
CEO'S EX-WIFE TURNED THIEF
Kagaya ng ibang mag-asawa, nauwi rin sa hiwalayan sina Hunter at Athana. Maging si Athana ay hindi rin makapaniwalang nauwi lang sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.
Nang umalis si Athana sa puder ni Hunter, hindi niya alam na buntis na pala siya sa kanilang kambal na anak ni Hunter. Sobrang sakit para sa kanya tuwing iisipin niya na hindi na niya mabibigyan pa ng kompletong pamilya ang kanyang mga anak.
Sa kasamaang palad, naaksidente si Athana. Ngunit, safe naman ang kanyang kambal na anak. Ang malaking epekto lang sa kanya ay pansamantalang nawala ang kanyang mga ala-ala. Ayon din sa doktor, himala nga raw ang nangyari sa kanilang mag-iina, dahil mabilis din na naka-recover ang katawan ni Athana. Nagulat din siya nang malaman niyang may kambal na anak pala siya.
Pagkalipas ng ilang taon, napalaki naman ni Athana ng maayos at mapagmahal ang kanyang kambal na anak na sina Ather at Thana.
Sa pagpasok ni Athana bilang isa sa mga pinuno ng gang ng mga magnanakaw. Muling magtatagpo ang mga landas nilang dalawa ni Hunter, ang kanyang dating asawa.
Ano kaya ang mararamdaman ni Hunter kapag muli niyang nakita ang kanyang dating asawa na kabilang na ngayon sa isa sa mga pinuno ng mga magnanakaw?
Read
Chapter: Chapter 19.1Lumabas muna si Athana pagkatapos niyang magligpit ng pinagkainan nila dahil si Hunter na ang nagboluntaryo na maghugas. Pinapasok na rin niya silang lahat sa loob dahil masyado pang mainit sa labas.Pinalitan niya muna ng damit ang kanyang mga anak dahil pawis na pawis na ang mga ito kakatakbo. Lumabas kaagad ang mga bata pagkatapos niya itong bihisan.“Sandali,” mahinang sigaw niya nang hindi pa siya tapos na lagyan ng panyo ang likod ng kanyang mga anak.Dali-dali naman na lumabas si Athana at naabutan niyang nakakandong na ang mga bata sa kanilang ama. Busy na rin yung iba dahil tumutulong sila kina Yvonne at Tyler na gumawa ng palamig at ice cream.“Hay naku. Ang kulit talaga.” Nanggigigil naman na pinisil ni Athana ang ilong ng kanyang mga anak habang nakangisi ang mga ito.Napatingin naman si Athana kay Hunter. “Lalagyan ko muna sila nito. Ang lilikot kasi.” aniya.Ngumiti lang si Hunter sa kanya. Nakakandong pa rin ang mga bata kay Hunter habang nilalagyan niya ng panyo ang li
Last Updated: 2025-05-26
Chapter: Chapter 19KINABUKASAN, bumisita sina Jugs maliban lang kay Gun.“Bakit wala si Gun? Hindi ba niya kami namimiss?” pabirong tanong ni Bel. Natawa naman si Shine.Nagkibit-balikat naman sina Prince at Drew. Napatingin naman sina Athana, Shine, at Bel kay Jugs na busy sa pakikipaglaro sa dalawang bata. At nang mapansin ni Jugs na may nakatitig sa kanya ay saka pa siya nagsalita.“Ang sabi niya lang sa’kin kanina ay may importante siyang gagawin kaya hindi siya sumama sa amin ngayon,” aniya.“Ano naman ang gagawin niya? Hindi ko naman siya inutusan dahil alam kong delikado pa na bumalik doon,” saad naman ni Athana.“Ewan ko ba ro’n, Ms. Eight. Hayaan mo, sa susunod isasama na namin ‘yon.” aniya.“Oo nga pala, kumain na ba kayong tatlo?” tanong naman ni Athana.“Hindi pa, Ms. Eight. Niyaya kasi namin kanina si Gun na kumain malapit dito para pagkatapos ay didiretso na agad kami rito kaso biglang nagmamadaling umalis, kaya dumiretso nalang kami rito.” tugon naman ni Drew habang inaayos nito ngayon an
Last Updated: 2025-05-25
Chapter: Chapter 18.2“MOMMA, ang pogi niya,” kinikilig na bulong ni Thana habang nakakandong siya sa kanyang ina.Natawa naman si Athana at saka niya pinisil ang tungki ng ilong ng kanyang anak, habang si Ather naman ay nakikipaglaro kina Yvonne at Tyler. Lumabas din muna si Hunter upang magpahangin.“Ikaw ah, sinong nagturo sa’yo n’yan?” tanong niya rito.“Sina Ate Bel at Ate Shine,” proud pa nitong sagot sa kanyang ina.Napatingin naman si Athana sa bitbit ngayon ni Hunter na maraming mga laruan.“Wow! Look, momma.” Tinuro pa ni Thana ang nakita niyang barbie doll na hawak ngayon ni Hunter.Ngumiti naman si Hunter sa dalawang bata. “Do you want these toys? Come, and hug me first.”Dali-dali naman na bumaba si Thana at lumapit agad ito kay Hunter.“Hug,” saad ni Hunter at malawak na nakaawang ang kanyang mga braso upang hintayin ang yakap ng kanyang anak na si Thana.Sumulyap pa si Thana sa kanyang ina bago nito niyakap ang kanyang ama. Matagal din na pinakawalan ni Hunter ang kanyang anak bago niya ibin
Last Updated: 2025-05-25
Chapter: Chapter 18.1PAGKAGISING ni Athana bumungad kaagad sa kanya sina Yvonne, Tyler, at Hunter na nakaupo sa sala. Agad niya ring nilapitan ang mga ito.“Nandito pala kayo. Sana ginising niyo ako.” Aniya at umupo siya sa tabi ni Yvonne.Kaharap nila ngayon si Tyler at si Hunter na seryoso ang tingin sa kanya.“Galit ba siya dahil hindi pa kami naglinis dito sa bahay niya?” tanong ni Athana sa kanyang sarili nang makita niyang seryosong nakatitig lang sa kanya si Hunter.“Uhm… p-pasensya ka na. Hindi pa kami nakapaglinis dito dahil pagod pa kaming lahat at ilang oras lang din kasi yung tulog namin kanina.” kinakabahan na paliwanag niya.Umiling naman si Hunter. “It's okay. It's just…. something is bothering me.”Napakunot naman ang noo ni Athana. “Ano ‘yon? Tungkol ba sa akin o sa mga kasamahan ko?” tanong niya rito.Napatingin naman ako sa kamay kong hinawakan ni Yvonne.“Athana, tumingin ka sa’kin.” Saad niya na agad ko rin naman na ginawa.Nagtataka naman na tiningnan ni Athana si Yvonne. Mukhang may
Last Updated: 2025-05-17
Chapter: Chapter 18ISA-ISA silang tiningnan ni Hunter. Nahihiya naman na tumingin si Athana kay Hunter pagkatapos niyang ipakilala rito ang kanyang mga kasamahan sa trabaho, maliban lang kay Gun at sa kambal na anak niya dahil nasa loob lang ito ng sasakyan nila. Nandito rin sila ngayon sa labas ng Luxcious Hospital. Nakasuot rin ng formal attire si Hunter ngayon dahil kagagaling lang daw nito sa isang important meeting with their clients.“Uhm… pasensya ka na. Kailangan ko talaga ng tulong mo ngayon.” Nahihiyang sabi niya.“No, no, it’s okay… I just didn’t expect na marami ka palang kasama,” saad nito.Napahawak naman si Shine sa braso ni Athana at bumulong ito sa kanya. “Ms. Eight, nakakakilig ‘pag nagtatagalog siya.” At pagkatapos umayos ito ng tayo.Napansin naman ni Hunter na napangiti si Athana kaya nag-iwas ito ng tingin.“Uhm… let’s go? Sundan n’yo nalang ako.” Saad ni Hunter at tumalikod na ito.Pabiro naman na kinurot ni Athana ang tagiliran ni Shine dahilan upang mapangiti ito, at bumalik na
Last Updated: 2025-04-19
Chapter: Chapter 17.3Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha ni Athana nang binawian na ng buhay si Ms. Six. Napayuko siya at hinaplos ang talukap ng mga mata ni Ms. Six upang ipikit ang ito.“Mamimiss kita... Salamat, dahil naging mabuti ka sa’kin.” Saad ni Athana sa kanyang isipan.Naalarma naman silang apat sa loob nang bigla silang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril na mula sa labas. Napatakbo kaagad silang apat palabas ng hideout nila Ms. Six. Nakita nila ang dalawang lalaking nakahilata na sa may daan malapit sa kanilang sasakyan. Mabuti nalang din at bulletproof ang kanilang van kaya hindi tumagos ang mga bala sa loob.Dali-dali na silang pumasok sa loob ng van at agad naman itong pinaandar ni Gun.Umiiyak na rin ngayon ang dalawang bata dahil sa takot.“Shhh… andito na si momma. Hindi hahayaan ni momma na may mangyaring masama sa inyo.” aniya habang yakap-yakap niya ang kanyang dalawang anak.Tumulong na rin sina Bel at Shine sa pagpapatahan sa dalawang bata hanggang sa muling makatulog si Th
Last Updated: 2025-04-14
HUSBAND OF A SPOILED BRAT BILLIONAIRE
Ohani Zuvittri Madrid is one of the most famous billionaire daughters in the world of business. She's beautiful, smart, lazy, and a spoiled brat billionaire.
Rufus Madrid is Mr. Sheldon Zuvittri's right-hand man. He's handsome, loyal, and a trustworthy person.
Before her father passed away, he arranged the marriage of his daughter, Ohani to Rufus Madrid, his right-hand man; because he didn't want her to be alone in life once he was gone. Rufus was the only man he trusted to take care of his daughter, knowing that Rufus was well-acquainted with her personality.
Will Rufus be able to endure being married to a spoiled brat billionaire?
Read
Chapter: Kabanata 50DALAWANG BUWAN na ang lumipas pero parang kahapon lang ako pumayag kay Mr. Sheldon na papakasalan ko ang anak niya. At ngayon, naghahanda na kami para sa kasal namin bukas ni Ohani. Napagkasunduan din namin na simpleng wedding lang, at sa beach gaganapin dahil sina Auntie Olla, Madam Meran, Tana, Ferris, at si Mr. Sheldon lang naman ang dadalo bukas sa kasal namin ni Ohani.Sa loob din ng dalawang buwan na 'yon ay maraming nagbago. Biglang bumait sa'kin si Ohani at hindi ko na rin maintindihan yung nararamdaman ko ngayon. Bigla nalang akong ngumingiti kapag hinahanap niya ako, at nagiging maganda na rin ang gising ko tuwing umaga.Pumasok na agad ako sa kuwarto ko pagkabigay ni Madam Meran sa'kin ng susuotin ko bukas para sa kasal. Dali-dali ko naman itong inilapag sa aking kama at pinagmamasdan ko ito habang nakatayo lang ako. Inilagay ko na rin ito sa closet ko pagkatapos at nagpahangin muna ako labas, sa may balcony.Pagkatapos kong magpahangin, babalik na sana ako sa loob ng bigla
Last Updated: 2025-05-08
Chapter: Kabanata 49(Flashback)Rufus's POV:"GUSTO KONG PAKASALAN MO ANG ANAK KO." Halos mabingi ako sa sinabi ni Mr. Sheldon.Pinapunta ako rito ni Mr. Sheldon sa may garden dahil gusto niya raw akong makausap at sakto rin dahil day off ko ngayon. Hindi ko rin alam na ito pala ang gusto niyang pag-usapan namin ngayon kaya sobrang nagulat talaga ako. Sino ba naman ako para ipakasal sa anak niya."Gusto kong maranasan na ihatid ang anak ko sa altar sa araw ng kanyang kasal... bago ako mawala rito sa mundo," malungkot ang kanyang mga mata nang sabihin niya ang mga salitang 'yon.Kumunot naman ang noo ko. "Ano po ang ibig mong sabihin, Mr. Sheldon?" tanong ko.May inabot siya sa akin na isang papel at agad ko naman iyong kinuha. Natahimik naman ako nang makita ko ang nakasulat sa mismong papel."M-may... cancer po kayo? Puwede naman po kayong magpagamot. May pag-asa pa pong mawala yung sakit mo." sabi ko.Umiling naman si Mr. Sheldon. "Matanda na ako, Rufus. Gusto ko na rin makapiling ang mommy ni Hani. Mi
Last Updated: 2025-05-07
Chapter: Kabanata 48Ohani's POV:Lumipas ang ilang taon...."Hubby, what are you doing?" I confusedly asked him dahil iniimpake niya ngayon ang mga gamit namin.Saglit niya akong sinulyapan at muling itinuon ang kanyang atensyon sa kanyang ginagawa. Lumapit na ako sa kanya at pinigilan ko siya."What are you doing? Bakit mo iniimpake ang mga gamit natin?" muling tanong ko sa kanya."Basta. Saka ko nalang sasabihin kapag nailayo ko na kayo rito ng anak natin." tanging sagot lang niya.I didn't bother to ask him again, at tinulungan ko na lamang siya sa pag-iimpake ng mga gamit namin. Maya-maya lang ay pumasok na sa loob ng kuwarto namin ang yaya ni Ruhan na bitbit ang mga gamit nito. Nakabukas din ang pinto dahil nakalimutan ko itong isara kanina."Ma'am, sir, ito na po yung mga gamit ni Ruhan." aniya."Saan ba talaga tayo pupunta?" muling tanong ko kahit alam kong wala akong makukuhang sagot mula sa asawa ko."Thanks, ya. Pakilagay nalang ang mga 'yan sa loob ng van." saad naman ni hubby."Sige po, sir."
Last Updated: 2025-05-06
Chapter: Kabanata 47BITBIT ko ngayon ang bag ni ma'am Ohani. Nakatanaw lang ako sa kanya habang ito'y lumalangoy sa pool. Nandito rin kami ngayon sa isang resort dahil ayaw niya raw mag-swimming sa sarili nilang pool kaya dumiretso na kami rito.Nang umahon na ito. Lumapit ito kaagad sa akin at pinakuha niya sa'kin ang kanyang lipstick mula sa bag niyang bitbit ko ngayon."Why are you looking at me like that, Rufus?" Tanong nito nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya habang naglalagay siya ng lipstick sa kanyang labi."Aalis na po ba tayo, ma'am?" Tanong ko."What? No. Naglalagay lang ako nito dahil..." Pinutol nito ang kanyang sasabihin at napatingin naman ako sa tinitingnan niyang isang lalaking photographer."Type mo siya? Kaya ka nagpapaganda?" Hindi makapaniwalang sabi ko rito na ikinatawa niya.Ibinigay naman nito sa'kin ang kanyang lipstick. "Silly, Rufus... Back then, I really wanted to be a model but ayaw ni Dad. And this is my chance. That photographer is taking pictures of me. Kaya kaila
Last Updated: 2025-04-30
Chapter: Kabanata 46Continuation..."Ako na ang magluluto. Sakto rin dahil gutom na ako." Sabi ko.Kinuha ko na rin mula sa kanya ang hawak niyang ice cream at ibinalik ko iyon sa ref. Kumuha na rin ako ng ham sa loob ng ref at pagkatapos naghugas muna ako ng mga kamay."Kumakain ka naman ng fried rice, 'di ba?" Tanong ko sa kanya na agad nitong ikinatango.Nagtira ako ng apat na slice ng ham at yung ibang natira naman ay hiniwa ko ng maliliit para ihalo sa fried rice. Akmang bubuksan ko na sana ang stove nang bigla akong hawakan ni Ohani sa braso ko at iniharap ako nito sa kanya.Nagtataka ko naman itong tiningnan. "Bakit?" Agad na tanong ko rito.Ngumiti lang ito, saka nito ipinasuot sa akin ang apron na kinuha niya sa gilid."Hindi ko na kailangan 'to. Madali lang naman itong lutuin," sabi ko sa kanya.Muli naman niya akong iniharap sa may gas stove. "You still need this apron. Baka tumalsik yung oil." Sabi niya na ikinatawa ko. "Why are you laughing, Mr. Rufus Madrid?" Bakas sa boses niya ang inis."
Last Updated: 2025-04-23
Chapter: Kabanata 45 (Flashback)Pagkalapag ng eroplanong sinasakyan namin kaagad kaming dumiretso sa condo ni Tana, dahil iyon ang gusto ni madam Ohani. Private plane rin nila ang sinakyan namin papuntang US para lang makapag-shopping itong si madam Ohani.Maghawak-kamay pa silang dalawa ni Ohani sa harapan ko na akala mo isang dekada silang hindi nagkita ni Tana, eh kakakita lang nila last week."I have a gift for you." Aniya at tumingin ito sa akin.Nakuha ko na agad ang ibig niyang sabihin kaya hinanap ko na yung binili niyang bikini para kay Tana dahil birthday raw nito ngayon. At nang makita ko na, inabot ko kaagad iyon kay Ohani.Ibinigay naman ni Ohani kay Tana iyong regalo niya rito. "Here. I hope you like it." Nakangiting sabi niya.Niyakap muna ni Tana si Ohani at nagpasalamat din ito bago nito binuksan ang regalo ni Ohani para sa kanya.Nanlaki naman ang mga mata ni Tana nang makita na niya ang regalo ni Ohani sa kanya. "O.M.G! I like it. I like it. Girllll! Thank you so so much!" Tumitili pa
Last Updated: 2025-04-22