maya na lang po kayo—” “Hindi, gustong makita ang apo ko, NOW na!” sabi ng matanda kaya napapailing na lamang siya. Pilit siyang ngumiti nang makita ang galit na mukha ng matanda. “Moma, anong ginagawa niyo rito?” Inirapan lang siya nito at lumapit sa table upang ilagay ang mga prutas doon. “Bawal ko na bang bisitahin ang anak-anakan at apo ko? Kakarating ko lang galing Paris tapos ganito na ang nabalitaan ko? Ayon sa sekretarya kong si Eunice, wala raw ang pamilya mo sa panganganak mo? Nasaan sila? Sa birthday ng kapatid mo? Aba’t kung nakita ko lang sila pinagmumura ko na!” Si Moma Dianne ay may-ari ng isang sikat na clothing business sa Pinas. Nakilala niya ito dahil minsan na niyang nasagip ang matanda sa isang heart attack sa kalsada. Kung hindi dahil sa kanya ay baka matagal na
Huling Na-update: 2025-08-01
Chapter: Kabanata 6Habang nag-ddrive pauwi sina Cregan kasama sina Erryc, Febbie at kanyang ina, hindi mapigilan ng bata ang magtanong sa ama. “Dad, is Mom okay? I think she's mad at us. Alam niyo po ba ang dahilan, Dad? Maybe she's mad because we celebrated Tita Febbie's birthday,” malungkot na saadni Erryc sa kanyang ama habang yakap-yakap ang Tita Febbie nito. Inunahan naman ni Febbie si Cregan at ito na ang sumagot sa bata, “Alam mo, Erryc. Hindi galit ang mom mo. Galing kasi siya sa panganganak sa sister mo kaya ganyan siya. Pagod lang ang Mommy mo, okay? Huwag kang mag-isip ng ganyan.” Narinig din nila ang bulong ng ina ni Cregan, “Hindi siya galit kung di nagddrama lang ang nanay mo.” Si Cregan ay napatingin sa rearview mirror ng kotse at sinamaan ng tingin ang ina. “Mom, will you please stop?” “Aba totoo naman! Nag-drama lang ang babaeng iyon!” “Tita Febbie, masakit po bang manganak? Kaya siguro galit si Mom kasi wala tayo sa tabi niya… Maybe she really hurt that's why she's mad at us…” “
Huling Na-update: 2025-07-05
Chapter: Kabanata 5Nagising si Heather dahil sa iyak ng kanyang anak na si Erich, hindi na siya nagulat nang makita ang isang nars na nagpapatahan at nagpapahele sa kanyang anak. Ngumiti ng matamis sa kanya ang nars na si Karen, naging kaibigan na rin niyang nars doon. Kahit medyo echoserang froglet ang dalaga ay ayos lang. Ginagawa rin naman kasi nito ang lahat para hindi siya mabagot doon. Na kahit off nito ay bumisita pa rin sa kanya para kamustahin siya. “Hindi ba't off mo ngayon?” tanong ni Heather sa dalaga. Tumango si Karen habang pinapatahan ang baby niya. Dahan-dahan nito itong inilagay sa kanyang braso upang ihiga si Erich sa tabi niya. “Gutom siguro si Baby Erich, padedehin mo na siya.” Kaya naman agad niyang inilabas ang kanyang malusog na dibdib nang walang pag-aalinlangan, mabuti na lang at may gatas ang kanyang dibdib, noong isinilang niya kasi ang panganay niyang si Erryc noon ay ni patak ng gatas ay wala siya. Sobrang nahirapan siya dahil sa pagpapadede ng artificial gatas sa anak n
Huling Na-update: 2025-07-04
Chapter: Kabanata 4Alas tres na ng umaga nang magising si Heather, ramdam niyang may humahaplos sa kanyang pisngi kung kaya’t napamulat siya ng mata. Bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ng kanyang asawa. “I’m sorry, Heather. Hindi ko alam na nasa ospital ka pala,” malungkot na sabi sa kanya ni Cregan, talagang kitang-kita ang pagsisisi sa mukha nito. “Nung tumawag ka, hindi ko marinig ang sinabi mo dahil ang hina ng signal—” “ATE HEATHER! Oh my God! Sorry, hindi namin alam na nanganak ka na pala. This is all my fault, kung hindi ko sana inimbitahan si Cregan at Erryc na pumunta sa party ko hindi na sana mangyayari ito,” naiiyak na sabi ni Febbie sa kanya.Lumapit ang dalaga at niyakap siya ng mahigpit. Dahil sensitive ang kanyang katawan at may tahi pa siya, hindi niya sinasadya naitulak si Febbie. Nagulat ang dalaga pati na ang mga magulang nila sa ginawa niya. “Heather! Ano ka ba naman, bakit ganyan ka? Hindi naman kasalanan ni Febbie ang nangyari sa’yo. Alam ba namin na manganganak ka ngayon?
Huling Na-update: 2025-06-13
Chapter: Kabanata 3“Hindi ka tunay naming anak. Sampid ka lang Heather, ampon ka lang!” Napabalikwas si Heather sa higaan nang mapanaginipang muli ang mga salitang nagpaguho ng kanyang mundo at pagkatao. Tama, isa siyang ampon at recently lang din niya nalaman iyon. Nang malaman ng kanyang ina at ama na mababa ang tsansang magka-anak pa ang mga ito ay napagpasyhan nilang mag-ampon na lang at siya nga ang nakuha, hanggang sa ilang taon ang nakalipas, miraculously nabuntis ang kanyang ina at isinilang si Febbie. Simula noon, nalipat na ang atensyon ng mga magulang niya kay Febbie, noon pa man ay hindi niya maintindihan kung bakit ang unfair ng treatment nito sa kanya, ngayon na-realize niya na kung bakit— dahil ampon lang pala siya. Nang malugi ang kumpanya nila ay wala siyang choice na makasal sa panganay na anak ng mga Madrigal. At dahil gusto niyang makatulong sa mga magulang at umaasang mapapansin din siya ng mga ito kaya naman pumayag siya sa gusto ng mga ito. Sariwang-sariwa pa sa kanya ang usa
Huling Na-update: 2025-06-13
Chapter: Kabanata 2Nang marinig ng mga nars ang sigaw ni Heather ay agad na nagsipasukan ito sa loob. Kitang-kita ang sakit sa mukha ng babae habang hawak-hawak nito ang malaking tiyan. “Manganganak na ata a-ako. Tulungan niyo ako!” sigaw ni Heather sa mga ito kung kaya’t agad siya nitong inasikaso. Ang doktor na kanina’y kausap niya ay naroon din. “Wala pa ba ang asawa mo, misis? Anong klaseng asawa—” Huminga ng malalim ang doktor saka napailing. Siguro na-realize nito na wala ito sa posisyon na sabihin ang gusto nitong sabihin. “Misis, kailangan ng guardian na magpipirma rito sa form, hindi ka namin pwedeng ilagay sa emergency room hangga’t wala pa ang asawa mo—” “A-Ano!? Dito niyo ba ako papa anakin? Amin na ang form na iyan! Ako na lang ang magpipirma, ako ang guardian ng sarili ko! Kahit anong mangyari sa akin ay ako ang mananagot hindi kayo, kaya please lang… Lalabas na ang anak ko! Parang awa niyo na—Ahhh!” sigaw niya habang namimilipit sa sakit. Nararamdaman niya na rin ang ulo ng kanyang an
Huling Na-update: 2025-06-13
Chapter: Kabanata 109| Just trust meDumilim ang mukha niya at bumaba upang kunin ang sparekey ng kwarto ni Hiraya. Habang papaakyat ng hagdan ay tumunog ang kanyang cellphone. Sinagot niya ang tawag habang paakyat, “Kalyx Lee? Anong problema mo? Bakit ka pa tumatawag sa akin?"Kahit na kaibigan ito ni Andrea, hindi rin talaga niya gusto ang ugali nitong si Kalyx. Kung pwede nga lang patayin na nito ay ginawa na niya. Kung hindi lang pumunta sa kanya ang ina nito at ina ni Andrea ay hindi na niya ito tinulongan pa. Mula sa kabilang linya, narinig ang mahinang tawa ng lalaki, "Well, kahit na pinatapon mo ako sa malayo, sobrang laking tulong naman nito sa akin. Mabuti na lang at kaibigan ako ni Andrea kung hindi ay baka sa kulongan ang bagsak ko nito. Ngayon, pwede ba kitang tawaging brother-in-law?"Bahagyang kumunot ang noo ni Reyko, "Kung may sasabihin ka, diretsuhin mo na ako. Busy ako!""Oo naman, alam kong busy ka kaya hindi na ako mag-aaksaya pa ng panahon. Bukas ng gabi ay mag-ce-celebrate kami ng engagement part
Huling Na-update: 2025-07-20
Chapter: Kabanat 108| Nagkulong si Hiraya sa kwartoYumuko si Hiraya at tiningnan ang kanyang cellphone. Ang kalmadong mukha niya ay unti-unting nandilim at nag-aapoy pa ang kanyang mga mata. Ang lahat ng galit na nararamdaman niya kanina ay umabot na sa sukdulan sa sandaling iyon.Nangako sa kanya si Reyko ilang araw pa lang ang nakalipas na hindi ito makikialam sa kaso ng kaibigan niyang si Mayumi! Ano na naman ang plano ng lalaking iyon ngayon?Mabilis niyang tinawagan ang numero ni Reyko. Sumusobra na talaga ang lalaking iyon, manganganak na talaga siya dahil sa sobrang stress niya sa lalaki! Napamura siya sa kanyang isipan nang hindi man lang ito sumasagot. Ilang minuto ang nakalipas ay may humintong kotse sa kanya, pagkalingon niya ay naroon na ang driver niya. Saktong pagpasok niya ay sumagot ang gago niyang asawa. “Reyko, nasaan ka?”“Akala ko nakalimutan mo ng may asawa ka pa?” kalmadong tanong ni Reyko sa kanya. Nakalimutan? Kailangan niya bang maalala ang gagong ito? Naalala niya pa nga dati na pag tumawag siya, agad siya
Huling Na-update: 2025-07-20
Chapter: Kabanata 107| May kinalaman si ReykoPaglabas ni Hiraya sa ospital, gabing-gabi na rin iyon. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nagulat sa nakitang napakaraming missed calls doon. Galing iyon kay Reyko, Marco at ang kapatid ni Mayumi. Ang huling tumawag ay si Attorney Reyes na mas ikinagulat niya. May nangyari kayang masama? Sa isip-isip niya. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa’t tinawagan ulit si Attorney Reyes. Agad-agad naman nitong sinagot ang tawag para bang kanina pa ito hinihintay ang call back niya. “Mrs. Takahashi..” Medyo nagmamadali ang boses ni Attorney Reyes, “Hindi maganda ang sitwasyon ngayon…”Biglang nanigas ang katawan ni Hiraya nang marinig ang sinabi ng attorney. Pagkatapos ng ilang sandali, nagtanong siya, “Ano? Anong nangyari? Tumawag ang kapatid ni Mayumi sa akin, tungkol ba iyon sa kanya?”“Hindi, hindi siya…” Medyo natataranta ang boses ni Atty. Reyes kung kaya’t kinabahan siya ng malala. “Eh ‘di sino?” tanong ulit ni Hiraya.“Si Mr. Takahashi.”Mahina ang boses ni Attorney Reyes, pero para
Huling Na-update: 2025-07-20
Chapter: Kabanata 106| The truth behind the incidentParang biglang nanlamig ang puso ni Hiraya nang marinig ang sinabi ni Mayumi. “Mayumi… Seryoso ka ba talaga?” Tumango si Mayumi at ngumiti ng matamis. “Oo naman. May kasalanan sila sa akin kung kaya't bakit ako magba-backout? Ano ang rason kung bakit hindi ako lalaban? Ang lalaking iyon! Magbabayad siya sa ginawa niya sa akin!” basag ang boses na sabi ni Mayumi. Nakaramdam ng kaba si Hiraya, sobrang nag-aalala siya sa mangyayari sa hinaharap. "Mayumi..."“Hiraya, hayaan mo ako. Huwag ka ring matakot sa asawa mo. Kahit anong pananakot niya sa'yo huwag na huwag mo siyang papansinin. Sino ba siya? Pareho lang naman tayong mga tao at ginawa ng Diyos. Kung gusto mong hiwalayan siya, hiwalayan mo. Huwag mo na kaming isipan pa,” naiiyak na sabi ni Mayumi habang hawak-hawak ang kamay niya. "Noong nalaman kong buntis ka at si Reyko ang ama ay sobrang natakot talaga ako. Kilala ko kasi ang lalaking iyon pero alam mo, nanalangin ako sa poong maykapal na sana tratuhin ka niya ng mabuti dahil
Huling Na-update: 2025-07-04
Chapter: Kabanata 105| A call from AlenaOn the way na sana si Hiraya upang kitain si Marco nang may natanggap siyang tawag mula kay Alena. Sabi ng nasa kabilang linya ay nahulog daw si Mayumi sa hagdan ng kanilang mansyon at ngayon ay naka-admit sa ospital upang bigyang lunas ang mga sugat at bali sa katawan. Agad na sinabi niya sa kanyang driver na bumalik at pumunta sa address ng ospital. Nang makarating sila roon ay lakad-takbo ang ginawa ni Hiraya habang hawak-hawak ang kanyang maliit na umbok ng tiyan. Maingat siyang tumakbo papunta sa operating room kung saan naroon ang kanyang kaibigan. Nakita niya roon si Alena na umiiyak kung kaya't nilapitan niya ito. “A-Ano ang nangyari?” tanong niya kay Alena nang makalapit siya sa dalaga. “Pupunta sana kami sa’yo at yayayain ko sana siyang magliwaliw dahil alam kong marami na siyang iniisip pero n-nang makarating ako sa loob ng kanilang bahay nakita ko na siyang duguan at nakahandusay sa ibaba ng hagdan.” Si Alena ay nanginginig ang katawan pati na ang labi nito habang nag
Huling Na-update: 2025-05-25
Chapter: Kabanata 104|Napataas ng kilay si Reyko dahil sa sinabi ni Hiraya. Kita niya ang pagyuko ng asawa sa kanya, hindi man lang niya alam kung ano nga ba ang ekspresyon nito. Kung umiiyak na ba ito o ano. Ngunit sa tingin ni Reyko ay malungkot ang babae. "Ano pa ba ang silbi kapag sinabi ko sa'yo ang problema ko? Wala ka na rin namang pakialam sa akin, tama? Hindi naman ako humingi ng tulong sa'yo, kaya ko namang solusyon ang lahat ng ito basta't huwag ka na lamang makialam sa akin. Please lang," sabi nito sa kanya. Ang boses nito ay malumanay at rinig din niya ang mahihinang hikbi nito. Napakuyom naman ng kamao si Reyko hanggang sa nagsilabasan na ang mga ugat nito sa kamay dahil sa sobrang ini. Ngayon na alam na niyang may problema ang asawa, hindi niya ito papalampasin. Hindi niya makakayang huwag pansinin ang mga nangyayari dahil wala rin naman talaga siyang pakialam doon sa kaibigan ng first love niya. Hinding-hindi niya iyon papalampasin kahit na kaibigan pa ito ni Andrea. Nanginginig ang kata
Huling Na-update: 2025-05-17