Kabanata 03
Safara POV Tahimik akong naupo sa upuan na itinuro ng professor, hawak ang aking notebook, at pilit na iniiwasan ang anumang mata na nakatuon sa akin. Ang katabi ko, si Vince Rosales, ay halatang hindi natuwa na may bagong upong inilapit sa kanya. Malinaw iyon sa kanyang ekspresyon—malamig, matalim, at puno ng yabang. Mukha siyang palaging nasa sentro ng atensyon, kaya siguro hindi niya ikinatuwa na may kasamang bagong mukha. Habang nagsisimula ang discussion, iniwasan kong magpakita ng anumang emosyon. Pinilit kong mag-focus sa lecture tungkol sa Economics, na talagang kinagigiliwan ko. Sa kabila ng lahat ng bulung-bulungan at mga mapanghusgang tingin, determinado akong makapasa. “Miss Gomez,” tawag ng professor, na ikinagulat ko. “Siguraduhin mong matutulungan mo si Mr. Rosales sa mga discussions kung kinakailangan. Mukhang mahina siya sa mga nakaraang exams, lalo na ngayon!" sabi niya sa akin. Napatingin ako kay Vince, na tila napikon sa sinabi ng professor. “Hindi ko kailangan ng tutor,” malamig niyang sabi, ngunit hindi na siya sinagot ng propesor. Pagkatapos niyang sabihin ay agad naman nag bulong-bulungan ang mga ka-klase namin na parang bubuyog dahil sa sagot ni Vince sa aming Prof. Pero hinayaan ko na lamang sila at agad binalik ang aking atensyon sa aking ginawa. Kasulukuyang kasi ako gumuhit kung anu-ano. Katunayan nga ay naiguhit ko na ang pamilyang Alcantara at laking tuwa ko dahil isinabit ito sa kanilang sala. Pagkatapos ng klase, mabilis kong inayos ang mga gamit ko, nagbabakasakaling makalabas ng classroom bago pa ako abalahin ng iba. Pero mabilis si Vince. Tumayo siya at hinarang ang daanan ko, na para bang nasaktan ang pride niya sa sinabi ng professor kanina. “Taga-saan ka?” tanong niya, ang tono niya’y halatang nagmamasid. “Baguhan lang ako rito,” sagot ko nang mahinahon, iniiwasang magalit o mainis. “Hmph,” tumikhim siya, tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. “Mukha kang seryoso at nerd. Pero mag-ingat ka rito. Hindi lahat ng tao dito kasing bait ng inaakala mo," sambit niya sa akin. Hindi ko alam kung babala iyon o panunuya, kaya tahimik na lang akong tumango at tumabi para makadaan. Narinig ko pa ang kanyang mahinang buntong-hininga habang naglalakad ako palayo. Sa tanghalian, tulad ng sinabi nila Ate Leah at Ate Mae, nandoon sina Mae at Leah sa ilalim ng malaking puno sa courtyard. Hinintay nila ako, may dalang dagdag na pagkain tulad ng dati. “Ano, kumusta ang first day mo?” tanong ni Mae habang nag-aabot ng sandwich. “Okay lang,” sagot ko. “Medyo nakakapanibago," agad kong sagot. “Balita namin, si Vince Rosales ang katabi mo sa klase,” dagdag ni Leah, na halatang naintriga. "Oo," sagot ko. "Pero wala naman siyang ginawang masama?" sagot ko sa kanila. “Si Vince? Siya ang tagapagmana ng Rosales Shipping Empire,” ani Leah. “Kilala siya rito bilang ‘untouchable.’ Wala siyang pakialam sa sinuman, kaya mag-ingat ka," paalala niya sa akin. “Pabayaan mo na ‘yan,” sabi ni Mae habang ngumunguya. “Hindi ka dapat maapektuhan ng mga tulad niya," bigkas nito habang busy ito sa pagkain. Tumango ako, pinipilit kumbinsihin ang sarili na hindi ko kailangang magpaapekto sa sinuman. Pagkatapos ng klase, bumalik ako sa mansyon ng Altacara. Ang mansyon na ito ang nagsilbing kanlungan ko mula sa mapanghusgang mundo. Si Mrs. Altacara ang nagbigay sa akin ng suporta sa kabila ng mga hamon sa buhay. “Safara, kumusta ang unang araw mo?” tanong ni Mrs. Altacara habang iniabot ang tray ng snacks. “Medyo mahirap, pero kinakaya ko naman, ma’am,” sagot ko nang may ngiti. “Mabuti. Tandaan mo, hindi mo kailangang patunayan ang sarili mo sa sinuman. Basta gawin mo lang ang makakaya mo,” paalala niya. Tumango ako, nagpapasalamat sa kanyang pagmamalasakit. Habang abala ako sa pagbabasa ng mga notes sa kwarto, bumalik sa isip ko ang kakaibang titig ni Vince Rosales. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may iba sa kanya. Gayunpaman, alam kong hindi ko dapat hayaan na magulo ang focus ko. Sa ngayon, ang tanging mahalaga ay ang pag-aaral at pagtupad sa pangako ko sa sarili at sa aking ina. Kailangan kong makapagtapos ng pag-aaral upang mabigyan ko ng maayos na tirahan ang aking ina.Last ChapterThird Person POVMabilis lumipas ang panahon. Mula sa maliit na pangarap ni Selena na maging tanyag na modelo, ngayon ay isa na siyang sikat at hinahangaan hindi lamang sa buong Europa kundi pati na rin sa Asia. Ang kanyang pangalan ay palaging laman ng mga fashion magazine, at ang kanyang lakad sa runway ay palaging pinapalakpakan.Ngunit sa likod ng kanyang kasikatan, hindi niya kailanman nakalimutang bumalik sa pinanggalingan. Tuwing may bakasyon, agad siyang umuuwi sa Pilipinas para makasama ang kanyang pamilya. Sa paglipas ng mga taon, lalo lamang tumibay ang ugnayan nilang mag-anak—si Vince na laging proud sa kanyang anak, si Safara na hindi nawawalan ng luha tuwing iniinterbyu ang anak sa TV, at ang kambal na sina Seth at Sethea na palaging proud sabay sigaw ng "Ate namin 'yan!"Sa huling eksena ng kwento, makikita si Selena na nakatayo sa backstage ng isang malaking event sa Paris. Hawak niya ang isang maliit na kahon, at nang buksan niya ito, isang liham at kuwin
“Thank you, Mom and Dad. Hindi ko kayo bibiguin. Aabutin ko ang pangarap ko para sa inyong lahat,” ngiti kong sabi habang yakap ko silang dalawa.Ramdam ko ang mahigpit na yakap ni Mommy sa akin, habang si Daddy naman ay hinimas ang aking buhok. “Alam naming kaya mo 'yan, anak,” malambing na sagot ni Mom. “At kahit gaano kalayo, lagi kaming nasa likod mo.”Sa mga sandaling 'yon, alam kong kahit saan man ako dalhin ng landas ng pangarap ko, may uuwian pa rin akong tahanan—ang pamilya kong laging naniniwala sa akin.Hanggang nagpasyahan kong pumasok sa loob ng silid upang mag-ayos ng gamit. Kunti lang ang dinala ko dahil ayon kay Tita Mea, may mga damit na raw na nakaabang para sa akin doon—mga gown, sapatos, at accessories na siya mismo ang pumili. Habang inaayos ko ang iilang personal na gamit sa maleta, hindi ko maiwasang mapangiti. Ito na ang simula ng pangarap ko, ang unang hakbang patungo sa mundo ng pagmomodelo.Habang inilalagay ko ang paborito kong cologne at picture frame nami
Selena POV Masaya ako sa mga panahong nabuo ang aming pamilya. Ngayon ay 23 years old na ako, at ang dalawa kong kapatid na kambal—sina Seth at Sethea—ay 13 years old na. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, nasa likod ako ni Mommy habang nagtatago kay Daddy dahil ayaw kong magpa-goodnight kiss. Ngayon, college graduate na ako at may sarili nang mga pangarap. Pero kahit may kanya-kanya na kaming mundo, nananatili pa rin kaming buo—masaya at matatag. Si Mommy at Daddy, para pa ring magkasintahang laging nagpapakilig sa isa't isa. Si Seth at Sethea naman, kahit palaging nagtutuksuhan, ay hindi mapaghiwalay at sobrang protective sa isa’t isa. Minsan naiisip ko, ang swerte namin. Hindi man naging madali ang pinagdaanan nina Mommy at Daddy, pinili pa rin nilang lumaban—hindi lang para sa isa’t isa, kundi para sa amin. At ngayon, habang nakaupo ako sa garden ng mansion na puno ng tanim ni Mommy, at rinig ang tawanan ng kambal sa background, hindi ko maiwasang mapangiti. Ito ang bu
Special ChapterThird Person POVLumipas ang maraming taon at naging masaya at tahimik ang pagsasama nina Vince at Safara. Sa kabila ng mga pagsubok at hindi pagkakaunawaan noong nakaraan, unti-unti nilang naitayo ang isang pamilyang puno ng pagmamahalan, respeto, at pagkakaintindihan.Si Safara, na dating palaban at masungit, ay naging isang mapagmahal at maalagang ina. Sa bawat umaga, siya ang unang gumigising upang ihanda ang almusal ng pamilya, palaging may ngiti sa labi habang pinapanood ang kambal nilang sina Selene at Seth na masayang naglalaro sa sala. Si Vince naman, sa kabila ng pagiging abala sa negosyo, ay siniguradong may oras siya para sa kanyang pamilya. Tuwing gabi, hindi siya pumapayag na hindi mabasa ng kwento ang kambal bago matulog.Ang kanilang bahay ay puno ng halakhak at masasayang alaala. Sa bakuran, nagtayo si Vince ng mini playground para sa mga bata. Si Safara naman ay nagtanim ng mga bulaklak at halamang gamot sa gilid ng bahay—isang paalala ng kanyang pagi
Chapter 65The finally.......Safara POV"Love, kunin mo na si Spy. Nilalawayan na naman ako!" reklamo ni Vince habang nilalaplap siya ng alaga naming aso."Bigyan mo kasi ng pasalubong!" sagot ko habang nakangiti."Oo na! Spy, stop na. Nasa kotse ang pasalubong mo, kunin mo na.""Aw! Aw! Aw!"Tumahol si Spy, sabay wag ng buntot at kumaripas palabas. Ilang minuto lang, bumalik ito—may dala nang dog food sa bibig."Wow, very good naman ang Spy natin!" sabay himas ko sa ulo niya.Vince POVAndito ako ngayon sa hospital. Manganganak na si Safara.Ang mga kaibigan namin, pamilya ni Safara, pati sina Mama, Papa at ang panganay naming anak na si Selena, lahat sila dumating. Ako naman, pabalik-balik sa hallway, hindi ko alam kung saan pupunta o anong gagawin. Halos himatayin ako sa kaba.Hanggang sa... may narinig akong munting iyak."Did you hear that?" tanong ko kay Alfred."Oo, tol."Pinat pat ako ni Dad sa balikat."Congrats, anak. Daddy ka na talaga! Be a good man to your family."Tuman
Chapter 55 – "Princess, Spy, at ang Buntis na Bride"Safara POVAng bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang, umiiyak ako sa ospital, tapos ngayon… KASAL KO NA.Andito lahat ng mga kaibigan ko, pati si Selena — ang panganay naming anak ni Vince. Hindi na ako nagtaka kung bakit sobrang ayos at elegant ng lahat ng detalye. Inako lahat ng pamilya ng Altacara, mula sa gown, pagkain, hanggang sa honeymoon. Napaka-swerte ko talaga.Habang binibihisan nila ako, pakiramdam ko isa akong princess sa sariling fairy tale. Ang gown ko ay parang hinabi sa ulap. May mga swarovski pa raw ‘yon, sabi ni Ate Leah.“Perfect! Gandang-ganda ako sa’yo, girl. Parang ka talagang prinsesa!”Napatingin ako sa salamin. Hindi ko mapigilang mamangha.“Wow... Ako ba ‘to?”“Yes! At take note, hindi pa yan full glam, natural ka nang maganda. Sige na, lumabas ka na—baka mainip na ang pogi mong groom.”Ngumiti ako. Buong puso.---Natapos ang kasal.Maraming bumati sa amin. Sobrang saya ng lahat. Pagkatapos ng recep