Matagal na nag-alinlangan si Anna. Tahimik lamang si Esteban sa kanyang tabi, hindi siya minamadali, hindi rin nagtatanong, bagkus ay naghihintay lamang, buong pag-unawa, buong paghahanda kahit sa pinakamasakit na pwedeng marinig.
Hanggang sa wakas, matapos ang mahabang katahimikan, nagsalita rin si Anna. Mahina, pero matatag ang tinig nito.
"May isang destiny master sa pamilya namin, sa Dike clan. Ayon sa pagbabasa niya sa mga bituin, may isang bagong True God na ipapanganak sa angkan namin balang araw. At ayon sa tadhana, ako 'yon... at ang magiging anak ko."
Nagulat si Esteban. Biglang nagkaroon ng saysay ang lahat, ang sapilitang kasal, ang pagtatago ni Anna, at ang desperasyon ng Dike clan. Kung totoo man ang prediksiyong ito, hindi lang si Anna ang may malaking papel sa hinaharap, kundi pati ang magiging anak nila.
Pero isang tanong ang kumurot sa kanyang puso.
"Wait... Totoo ba ‘to? I mean, how can they be sure?" tanong ni Esteban, puno ng pag-aalinlangan.
Umiling si Anna. "Hin