May mga bagay sa buhay na kailangang harapin, hindi kayang solusyunan ng pag-iwas o pagpapaliban. At alam ito ni Anna. Alam niya sa puso niya na darating ang araw na kailangan niyang balikan ang kanyang pinagmulan, kahit pa hindi niya alam kung anong mukha ng katotohanan ang sasalubong sa kanya.
Kaya nang marinig ni Esteban ang kanyang sinabi, dama niya agad ang pasya sa loob ni Anna.
Tahimik siyang ngumiti, ngunit sa kabila ng ngiting iyon ay may mabigat na buntung-hininga na hindi niya kayang itago. Sa loob-loob niya, alam niyang matatapos na ang inaasam niyang tahimik at masayang araw kasama si Anna. Masyado pang maaga.
"Lalabas muna ako, maglalakad-lakad," mahina niyang sabi habang nakatingin kay Anna.
Tumango si Anna at mahinang tumugon, “Sige.”
Hindi na siya pinigilan ni Anna, alam nitong may mabigat ding pinapasan si Esteban, kahit hindi niya sabihin.
Lumakad si Esteban palabas ng villa. Napunta siya sa hardin na pinaghirapan at inayos nina Moyang at ng asawa nito. Malapit nang