Chapter 02
Vince POV Pagpasok ko sa campus, agad kong napansin ang grupo ng mga estudyanteng nagkakagulo sa hallway. Isa na namang eksena ng pambu-bully ang nagaganap, pero hindi na ako nagulat. Sanay na ako sa ganitong tagpo sa paaralang ito. Napansin ko si Alfred, isa sa mga kaibigan ko, na paparating. "Tol, ang tagal mo," sabi niya habang inilalapit ang mukha para bumulong. "May bagong biktima na naman ‘yung grupo nila Sabrina." "At ano naman ang bago ro’n?" sagot ko nang walang interes. "Eh, nerd kasi, tol. Tsaka transferee pa. Alam mo naman dito, parang pusa ‘yang mga ‘yan—mahilig mangalabit ng bago." "Tsk… Wala akong paki," sagot ko habang naglalakad kami papunta sa classroom. Pagdating namin sa classroom, umupo agad ako sa paborito kong spot sa ikaapat na upuan. Habang wala pa si Prof, nilabas ko ang cellphone ko at nagsimula nang maglaro ng Mobile Legends. Nasa kalagitnaan ako ng laro nang mapansin kong dumating na pala si Prof kasama ang kambal na sina Mae at Leah. Napangiti ako ng bahagya. Sila ang tinatawag na Angels of the University—magaganda, matatalino, at mababait. Pero agad ding napawi ang ngiti ko nang makita ko ang kasama nila. Isang babaeng nerd na may makapal na salamin, kulot na buhok na parang hindi nasuklay, at tila walang pakialam sa mundo. "Ah, excuse me," sabi ng nerd habang pilit na dumadaan sa tabi ko. Umusog ako nang kaunti para bigyang-daan siya. Napansin kong kahit mukhang hindi siya naliligo, may kakaiba siyang bango. Pinandilatan ko lang siya ng mata at binalik ang atensyon ko sa laro. Pagkatapos ng ilang saglit, sinimulan ni Prof ang klase at nagbigay agad ng exam. Multiple choice, 1 to 50. Akala ko madali lang, pero 45 lang ang nakuha ko. "Mr. Rosales, congratulations, ikaw ang may pinakamataas na score sa exam… except for one," sabi ni Prof. Nagulat ako. Sino ang nakatalo sa akin? Tumingin ako sa paligid at nakita kong tumayo ang nerd na tinawag niyang "Miss Safara Gomez." "For the first time, may naka-perfect score sa klase. Congrats, Miss Gomez!" dagdag ni Prof, habang nagpalakpakan ang buong klase. Nabigla ang lahat. Hindi makapaniwala ang mga kaklase ko, lalo na ang grupo nila Sabrina. "Siguradong may kodigo ‘yan," bulong ni Sabrina sa mga alipores niya. Nang makalabas si Prof, nilapitan agad nila ang nerd. "Hoy, nerd! Aminin mo na, may kodigo ka, ‘di ba?" sigaw ni Sabrina habang inaagaw ang bag ni Safara. Naghulog ang mga gamit niya sa sahig, at sinimulan nilang apakan ang mga ito. Hindi nag-react si Safara, pero kitang-kita ang panginginig niya. Akma nang pupunitin ni Sabrina ang notebook ng nerd nang biglang may pumigil sa kanya. "Don't," malamig na sabi ni Leah habang hinawakan ang kamay ni Sabrina. "Kapag hindi mo tinigilan ‘yan, susumbong talaga kita kay Daddy," dagdag ni Mae, na halatang seryoso. "Ano bang meron sa nerd na ‘yan? Bakit siya pinoprotektahan ng kambal?" tanong ng isa sa mga alipores ni Sabrina. "Hali ka na, Safara. Kanina pa kami naghihintay," sabi ni Mae habang hinahatak si Safara papalayo. "Sandali lang, Ate. Pupulutin ko lang ang gamit ko," mahinang sagot ni Safara. "Huwag na. Bili na lang tayo ng bago," sabi ni Leah. "Pero sayang naman," sagot ni Safara. "Maraming bata ang nangangailangan ng gamit." Napailing ang kambal at nagsimulang tumulong sa pagpulot ng gamit. Habang ginagawa nila ito, napansin kong tahimik na nanonood ang kuya kong si Darwin. Engineer ang kurso niya, at palaging hinahangaan ng mga tao dito, lalo na ng mga babaeng tulad ni Sabrina. "Hi, Mae. Hi, Leah," bati ni Darwin. "Kuya Darwin!" sigaw ni Sabrina na parang aligaga. "Hindi ko alam na ‘angels’ din pala ang tingin mo sa kanila," sabi ko kay Darwin habang nakangisi. Nginitian lang niya ako. "Oh, Vince, mag-lunch ka na." "Oo, mamaya na," sagot ko, habang tinatawanan ang masyadong pabibo ni Sabrina. Pagdating sa court para mag-practice, hindi ko mapigilang pag-usapan ang nangyari. "Vince, mukhang may karibal ka na sa pagiging top 1," sabi ni Alfred habang nagda-dribble ng bola. "Tsk… Pabayaan mo siya," sagot ko habang nag-stretching. "Kung ako sa’yo, ligawan mo na si Nerd," biro ni Jonathan. "Ha! Sino bang magtatangkang ligawan ‘yon?" sabat ni Alfred habang tumatawa. Pero tumigil sila nang seryosong magsalita si Kent, "Pustahan tayo. Kapag binasted ka ni Nerd, bibigyan ko kayo ng tig-iisang milyon." Nagkatinginan kaming lahat. Agad akong ngumiti. "Deal." May tatlong buwan akong nakalaan para gawin ang pustahan. Pero habang iniisip ko ang plano, hindi ko maiwasang magtanong sa sarili—bakit nga ba parang gusto ko siyang makilala?