Hindi ko inasahan na nagpakasal ako sa lalaking inakala ng karamihan ay walang kwenta, iyon pala ay isang nagtatagong billionaire.
view moreMATAAS ang sikat ng araw ngunit hindi ‘yon alintana ng lalaking nagngangalang Esteban. Pasipol-sipol lamang ito habang nasa palengke. Maraming napapatingin sa kanya na tila ba hinuhusgahan siya dahil sa suot niyang damit na halos yakapin na ng kalumaan at may munting mga butas ngunit hindi niya ‘yon pinapansin. Hindi man niya aminin ay nasanay na lamang siya sa mga pangmamata ng mga tao sa kanya.
Tahimik niyang hinihintay ang binili niyang regalo sa isang tiangge. Ilang saglit pa ay lumapit sa kanya ang tinderang babae dala ang kanyang binili.
“Salamat,” magalang niyang wika sa babae bago ito talikuran saka naglakad na pauwi. Nangingiti niyang sinipat ng tingin ang regalong sinadya sa palengke.
“Señorito.” Napahinto siya nang may biglang humarang na lalaki sa kanyang daanan. Nakasuot ito ng itim na tuxedo.
Kumunot ang noo ni Esteban, nagtataka ang mukha kung sino ang lalaking kaharap niya ngayon. “Naparito ako para sunduin ka, kailangan ka ng mga Montecillio.”
Napaatras si Esteban sa huling sinabi nito. Napahigpit ang kapit niya sa dalang plastic. Ang pangalang binanggit ng lalaki ay animo’y isang bangungot na kinaiinisan niya.
“Sino ka? Ahh… wala akong pakialam kung sino ka at nag-aaksaya ka lang ng oras na sunduin ako dahil hindi ako sasama sa ‘yo.”
“Flavio po ang pangalan ko. Inutusan ako ng iyong Lola na sunduin ka at ibalik sa mansyon.” Ngumiwi si Esteban sa sinabi ni Flavio.
Marinig pa lang niya na binanggit ng lalaking kaharap ang kanyang Lola ay sumagi na agad sa isip niya na may kailangan ito sa kanya. Hindi mag-aaksaya ng panahon ang matandang ‘yon na hanapin at puntahan siya kung wala itong malaking kailangan sa kanya.
‘Kailangan niya ako dahil wala ang magaling niyang apo?’ Natawa siya naisip. Hinahanap lang siya kapag may kailangan. Natawa siya ng mapait nang maalala kung paano siya pinagtabuyan ng kanyang pamilya. Hanggang ngayon ay ramdam niya ang sakit ng pang-aalipusta sa kanya na animo’y hindi siya parte ng pamilya.
Matapang at seryoso niyang hinarap ang lalaki. “Umalis ka na. Wala kang mapapala sa akin.” Akmang aalis na sana siya nang lumingon siyang muli sa lalaki. “Pakisabi sa amo mo na mali siya ng nilapitan. Hindi ako babalik sa impyernong kung saan siya naroon.”
Hindi nagsalita si Flavio nang tumalikod na si Esteban. Huminga na lamang nang malalim ang binata dahil sa tigas ng ulo ng isang apo ni Donya Agatha. “Wala nga siyang pinagkaiba sa kapatid niya,” bulong nito sa sarili sabay iling habang pinagmasdan si Esteban na hindi man lang nililingon ang paligid.
SA KABILANG dako, naghihintay ang isang magandang dalaga at bakas sa mukha nito ang inis.
“Nasaan na ba ang lalaking ‘yon?” inis niyang bulong, kanina pa siya nakabihis at hindi pa rin bumabalik ang hinihintay niyang si Esteban.
Siya si Hadrianna Lazaro o kung tawagin ng lahat ay Anna, ang asawa ni Esteban. Tatlong taon na silang kasal, at tatlong taon na rin siyang nagtitiis sa kanilang sitwasyon. Labag sa kalooban niya na ipakasal sa lalaking hindi niya naman talaga kilala sa simula pa lang. Gayunpaman ay sinunod na lamang niya ang gusto ng kanyang Ama at Lolo.
“Ang tagal mo! Saan ka ba galing ha, ma-le-late na tayo, Esteban!” bungad niya sa asawa nang makauwi ito. Pawisan pa ito na tila mukhang hinahabol ng kung ano. “Oh, ba’t ang dungis mo? Ano bang nangyari sa ’yo?”
“Bumili lang ako ng regalo para kay Lola,” sagot naman ni Esteban sa asawa at saka yumuko. Palihim niyang inaamoy ang sarili dahil nahihiya siya sa kanyang itsura.
“Sana ‘di ka na lang nag-aksaya ng oras. Hindi rin naman iyan tatanggapin ni Lola.”
“Wala rin namang masama na bilhan ng regalo ang Lola mo, Anna,” seryosong sagot ni Esteban.
Umiling na lamang si Anna habang nakatingin sa asawa. Naiirita siya sa mga katwiran nito.
“Magbihis ka na at bilisan mo! Naghihintay na silang lahat doon! Ang dungis mo… nakakahiya ka talagang isama!”
Hindi na lamang sumagot si Esteban, nasaktan siya sa huling linyang sinabi ng asawa.
Alam niya namang matagal ng ayaw ni Anna sa kanya at kahit asawa siya nito, iba rin ang trato nito sa kanya. Wala rin naman siyang magagawa, ni hindi siya makapag-reklamo dahil si Anna na lamang ang tanging naiwan sa kanya ngayon.
Si Anna lang din naman ang tanging taong uuwian niya…
Hindi kinausap ni Anna ang asawa habang papunta sila sa venue kung saan gaganapin ang birthday party ng kanyang Lola, si Senyora Rosario.Pangalawa ang pamilya nila Anna sa pinaka-mayamang angkan sa buong Laguna. Dahil na rin sa estado nila sa lungsod ay alam na niyang engrade ang magiging party ng Lola niya ngayong araw.
“Huwag kang gagawa ng kalokohan dito, Esteban. Kung wala ka namang alam sa mga bagay-bagay, pwes manahimik ka na lang,” bulong ni Anna kay Esteban. Hindi na lang sumagot si Esteban dahil paulit-ulit na rin naman iyong sinasabi ng asawa sa tuwing may dadaluhan sila ng kasiyahan sa lungsod.
Habang nag-uusap ang iilang tao sa loob mansyon ni Senyora Rosario, mayabang na naglakad ang isang lalaki habang may dala itong regalo. Si Frederick Lazaro, isa sa mga pinsan ni Anna na walang ibang ginawa kung hindi bwisitin silang mag-asawa.
“Wow! Good evening to you cousin–” Pasimple itong tumingin kay Esteban na hindi rin naman siya pinansin. “--and to your trash.”
“Problema mo?” walang ganang tanong ni Anna sa pinsan at bahagyang inilibot ang tingin sa paligid.
Imbis na sagutin ni Frederick si Anna, dumapo ang mga mata niya sa dalang regalo ni Esteban. Tinawanan niya ito dahil sa isip niya, sa pagkakabalot pa lang nito ay halata na mumurahin lang ang laman niyon, hindi tulad ng hawak niya.
“What’s this?” Gulat na tumayo si Esteban sa kinaupuan niya nang kunin ni Frederick ang regalo niya. “Magreregalo ka ng b****a kay Lola? Are you that stupid? Itatapon niya lang ito. Nag-aksaya ka lang ng barya mo, Esteban!” Tumawa siya nang nakaka-insulto.
Ngunit hindi natinag si Esteban at pinagmasdan lang niya ang binata na dahan-dahang nilabas ang regalo sa loob ng nilagyan nito.
Unang tingin pa lang ni Esteban sa dala ni Frederick ay alam niya masasabi na niya kung tunay ba ito o peke.
“Look at mine. This is the most fashionable bag in our town. Bagong labas ito mula sa ibang bansa. I bought this from a prestigious shop in Manila.” Ngumisi siya habang pinapakita sa mga tao ang dala niyang bag, nagyayabang.
Palihim na umiling at ngumisi si Esteban saka lumapit kay Frederick. “Sigurado ka bang totoo iyang nabili mo?”
Kumunot naman ang noo ni Frederick dahil sa sinabi ni Esteban. Napalingon na rin si Anna sa kanya.
“Kung titingnang mabuti iyang bag, mukha ngang mamahalin talaga at nagmula sa sikat na brand. But look.” Kinuha ni Esteban ang bag sa kamay ni Frederick na siyang ikinagulat niya pa lalo. “Hindi mo ba napansin na parang dinikitan lang ito ng tag na katulad sa mga original design? Halatang imitation.”
“A-anong pinagsasabi mo? Baliw ka na ba?” Umiling si Esteban sa sinabi ni Frederick, halata na sa mukha ng lalaki na kinakabahan ito. Totoo ang sinabi ni Esteban pero ang ipinagtataka niya, kung bakit alam niya ang ganitong bagay. Mas lalo tuloy siyang nainis sa binata.
“Hindi ka ba natatakot na magalit si Lola dahil bibigyan mo siya ng pekeng bag?” asar pa niya lalo kay Esteban.
“Original ang binili kong bag! Sinisiraan mo lang ako sa harap ng mga tao!” giit ni Frederick.
Napangisi lamang si Esteban. Alam niya na isa sa magaling kung tumingin ng mga bags si Senyora Rosario kaya siguradong-sigurado siya na mabubuking si Frederick sa oras na malaman nito na niloloko siya ng sariling apo.
“Wala ka namang alam sa mga ganyang bagay, Esteban. Huwag mong siraan ang anak ko,” saad ng ina ni Frederick nang makalapit na sila kina Esteban kasama ang asawa nito na Tatay ni Frederick.
“Kung umasta ka ay parang ang laki ng ipinagmamalaki mo. Walang-wala ka sa anak ko dahil isa ka lang namang b****a sa pamilya ito,” segunda naman ng Tatay ni Frederick.
Hindi na lamang sumagot si Esteban dahil kung sasabihin niya sa mga taong kaharap niya ngayon na ang Nanay niya ay isa rin sa sikat na fashion designer sa bansa at magaling din ito kumalitis sa kung ano ang totoo sa hindi, hindi rin sila maniniwala. Pagtatawanan lang din siya ng mga ito.
“ANONG nangyayari dito?”Isang matandang boses ang dumating.
Tuwing itinakdang araw ng paliligo, pinapahintulutan ng mga matatanda sa Sifeng na gumamit ng mainit na bukal ang mga babaeng alipin upang makapaglinis ng katawan at makasipsip ng espirituwal na lakas. Ngunit sa halip na respeto, may ilang walanghiya na nagtatago upang manilip.Tatlong binata ang nakaluhod sa bintana, halatang sabik na manood. Ang tawag nila sa ginagawa nila ay parang "catching a divine pet," pero sa totoo lang ay walang pinagkaiba iyon sa pambabastos habang ang mga babae’y naliligo.Biglang sumigaw si Esteban mula sa di-kalayuan. “May magnanakaw!”Agad siyang tumayo at tumakbo, kaya’t nataranta ang tatlong naninilip. Nagkagulo sila, nagtulakan, at mabilis na kumaripas palayo na para bang nahu
Pinigilan ni Esteban ang bugso ng galit at ang tuksong pumatay. Ano ba naman ang pinagkaiba ng 9999 at 102? Para bang langit at lupa ang pagitan.“Gaano karaming alipin ang lahat-lahat?” mariing tanong ni Esteban habang pinipilit niyang kumalma.“Isang daan at dalawa.”Para siyang tinamaan ng kidlat sa kanyang dibdib nang marinig iyon. Umigting ang apoy sa kanyang loob, at ramdam niya ang matinding kirot sa kanyang puso. Ang gusto niya lang naman ay isang simpleng masisilungan, pero para siyang nahulog sa isang malalim na bangin na wala siyang paraan para makaahon.“Magpalit ka muna ng damit. Pagkatapos, pumunta ka sa North Garden Water District at siguraduhin mong makuha natin ang tubig para sa bahay ngayon. Pagkatapos niyan, pumunta ka nam
Pagdating ni Josefena sa hardin, agad siyang binati ng isang matabang lalaki na tila hindi mo malaman kung alin ang ulo at alin ang buntot kung nakahiga sa dilim. Nang makita niya si Josefena, agad itong ngumiti at may laway pang tumulo sa gilid ng labi. Sa kabila ng itsura, may kaunting kakyutan sa paraan ng kanyang ngiti.“Elder Martial Sister Josefena, you’re here! Younger Martial Brother greets you!” sabi niya na may halong pang-aalipusta sa sarili.Malamig ang tinig ni Josefena nang sabihin niya, “Simula ngayon, may isa pa kayong bagong tao sa hardin.” Pagkatapos noon, kumurap ang kanyang kamay at biglang nawala ang liwanag na nakabalot kay Esteban, dahilan para makagalaw na muli si Esteban.Nang makita ni Kino si Esteban, tumingin muna siya kay Josefena, pagkatapos ay ngumiti at nagsalita, “Elder Martial Sister, it’s just a garden slave. You should’ve told me earlier. Ako na sana ang kumuha at naghatid sa iyo personally.”Bigla niyang nilapitan si Esteban at bigla na lang sinam
Nakaramdam ng matinding excitement si Qurin nang makita niya si Josefena.“Josefena…” halos nanginginig ang boses niya.Hindi siya sinagot ni Josefena. Sa halip, dalawang berdeng bote ang ibinato nito sa sahig. Nakilala agad ni Esteban ang bote. Ito ang tinatawag na Green Jade Energy Bottle na nakita niya kahapon.Nagulat siya nang mapansin kung gaano kapino at parang jade ang mga kamay ni Josefena habang inihahagis ang bote. Sa isip-isip niya, si Josefena ang isa sa pinakamagandang babaeng nakita niya mula nang maglakbay siya sa iba’t ibang lugar. Kahit si Su Yingxia, kung ikukumpara, ay tila medyo pumapangalawa lang.“Drink it.” Malamig ang tono ni Josefena, kakaunti ang sinasabi, ngunit napakaganda ng boses niya—banayad at nakakaakit, ngunit malayo ang dating.Agad na yumuko si Qurin, dinampot ang bote, at binuksan ito upang ipainom kay Esteban.Pag-inom ni Esteban, agad niyang naramdaman ang mainit na enerhiya na dumadaloy mula sa lalamunan niya, bumababa sa mga ugat at dumadaloy
Narinig ng lahat ang malakas na pagsabog at agad silang nagsitakbuhan patungo sa gitna ng training ground. Doon, lumilipad pa ang alikabok at nagkalat na sa lupa ang mga pira-pirasong bato mula sa apat na estatwa. Pawisan at hingal si Esteban, halatang halos maubos na ang lakas niya.Hindi makapaniwala ang mga disipulo sa kanilang nakita. Tahimik silang lahat, tila wala ni isang masabi.Sa entablado, nanlaki ang mga mata ng anim na matatandang elder.“Sa loob ng apatnaraan taon mula nang maitayo ang nihilism, wala pang nakabasag kahit isang estatwa. Pero ang batang ito...” isa sa kanila ang napabulong.“Ordinaryo lang ang itsura niya. How can he possibly have this kind of strength?” dagdag pa ng isa.Ang apat na estatwa ay gawa lamang sa bato, pero napakatibay at napakabigat ng mga ito dahil sa espesyal na paraan ng pagkakalikha. Malaking lakas na ang kailangan upang maitulak lamang sila, lalo pa kung sisirain.Si Qurin naman ay hindi maitago ang tuwa. Ang nagawa ni Esteban ay higit p
ChatGPT said:Pagdating ni Josefena, agad na napa-anga ang maraming disipulo. Para bang nahulog sila sa matinding paghanga sa kanyang presensya, kaya kusa silang nagbigay-daan.Kasunod niya ay sina Ye Gucheng—na minsan nang nakita ni Esteban—at si Lu Yunfeng, ang pinakamatandang nakatatandang kapatid sa Shoufeng.Nang makita ni Josefena si Qurin na nakatayo sa gitna ng arena, napuno ang kanyang mga mata ng matinding pagkasuklam at galit na tila gumigiling sa kanyang ngipin. Pagkatapos noon, bahagya niyang tinapunan ng tingin si Esteban.“Ha! Seventh Martial Uncle, talagang matibay ka pa rin kahit matanda na. Noong huli kitang makita, sinabi mong malapit ka nang mamatay, pero ngayon, nakatanggap ka na agad ng bagong apprentice?” natatawang sabi ni Ye Gucheng.Hindi man lang nagpakita ng kaba si Ye Gucheng nang marinig na may tinanggap na bagong alagad ang kanyang dating guro. Sa nakita niyang antas ni Esteban, lalo siyang hindi natakot. Para sa kanya, ito ay kombinasyon ng dalawang tao
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments