(Flashback: Official bodyguard)
"CONGRATS! You're my official bodyguard from now on." Nakangiting sabi ni ma'am Ohani habang katabi niya na nakaupo sa sofa ang kanyang daddy.
Nakasuot lang sila ng pambahay kagaya ko dahil syempre nasa bahay lang naman kami pero may pinagkaiba pa rin naman, dahil 'yong mga suot nila ay mamahalin—iyong akin lang ang hindi. Binili ko lang kasi ito sa may ukay-ukay ngunit hindi naman na halata dahil branded naman ang tela HAHAHA.
Napayuko na lamang ako.
Dapat ba talaga akong matuwa? Hindi ko talaga gustong maging bodyguard niya pero no choice naman ako.
"Dad, isn't he happy?" Rinig kong pabulong na tanong ni ma'am Ohani sa kanyang ama, kaya napatingala naman ako.
"Hindi naman po sa gano'n, ma'am. Medyo masama lang po ang pakiramdam ko ngayon." Saad ko.
Nanghihinayang pa rin talaga ako, dahil nagugustuhan ko na ang trabaho ko bilang right-hand man ni Mr. Sheldon tapos bumalik na naman ulit ako ngayon sa pagiging bodyguard.
"What's your problem? Tell me, ma